CHAPTER 9 DEAL!

75 0 0
                                    

Natapos yung party ng masaya ang lahat. Pati ako masaya. Sabay-sabay ng umalis yung 4 na taga BFC, si Elle dito ko na lang pinatulog. Wala lang trip ko lang. Almost 3 am na din. SIguro mga 2 natapos yung party. 

"Sis, ang sweet ni Blue. Alam mo bang kilig na kilig ako kanina habang kinakantahan at isinasayaw ka nya. Grabe, para kaming nanunuod ng isang magandang love story. Hindi kaya tinamaan na sayo yung si Blue?"

"Gaga! Ikaw ang tatamaan saken! Wag mo ngang bigyan yun ng malisya, baka yun na yung gift nya saken, wala kaya syang regalo."

"Weh? Eh hindi mo nakita yung itsura nyo kanina, parang kayo na lang yung tao sa mundo, alam mo yun? Parang di nyo na napapansin na nag eexist kami. Kung hindo ko nga alam ang totoo iisipin kong kayo na talaga."

"........................."

"M, what if sya na talaga ang prince charming mo?"

Hindi ko sinagot yung tanong ni Elle, nagtaklob na lang ako ng kumot at pumikit. 

"Tsss! Walang kwentang kausap kahit na kelan!"

Narinig kong sabi ni Elle. Natulog na ko ng tuluyan. pagod at puyat na din talaga ko.

KINABUKASAN

"Sis! Bangon na dali!"

"Ano ba Elle! Umaga na halos tayo nakatulog kagabi, patulugin mo naman ako ng matagal!"

"Hindi pa ba matagal yung sampung oras ha?"

"Anung sampung oras? Anung oras na ba?"

"Alas 3 ng hapon. Grabe ka!"

"Alas tres na? Grabe... feeling ko maaga pa. Bakit ka ba nanggising?"

"May bisita ka kasi, kanina pa syang lunch nandito."

"Ha? Sino naman yan?"

"yung boyfriend mong gwapo."

"Ha?! Anung ginagawa nya dito?"

"Ay limot ka te? Di ba pinababalik sya nila tito at tita dito ngayon? Nag-usap kaya kayo kagabi, duh!"

Oo nga pala, nagbilin sila daddy kay Blue na bumalik dito ngayon. Tsk... Maiinterogate ata si Blue ng wala sa oras.

"Elle ligo lang ako ako. Dun ka muna sa baba. Baka kung anong sabihin nila daddy kay Blue."

"Uyyy. Concern sa jowa. Aray!  bat mo ko binato?"

"Lumabas ka na! Chupi! Go!"

-----------------------------------------------

"Ija, gising ka na pala, kumain ka muna."

"Hi mom, hi dad! Later na po ako kakain, busog pa po ako."

"Hindi mo manlang ba babatiin ang boyfriend mo?"

Oo nga pla, andito sya. Bat ba ang gwapo nito?! Kaasar!

"hi Blue!"

Tumango lang sya.

"Bat parang ang cold naman ata nun. Kiss mo sya sa cheeks M."

"Mom?!"

"Bakit? Magboyfriend naman kayo. Atsaka sa cheeks lang naman, it's not like mag mamake---"

"Mom! FIne."

Chup

"Hon, ang sweet ng mga bata! Bagay na bagay sila! Waaahhh"

Si daddy parang bata na ewan. Si Blue mejo namula. Haha... Cute.... 

"Bat nyo nga po pala pinapunta si Blue dito?"

"Kasi kakausapin namin kayo tungkol sa inyo."

"Ha? What about us?"

"Bakit kahapon lang namin sya nakilala M? Bakit di mo sya agad dinala dito? Kung hindi pa sya pinakilala ni Elle, hindi namin malalaman. Napaka sweet ng batang to, nagsuggest pa talaga sya na kakanta sya habang bumababa ka ng stairs naten. At yung surprise nya sayo nung 18 roses, grabe yun, sinabi nya lang na papatayin nya yung ilaw pero hindi na nya sinabi samen ang ibang details, pero anak grabe, naiyak ako sa tuwa habang pinapanuod kong sumasayaw kayo."

"Ah eh..."

"Kahapon nya lang po ako sinagot Tita kaya di nya ako agad napakilala."

Nagsalita na si Blue. 

"Talaga? I'm happy for both of you. Stay sweet ha. Wag nyong sasaktan ang isat isa. At ikaw naman Blue alagaan mo prinsesa namin ha... Make her happy. Same to you M."

"Opo tito, aalagaan ko si M. Mahal ko po sya."

O.O Ano daw? Mahal nya ko?

"Haha... mga kabataan ngayon... Sige maiwan na namin kayo jan. Mag-usap muna kayo."

Nung makaalis sila daddy walang nagsasalita samen. Spell awkward.

(.> >)----->Ako

(<<.) ------>Sya

Ang weird nito.

"Ah eh... Blue, salamat nga pala kagabi..."

"May bayad yun." sabay smirk

Back to the Blue na una kong nakita. Msungit.

"Magkano ba? Kaya kong bayaran lahat ng efforts mo."

"Nah... Effort nga ginawa ko diba? Kaya effort din ang gagawin mo."

"Ha?!  At bakit aber?"

"Because you owe me? Well I believe I just saved your future last night. Kung hindi dahil saken engage ka na."

"Tskkk... K fine! What do you want?"

"You'll date me for a month."

"No!"

"Yes..."

"No!"

"Yes... Lumapit ka sa kompanya namin, ako ang naging kacompatible mo, so we will do the stages."

"Anung stages?"

"Inexplain na ni president sayo diba?"

Oh shit! Oo nga pala, hindi ko nga pala basta nirentahan tong si Blue. Well technically hindi ko din naman sya binayaran,,, ang gulo ng kumpanya nila. >_<

"Ano na?!"

"Fine! One month na getting to know each other is fine with me."

"Good. After a month, we will have to decide whether to step on the next stage or stop everything. Oo nga pla, this is how it works, if mutual understanding ang nangyari, alam na natin yun, pero pag one sided lang, we have to go into our own again. Deal?"

"Sounds fair. Deal. Let's see kung sinong maiinlove sating dalawa."

"Haha... you're funny M. Pustahan pa tayo iiyak ka after ng one month kasi nainlove ka saken at ako eh hindi sayo."

"haha... Asa ka dude! Deal na 'to?"

"Deal!"

-------------------

A/N... support po. comment and vote. thank you!

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon