AURORA felt happy sharing breakfast with her family. Minsan lang kasi silang nagkakatagpong kumain ng sabay ng agahan dahil na rin may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Although they try their best to at least attend dinner together. Hindi man palagi ay madalas naman nilang nagagawa iyon.
Tulad ng inaasahan ang makulit at madaldal niyang kapatid na si Dawn ang nagpapaingay sa kainang iyon. Natatawa na lamang siya sa pagkukuwento nito ng mga pangyayari sa pinapasukan nitong Unibersidad.
"I was wondering if I could try out din sa cheering squad. What do you think, Ma?"
"Is that safe? You might break your bones or something."
Napasinghap si Dawn. "Ma, wala ka bang bilib sa maganda at magaling mong anak?"
"That's not what I'm thinking. I might get a heart attack, Dawn." Binalingan nito ang asawa. "Eduardo, pagsabihan mo nga ang anak mo. She might put me into an early death!"
Natawa lamang ang kanyang ama. Siya man ay napangiti. Kahit kailan talaga ay napaka-overprotective ng kanilang ina. Masyado itong nerbyosa sa mga bagay na gusto nilang pasukin. Kulang nalang ata ay lagyan sila nito ng kadena upang di mawalay sa paningin nito.
"Let her. If she wanted it, then let her!"
Napasigaw si Dawn sa tagumpay! Itinaas pa nito ang kamay na para bang nanalo sa lotto. "You heard him, Mom!"
Napasapo nalang sa noo ang kanyang ina.
"Don't worry too much, Mom. Besides, pinag-iisipan palang naman ni Dawn." Komento niya. Tumango din sa kanya si Dawn.
"Yeah. I might change my mind... or not." Ngumisi pa ito.
"Hindi mo na ba itutuloy ang balak mong kumuha ng piano lessons?" Tanong ng kanyang ina kay Dawn. Napatingin din siya sa kapatid. Nang malaman kasi nitong kumuha siya ng piano lessons, idineklara nito, a month ago na gusto din nitong kumuha niyon. Ngunit pagkatapos niyon ay hindi na ulit nito nabuksan ang topic na iyon sa kanila.
"Itutuloy po, Ma." Sagot nito. Tumango-tango ang kanyang ina na para bang nagustuhan nito ang desisyon ni Dawn. Magaling ang kanyang ina sa pagpa-piano. Ito pa ang nagturo sa kanya noon kung paano kaya naman naisipan din nitong pakuhain siya ng piano lessons. She enjoyed it a lot. Ngunit pagkaraan din ng ilang taon ay nagpasya na siyang tumigil. Wala din naman kasi siyang balak i-pursue ang ganoong career. Nagfocus na lamang siya sa pag-aaral.
Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng mga ito. "What do you say if we hang out sometime? We can go to the cinema or maybe... ice skating?"
Bakas sa mukha niya ang excitement. Matagal na niyang binabalak na ayain ang pamilya na mag-skating. In fact, pinagplanuhan na niya kung saan sila pupunta. Ibinilhan na nga din niya ang mga ito ng pang-ice skating na sapatos. Tumingin siya sa ama, with this pair of hopeful eyes.
"How about Saturday, Dad? Are you free on that day?" She asked. Magli-leave siya sa Saturday upang matuloy lang ang family hang-out nilang ito.
BINABASA MO ANG
Pursued (BS#2)
General FictionNaranasan mo na bang mabakuran ng hari ng kagubatan? Hindi ni Tarzan, kundi ni Lion King! HR: General Fiction #52 BS#2