M-Make Up

9.5K 311 11
                                    

SA GUESTROOM siya natulog. Hindi naman siya nag-aalala na may gawing masama sa kanya si Leon. She knows him. Hindi ito ganoon klaseng tao. Sa pagod sa kakaisip ay madali siyang nakatulog kinagabihan. Hindi nito sinabi sa kanya kung kailan ang supposed-to-be dinner nila kasama ng parents nito. Ang sabi lang nito ay hindi pa nakakabalik ang mga ito ng Pilipinas but anytime soon, they'll be coming home.


Pagkagising niya ay tumambad kaagad sa kanya ang isang puting rosas. It was placed on the side table. Kumunot pa ang noo niya pagkakita niya roon. Dahan-dahan siyang bumangon. Napataas ang kilay niya nang mabasa ang maliit na note na kasama ng pulang rosas na iyon.


"Goodmorning, beautiful?" Iniikot niya ang mga mata. "Hindi ko inaasahan na may pagkakorni din pala ang king of the jungle na yon." Natatawang wika nya sa sarili matapos abutin ang rosas. Pasimpleng inamoy niya iyon at muling natawa.


"Ang korni talaga!"


Matapos niyang maghilamos at magsipilyo ay lumabas na siya ng kanyang silid. Gayon na lamang ang gulat niya nang maabutan sa harap ng pinto niya si Leon. Gulat na may halong pagtataka ang rumehistro sa kanyang mukha. Mukhang bagong ligo lang ito. Amoy na amoy niya ang pamilyar na bangong nanggagaling rito. Nakasuot ito ng white round t-shirt. He looked fresh, delightful and very very clean. Iyong tipong itsura palang masarap nang yakapin.


Unti-unting bumaba ang tingin niya sa kamay nitong may hawak na isa pang tangkay ng pulang rosas. At may nakapaskil na nahihiyang ngiti sa mga labi nito. Na para bang sa tanang ng buhay nito ay iyon ang unang beses na nagawa nito iyon para sa isang babae.


"G-goodmorning!" Inabot nito sa kanya ang rosas. Hindi siya kumilos para abutin iyon. Nanatili siyang nakatanga habang nakatitig rito. "Goodmorning, Aura." Ulit nito, mas malakas at mas confident na ngayon. Napakurap-kurap siya, pagkuwan ay natawa.


"Goodmorning, Simba." Inabot niya ang hawak nitong rosas. "Thanks."


Lumawak ang ngiti nito sa kanya. Inaya nito siya sa kusina. Pagdating nila roon ay inaasahan na niyang nakapagluto na ito. He was trying to impress her of course. Ngunit napasobra ata ito sa pagpapaimpress sa kanya.


Nadatnan niyang nakaayos nang pagkakakaganda ang mesa. Mayroon pang rosas sa isang upuan na tingin niya ay para sa kanya. Para bang nasa isang restaurant sila sa pagkakaayos nito iyon. Teka, magbibreakfast lang naman sila a.


May umuusok pang kapeng nakahanda sa mesa. May omelette, ham, hotdog, at fried rice rin. Mayroon ding toasted bread at pancake na maganda ang pagkakadisenyo at mukhang masarap dahil sa chocolate syrup roon. Naghanda ito ng heavy breakfast samantalang madalas nga ay nagto-toasted bread lang siya tuwing umaga.


Kunot-noong binalingan niya si Leon.


"Ikaw ang nagluto lahat niyan?"


Tumango ito sa kanya. Iginaya siya nito sa isang upuan roon. Hinila siya nito at pinaupo. Sinusundan lang niya ito ng namamanghang tingin. Anong oras kaya ito gumising? Mukhang naglinis pa nga ito bago magluto.

Pursued (BS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon