Nagulat ako ng husto sa sinabi ni Tito Ronnie.
Minsan ko ng narinig kay dad ang mga salitang iyon.
Ako gagantihan ni Damon dahil sa ginawa nya.
"Anong ginawa ni Dad kay Damon tito.?"
"Veronica... hindi mo na kailangang malaman alam ko kung gaano mo kamahal si Damon. At ayaw kong kamuhian mo ang iyong ama."
"Tito gusto kong malaman please sabihin mo sa akin ang totoo."
"Veron."
Biglang bumukas ang pinto at humahangos muli na pumasok si Rizalyn.
"Director Chavez, madame CEO... the devil is here at hinahanap nya kayo, nasa loob na sya ng board room at naghihintay."
Ang Devil na sinasabi ni Riza is no other than Deviluz Griffin.
Hes back.. Naka black body fit t shirt sya with tribal design semi fit pants and combat shoes at ang brask nya ay puno uli ng tatto.
Indeed the devil is back.
"Good morning Evryone." Walang ngiting bati nya sa lahat. Ni hindi sya tumingin sa akin.
"Damon." Pabulong na sabi ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi nya.
"Ladies and gentlemen, this is the second time na nagka harap harap tayo, kaya alam kong kilala nyo na ako, But again i want to introduce myself, I'm Develuz Griffin of Global Textile. Ako ang bagong Chairman ng Verona."
Nagtaas ngkamay ang isa samga member ng board may gusto syang sabihin.
Tiningnan ito ni Damon, at tinanguan.
"Excuse me Mr. Griffin pero ayon dito sa nilagdaang kasulatan ni chairman Alvarez inililipat nya ang chairmanship kay Mr. Michael Damon Velasco at hindi sayo."
Tumingin sa akin si Damon, pero wala aking makitang emosyon sa kanyang mukha, para bang isa lang akong ordinaryong empleyado nya.
"Damon Velasco has nothing to do with this company. Ako ang naglabas ng pera para maisalba ang kompanyang ito kaya ako ang magpapatakbo nito. Anomang mangyayari sa kompanyang ito ay ako ang may pananagutan, ako rin ang magpapasya sa lahat... lahat ng transaction ng Verona ay dadaan sa akin no one will work behind my back." Matigas na sabi nya.
Ibang iba sya ngayon kaysa sa Damon na buong magdamag kong nakaniig kagabi. Napakatapang at puno ng awtoridad ang develuz na kaharap namin ngayon.
"And as for the CEO, gusto kong makita lahat ng transactions from the previous year up to present, at gusto ko bago ka oumasok sa isang bussiness deal ay idaan mo muna sa akin at ako ang magbibigay ng approval."
Gusto kong magalit sa kanya, para na rin kasing sinabi nyang wala syang tiwala sa akin.
"And how would you do that Mr. Griffin.? Alam namin na masyado kang busy sa carreer mo at sa GT." Sabi ni Mr. Carreon ang isa sa mg member ng board at may share din sa Verona.
Tiningnan ito ni Damon ng makahulugang tingin.
"I have my way Mr. Carreon. Pero kung natatakot ka na bumagsak ang kompanyang ito dahil sa pamamalakad ko pwede mong ibenta sa akin ang shares mo, i can even pay you double para siguradong hindi ka malulugi." Nagsuktn ng tingin ang dalawa.
Unang nagbaba ng tingin si Mr. Carreon.
"And that offer goes to anyone na may share sa kompanyang ito, even with you Madame CEO." at tiningnan nya ako.
Napahigpit ang hawak ko sa balpen na nasa kamay ko. Ano bang nangyayari sa kanya. Sinusubukan nya bang kunin sa amin ng tuluyan ang Verona.
Nagtama ang mga mata namin ni Tito Ronnie.

BINABASA MO ANG
I FALL IN LOVE WITH THE DEVIL
RomanceAddict po ako sa Maroon 5 kaya nabuo ang kosepto ng kwentong ito. Kwento po ito kung papanong ang isang Bokalista ng isang banda ay nagmahal sa isang babae, kahit pa kalaban nya ang mundo. Si Develuz Nag mahal kay Veronica ang babaing itinuturing ny...