CHAPTER 12

5K 164 3
                                    


Ng kumalma na si Michelle ay agad akong pumasok sa kwarto ko naligo at nagbihis, magiika syam na ng gabi ng marating ko ang hotel room ni Damon, abot abot ang kabang nararamdaman ko, sa pagbukas ng silid ay isang Damon na may hawak na bote ng alak ang bumungad, magulo ang buhok nito, at tanging boxers short lang ang suot, pero agad na nagliwanag ang mukha nito ng makita ako, walang sabisabing niyakap nya ako ng ubod ng higpit.

"Dumating ka.Salamat."

"Sorry, kung ngayon lang ako, may gina..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil siniil nya na ako ng halik, iyon na yata ang pinakamahabang halik na naranasan ko sa buongbuhay ko.

At ng matapos ang halik ay hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi habang magkadikit ang mga noo namin.

"Tinakot mo ako ng husto akala ko hindi ka na naman darating, susugod na sana ako sa bahay nyo."

Nginitian ko sya,

"not this time Damon."

At muling nagtagpo ang mga labi namin, at sa pagkakataong iyun mas mainit may nagaalab, alam ko na kung saan kAmi papunta ni Damon at wala na akong balak tumutol, para sa sarili ko at para sa anak ko gagawin ko ang tama.

Magkayakap kami ni Damon, kapwa kami walang saplot, nakaunan ako sa dibdib nya, hindi na ako ngayon nandidiri sa mga tattoo nya.

"Wag kang magpakasal kay Lim."

Sabi nya.

"Hindi pwede." sabi ko.

"Hindi ako papayag." sabi nya.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya, bumangon ako, hawak ang kumot sa dibdib ko para ipantakip sa hubad kong katawan.

"Damon, kailangan kong gawin to. wag kang magalala may usapan na kami ni Xander, magpapakasal kami sa states then pagkatapos mag merge ng mga kompanya namin magdidivorce na kami. we just need the merger para mabigyan kami ng extension sa loan namin sa bangko."

"Let me handle the problem of your company."

"Papano, anong gagawin mo, 500 million ang utang namin sa bangko Damon."

"Just trust me on this my angel, "

"next week na ang kasal namin sa california."

"Basta wag kang magpapakasal sa kanya kahit anong mangyari, please trust me on this, kahit ngayon lang nakikiusap ako."

"Damon..."

"Mahal mo pa ba ako.?"

"kailangan ko pa bang sagutin yan.?"

"Yes... i need an assurances."

"oo mahal pa rin kita mahal na mahal kahit kaylan ay hindi yun nagbago.

"Mahal na mahal pa rin kita Veronica Alvarez my Angel, thats why i' m asking you to please trust me, wag kang magpapakasal kay Lim. please."

"okey " sabi ko.

"thank you." then again he kiss me with full of fashion.

And we make love until the break of dawn.

Kinaumagahan, nagising akong magisa wala na si Damon sa tabi ko, pagtingin ko sa celfone ko alas otso na, mabilis akong bumangon, hinanap ko ang mga hinubad kong damit pero hindi ko makita, kaya ang bathrob na lamang ni damon na nasa ibabaw ng kama ang isinoot ko, sakto namang lumabas mula sa banyo si Damon, nakaligo na ito at nakatapis lamang ng tuwalya.

"Bakit hindi mo ako ginising si michelle ako dapat ang maghahatid sa kanya sa school."

"Wag ka ng magalala, tinawagan ko na sya, sabi ko magpahatid na lang muna sya sa Driver nyo kasi tulog ka pa."

I FALL IN LOVE WITH THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon