KANINA pa siya napapatingin sa upuan ni Leon. Kanina pa nagsimula ang dinner ngunit wala pa rin ito. Ang mas ipinagtataka niya ay tila wala lang iyon sa mag-asawang Sandoval. Where on earth is Leon?
Dawn seemed to space out. Kanina pa ito parang di mapakali. She would constantly checked her phone and looked somewhere. Gusto man niyang tanungin kung anong nangyayari, ayaw naman niyang magmukhang nakikiusyoso. She didn't want to ruin the night. But something seemed off. Para bang may mali sa kanyang pakiramdam. She tried to brush it off and focused on chewing her food.
"Alam ko na noon na malaking posibilidad ang mangyari ito, pero noong lumipat kayo dito sa Pilipinas, I thought it would only stay as a beautiful dream." Komento ni Tita Carolina.
"Hindi rin naman namin ito inaasahan, I mean who would thought that Leon would chose my daughter, right?" Humalakhak ang mga ito. Nagkakasiyahan sa katotohanang, magiging magkumare ang mga ito sa takdang panahon.
"Huwag nyong madaliin ang mga bata. Wala pa tayo diyan, Carolina." Komento ni Tito. Tumango naman ang kanyang ama. Nagpunas ito ng table napkin bago nagsalita.
"Hindi pa natin alam ang desisyon ng anak ko." Seryosong sagot nito.
"I'm sure of Leon." Confident na saad ni Tita Carolina. "Besides, hindi niya gagawin ang lahat ng ito kung hindi siya sigurado. Hindi niya ugali ang madaliin kaming umuwi. Mas gusto niyang kumikilos mag-isa at hindi pinakikialam sa desisyon niya. But when he asked for our help, I knew it... he's never been this serious."
Napayuko siya. Ni hindi niya manguya ang kanyang kinakain sa mga naririnig. Leon asked his parents to come back in Philippines, right away? Ganoon ba ito nagmamadaling makuha ang kapatid niya?
"I know. Hindi ko itatago sa inyo... I didn't approve of Leon at first, because of some... reasons." Sumulyap ang kanyang ina sa direksyon nilang dalawa ni Dawn. Napaiwas siya ng tingin at nagkunwaring abala sa pagkain.
"Mahihirapan kang tanggihan ang anak ko, Stacia. Kung kami nga ay hindi. He's a little relentless and very stubborn. He doesn't take no for an answer. Kung hindi ko pa napigilan iyon noong umalis, para ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa States, baka nga dito na siya nagtapos ng kolehiyo." Nagkwentuhan pa ang mga ito tungkol sa kabataan ni Leon. Nagkwento rin ang kanyang ina tungkol sa kanilang dalawa ni Dawn. Hindi nga niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang isingit sa usapan. Hindi naman siya masasaktan sapagkat alam niya kung para saan at para kanino ang meeting na iyon.
Tumango-tango ang mga ito. "Ngayong kompleto na tayo, baka pwede na nating pag-usapan ito? Nasaan ba si Leon at bakit parang natatagalan ata siya. Naiinip na ako." Makahulugang wika ng ina ni Leon.
"Carolina..." Saway ng asawa nito.
Tumikhim ang kanyang ama. "I don't want to assume. Hindi pa natin nakukuha ang sagot ng anak ko." Pagpupumilit pa rin ng kanyang ama. "She will decide on this. Kahit boto ako sa anak mo, I can't neglect my daughter's opinion."
"Why? I can see that your daughter likes my son, very much." Napangiwi ang kanyang ina sa sagot ni Tita Carolina. Para bang may iniiwasan itong mangyari. Tumingin ito sa kanya, umiwas naman siya.
BINABASA MO ANG
Pursued (BS#2)
General FictionNaranasan mo na bang mabakuran ng hari ng kagubatan? Hindi ni Tarzan, kundi ni Lion King! HR: General Fiction #52 BS#2