CHAPTER 8 FEELINGS

121 0 0
                                    

Dahil sa spotlight na nakatutok samen di ko pa din masyadong makita yung mukha nung lalaking nakaalalay saken ngayon. 

"A round of aplause to my one and only daughter and her boyfriend, Blue Ledesma."

Napatitig ako sa sinasabi ni Daddy na boyfriend ko daw. Ibig sabihin si Blue? As in si Blue na sagad ang kasungitan ang naging ka compatible ko? how come?!

"Eehem anak, alam kong gwapo ang boyfriend mo pero di mo sya kelangang titigan ngayon, magsisimula na ang party mo. Happy birthday princess!"

Shit! I'm starring?! Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako ng matagal sa kanya! Ang gwapo aaacckkk wala akong sinabi! Nakatuxedo sya na white. Bagay na bagay sa suot ko ngayon na ball gown na black. Yep! Black ang gown ko kasi yun ang favorite color ko. Ako ang debutant na nakablack, who cares?! I hate pink! iniisip kasi nila pag debut dapat pa-girl na color, well I'm not pa-girl.

"Miss, tama na, alam kong gwapo ako pero baka matunaw na kasi ako."

"Kapal! So ikaw pala ka compatible ko? I have a feeling na hindi accurate 'to"

"Parehas tayo ng pakiramdam, pero this is not the time to talk about that, tumingin ka sa paligid mo. Enjoy your party! This is your night! Happy birthday princess!"

^_^

*o* waaahhh. ngumiti sya with his ow so bright smile! Ang gwapo! Kaasar! K fine! I have to admit it just for tonight, ang gwapo nya. -_-

"Shall we?"

Inabot nya saken ang kamay nya at sabay kaming naglakad papunta sa gitna. Habang naglalakad kami nakatingin ako sa mga bisita, at iisa ang itsura nila, nakangiti at makikita mong masaya sila. Nahagip ng tingin ko si Elle at si President, kasama nila si Brent at Marcus. Teka, hindi naman invited yung dalawang yun, bat andito sila? Nagwink pa si Elle saken habang sila President naman at yung dalawa nagwave lang.

Nakita kong papalapit samen si Mommy kaya nginitian ko sya. 

"Anak happy birthday! You are so lovely! manang mana ka talaga saken! Ang saya namin ng daddy mo sobra. Ngayong may boyfriend ka na hindi na kami mag aalala ng daddy mo na babae ang gusto mo."

Narinig kong natawa si Blue sa sinabi ni mommy. hmmmp!

"Mom, ilang ulit ko ba kasing sasabihin na hindi ako tomboy! Ayaw nyo lang maniwala!"

"haha. Basta anak we are very happy! Enjoy your party anak! Blue ikaw na bahala sa prinsesa namin ha?"

Nung makita ni mommy na tumango si Blue saka  sya umalis.

"Ibang klase ka din noh? Ikaw lang ata nakita kong babae na naka ballgown tapos naka sneakers. Baduy mo ha! Ang yaman mo pa mandin wala ka namang fashion sense."

Aba't antipatiko talaga 'to! Totoo nakasneakers ako kasi ayoko pang mamatay, mas okay na yung ganito atleast komportable ako.

"I actually don't care about fashion. If i look baduy to you, live with it, ako to eh. I don't need to please anybody kahit isa pa akong Montenegro."

"Kakaiba talaga."

"Ano yun?"

"Wala, sabi ko ang panget mo."

Hindi yun ang sinabi nya, binulong nya lang pero alam kong hindi yun ang sinabi nya. 

Hindi ko na lang sya pinansin, sya naman nagsabi na ienjoy ko yung party ko. 

Nagstart na yung program, 18 candles, 18 gifts, I received a new car from mom and dad, eto pala yung surprise nila saken, sila na galante! Ngayon naman magsstart na yung 18 roses, si Elle pinagawa ko ng list kasi wala naman talaga akong interes sa mga ganito. Syempre si daddy ang first dance. 

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon