CHAPTER 16 EXTENDED

59 0 0
                                    

M's POV

Isang linggo na din nakakalipas mula nung mag start ang semester, ayun sa 4 days na magkakasama kaming apat nila Elle, Blue, Marcus at Brent mejo nakikilala na namin ang isa't isa. Four days pa lang yun ah. Partida. Andito ako ngayon sa mall, it's sunday you know. Tumawag kasi 'tong si Elle labas daw kaming apat. Eh since wala naman akong gagawin pumayag ako. Ako ang nauna. Wala pa silang lahat. Nice move. -_-

"Hoy! Ano ba yan?! Bakit nakabusangot ka nanaman jan Montenegro?"

"Anong oras na?! Bakit ngayon ka lang?!" singhal ko sa kararating lang na si Ledesma, at ow so gwapo aaacckkk... peste! Ano ba yan! Hahaha

"Bakit saken ka lang nagagalit eh late din naman sila. Si Marcus at Brent kasabay ko sila may nakitang chicks, ayun nawala na parang bula. Yung bestfriend mo nga wala pa din eh."

"Tss. Ang haba ng sinabi mo. Bago yun. Maximum mo na yata ang 5 words sa isang sentence mo normally. Ngayon naka ilan ka?"

"Pake mo ba? Tsk! Tawagan mo na yung kaibigan mo."

"Oo. Eto na. Makautos kala mo pinapasweldo nya ko." kinuha ko yung maganda kong phone, nakaspecify talga? haha. at tinawagan s Elle. Nakakaisang ring pa lang sinagot na ng bruha.

"Hoy Elle!!! Nasan ka na? Ang tagal mo! Badtrip naiinip na ko dito!"

"Wag kang sumigaw sis. Andito na ko. Nakikita na kita at yung gwapong kasama mo. Bagay kayo. Ayieee... hahaha"

"Shut up! Asan ba?!"

"eto!"

"Ay palaka... President?!" nagulat ako nung biglang sumagot si Elle sa mismong tenga ko. Nasa likod na pala namin sila. Kasama nya si President.

"Wag ka ng magtanong kung bakit nandito ako. Kaasar tong kaibigan mo ang kulit. Tsk." -_-

"Tinamaan nga kasi yan sayo President kaya hayaan mo na. Hahaha." sagot ni Ledesma. Shocks. Gwapo lang talaga nito. -_-

"Okay lang naman na nandito si President diba? Kailangan ko kasi syang isama kasi nililigawan ko sya. Ganun naman pag nanliligaw diba? Isinasama yung nililigawan sa lakad ng barkada para makilala sya ng barkada?" parang bata na tanong ni Elle

"Hindi ko na kailangang makilala ang barkada kasi kilala ko naman na sila!" sigaw ni President sa kanya. May point naman kasi. Barkada na nya sila Ledesma. hahaha. tatanga tanga din 'tong si Elle. At sya talaga nanliligaw ah. Baliw din.

"Eh kahit na. Tsaka ayokong isipin mo na hindi ako seryoso sayo. Kailangan kong mapatunayan na mahal talaga kita at hindi kita lolokohin." sagot ni Elle. Aist.

"Hindi mo ba talaga ko patatahimikin?" 

"O sya. Tara na, kumain muna tayo. Nagugutom na ko. Mamaya na kayo mag away jan." sabad ni Ledesma sa dalawa. Mukhang badtrip na si President eh Haha.

"San tayo kakain?"

"Jollibee tayo." sagot ko

"Ha?! Kumakain ka sa Jollibee?"

"oo bakit? Anung masama dun?"

"Ang yaman-yaman mo kumakain ka dun?"

"So?"

"Ah wala. tsss."

Problema nun? Kahit mayaman ako mas gusto ko pa din yung pagkain na normal lang. Naasar ako sa mga fine dinning na restaurant. Dun kami kumakain pag kasama ko sila mommy. Naiinis ako dun sa thought na pati tubig kailangan pang iba ang maglagay. Katamaran. Naku. Tsaka isa pa favorite ko yung Peach Mango pie nila. Nung unang kain ko nun napaso yung dila ko. Hindi ko kasi alam na mainit pala yung nasa loob nun. Hindi ko nabasa yung note sa labas. Hahaha.

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon