CHAPTER 15 THEIR STORY

60 0 0
                                    

Elle's POV

Muntik na kong magtampo sa author nito. Ang usapan namin ng ilagay nya ang character ko dito sa istoryang ito bibigyan nya ko ng POV, akala ko talk shit sya. Hahaha. Anyway, ako nga pala si Elle Lee, bestfriend ni M. Well siguro naman naitroduce na nya ko sa inyo. Baliw baliw daw ako yun ang madalas description nila saken. Who cares, I am enjoying my life. ^_^ Papunta ko ngayon sa BFC, wala kasi kaming pasok every Wednesday. Ganun naman talaga pag college diba? Lalo pa at 18 units na lang kami. Kung itatanong nyo kung anong gagawin ko sa BFC, well aakyat lang ako ng ligaw. Hihi. Lande ko! -_- Ehhh kasi naman unang kita ko pa lang kay president crush ko na talaga sya. Parang sya na ang kabuuan ng mga pangarap ko.  Di kaya bading sya? Hmmm... Oo nga noh. Nagstart syang magsungit saken nung debut ni M. 

FLASHBACK

"Hello. President. Nasan na ba kayo? Kanina pa ikot ng ikot si M sa paghihintay sa inyo. Ang tagal nyo daw."

"Eh nandito kami kausap parents ni M."

"What?! Bakit? Para san?"

"Malamang ipapakilala ni Blue yung sarili nya. Ano bang gusto mo matuloy sila na iannounce yung engagament ni M sa kapatid mo?"

"Ang sungit mo. Hahaha. Sige. Nasa office ba kayo ni tito? Punta ako jan."

"Oo nandito kami. SIge. Bye."

Bakit bigla na lang nagsungit yun saken? Grabe lang. Pasalamat sya crush ko sya. Haha. Dali dali akong nagpunta sa office ni tito at naghintay sa labas ng pinto. Mejo naririnig ko yung pinag uusapan nila kasi nakakawang itong pinto. Ang naintindihan ko lang kakantahan ni Blue si Elle habang pababa sya ng hagdanan. Sweet. kinikilig ako. Haha. Ikaw President, gagawin mo din kaya yan saken? Hahaha.

Maya-maya lang ng konti lumabas na sila. 

"O ikaw Blue ah, may pakanta kanta ka pang nalalaman. Crush mo si M noh?"

Nakita ko ang pamumula nya. Haha. Confirm. Susungit sungit sya kay M, yun pala nahulog din sya sa kamandag ng isang Montenegro. Hahaha.

"O, bat nag walk out yun?" tanong ko kay President habang tinitingnan ang papalyong si Blue

"Kakausapin nya pa kasi yung sa music at sa lights."

"Ha? Bakit kasama pa yung sa lights? Eh kakanta lang naman sya?"

"Wala ka ng pake dun."

"Bakit ka ganyan? Bakit ang sungit mo saken? Hindi ka naman ganyan saken nung una kaming nagpunta sa BFC ah." T_T

"Wala. Gusto ko lang." sagot nya saken tapos sabay alis na. Iniwan nila ko. waah

*Present

"Hi President!" masayang bati ko sa kanya matapos akong papasukin nung secretary nya. Bakit kaya hindi naman nakita itong secretary nya nung unang punta namin dito?

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon