CHAPTER 18 SPIN THE BOTTLE

46 0 0
                                    

 M's POV

Nandito na kami sa Batanes, at sobrang ganda. Hindi ko sure kung enough na ba yung definition na yun para madefine ang ganda ng Batanes, pero sobrang ganda nya talaga, parang ayaw mo ng umalis dito. Ang ganda din ng rest house nila President dito. Saksakan naman pala talaga ng yaman 'to. 

 "San room namin?" tanong ko kay President.

"Atat? Pwedeng maghintay? Kitang kakarating lang eh." sabat nitong si Ledesma.

"Eh bakit ka ba sagot ng sagot jan eh hindi naman ikaw ang kinakausap ko?" singhal ko sakanya

"O, tama na yan. Ang pagod na nga sa byahe, nag aaway pa kayo." awat naman ni President.

"Kaya naman pala sila compatible na dalawa. Hahahaha." narinig kong sabi ni Steph.

"Tara na, ituturo ko yung room nyo."

After ituro yung room namin, syempre hiwalay ang room ng girls sa boys. At magkakasama kaming girls. Grabeng laki ng room na 'to. Hahaha. 

"Hoy, kayo jan, labas na kayo. Tulungan nyo kaming mag ayos dito sa labas at ng makakain tayo ng dinner sa tamang oras." sigaw ni Brent ata yun

"Oo. Wait lang."

At ayun nagprepare na kami ng food. Akalain mong hindi lang pala marunong 'tong si Blue magbake. Marunong din pala syang magluto. Nakakatuwa naman. Sya tagaluto, kaya naman pala ayos lang dito sa mga lalaki na 'to na sila lang yung magbakasyon dito kasi hindi sila magugutom. Bago pa man kami pumunta dito naipag grocery na kami ng kasambahay nila President ng mga kakailanganin namin dito. Hindi kami sasamahan ng caretaker ng resthouse nila, mabubuhay kami dito na walang aasahan kundi sarili namin. Pero kung magkakaroon ng aberya pwede naman namin silang tawagin. Pero ang kwento nila Marcus, never pa daw nagka abeya ang birthday party ni President. Nakakatuwang isipin na kahit mga mayayaman na lalaki tong kasama namin ngayon, independent na sila.

"Hoy! Anung nginingiti ngiti mo jan? Baliw ka na talaga." 

"Ano ba yan Ledesma, agaw eksena ka talaga!"

"Eh bakit ka kasi ngiti ng ngiti jan? Problema mo?"

"Paki mo ba?! Gutom na ko. Tapos ka na bang magluto?"

"Oo, kanina ka pa nga tinatawag. Bingi ka lang talaga. Tara na. Hinihintay na tayo nung iba."

"Edible ba yung niluto mo? Baka naman hindi masarap yan ah." sabi ko sakanya nung nandun na kami sa dining area.

"Hindi mo ba alam M na may ari ng restaurant ang pamilya nila kaya naman dapat eh masarap talaga syang magluto? Swerte nga natin kasi libre nya 'to pinapakain saten, kung nandun tayo sa restaurant nila mahal ang bayad jan kay Blue. Isa kaya sya sa most requested chef sa restaurant nila." sabad nitong si Marcus habang nguya ng nguya. Bastos.

"Tama yun. Kaya kumain ka na lang jan, bago pa magbago isip ko at pabayaran sa yo yang mga kakainin mo." sagot ni Blue sabay smirk

"Ajujuju. Kaya ko 'tong bayaran lahat nun. Magkano ba?!" kala yata nito papatalo ako. ASA!

"Ano ba?! Hindi ba kayo tititgil? Kumain na lang tayo. Kaasar na kayo ah!" sigaw ni president. Waaaahhh. Katakot! >_<

"Hon, kalma ka lang. Di ka pa ba sanay jan sa dalawang yan. Ganyan talaga sila." pang aalo ni Elle kay Pres.

"Isa ka pa.  Kumain na tayo! Pupunta tayo sa tabing dagat after kumain. Bilis!"

"Hon, naman eh. Wag mo kong sigawan." sabay pout ni Elle.

"Eeewww ka Elle. Stop that pouting thing. It's not bagay!" sabay hampas ko kay Elle. Kadiri kasi talaga.

 Nung matapos na kaming kumain pumunta na kami sa tabing dagat. Yung mga lalaki nagsindi ng bonfire. Marunong pala sila nun. Hahaha. Kaming mga girls, kanya kanyang tampisaw na sa tubig. Grabe ang lamig ng hangin dito, mukhang any moment parating na yung bagyo. Tsk. Umalis na pa naman yung helicopter pagkahatid samen. Sunduin na lang daw kami sa Sunday. Sana walang mangyaring kakaiba, at hindi kami abutan ng bagyo dito. Waaah!

"Tara. Start na tayo." sigaw nung mga lalaki samen.

"Bakit? Ano bang gagawin natin?"

"Eh di celebration. President's way of celebrating his bday."

"Anong way naman yan?"

"Simple lang. Spin the bottle."

"Boo. Ano ba yan, masyado ng gasgas yang laro na yan. Wala na bang iba?"

"Hoy, Brent, ano yan? Bakit may maliliit kang jar na hawak?" tanong ni Kim. Nak ng, nag eexist pala 'to. Hahahaha. Hindi nagsasalita eh

"Secret. Malalaman nyo din mamaya."

So ganun ang nangyari nakaupo kami dun sa may bonfire. Nakajacket kami syempre, anong akala nyo, sira ulo kami para magswimsuit ng ganito kalamig? Anyway, so habang kami ay nakaupo, yung mga boys ay pinupwesto yung dalang jar paikot. Siguro meron syang 12 na ganun tapos nilagay nya yung bote sa gitna. 

"So, ano ng gagawin? Tagal naman mag explain oh." 

"Kanina ka pa atat Montenegro. May lakad ka ba?" sagot naman ni kutong lupa. Teka, pansin ko lang dumadami na yung tawag ko sa kanya. Hahahaha, pansin nyo din ba? 

"Pake mo ba? Dali na kasi. Ang lamig kaya."

"Eto na po, mag eexplain na. So spin the bottle ang laro, pero ang kaibahan nito, yung ituturo nung bottle ay hindi tao kundi isa sa mga jar na yan."

"Ano bang laman ng mga jar na yan?" epal ni Elle

"Kaya nga ineexplain diba? Wag kasing nagmamadali. Parehas kayo ni M eh." sagot ni Pres.  Biglang nagpout si Elle.

"Waaah. Sorry naman hon. Sige continue."

"Tsk. So yung laman ng mga jars na yan ay challenges. Iba't ibang challenges. Maraming laman ang isang jar. At hindi pwedeng umayaw sa larong ito. Basta naka harap na sa bonfire, bawal ng magback out, regardless kung anong hamon, kailangan nyo yung gawin. Maliwanag?"

"Ha? Eh kanino nanggaling yang mga challenge na nanjan? Ang daya, alam nyo na ang laman." sabi ni Steph

"Hindi pa namin alam yan. Ibang tao ang pinagagawa namin nya. At sinigurado namin na safe yan, binilin namin yun."

"Sige na. Start na yan. Sinong mauunang magspin?"

"Alphabetically arrange. First name basis. So that will be,  Blue, Brent, Carlo, Elle, Kim, M, Marcus, Sophie then Steph.

"So let the celebration begin, Spin the Bottle." 

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon