O-Only That

12.4K 385 13
                                    

MAAGA siyang nagising para pumasok sa trabaho. Isa siyang internal auditor sa isang kompanya. Malaki naman ang kinikita niya. At mayroon siyang sariling sasakyan. Gusto sana niyang kumuha ng sarili niyang condo unit ngunit hindi naman niya maiwan ang bahay nila. Nasanay na kasi siyang laging kasama ang mga magulang at ang kapatid. Nagtatrabaho pa rin ang kanyang ama bilang isang businessman sa sariling negosyo ng kanyang pamilya.


Nagbebenta at gumagawa sila ng mga muwebles na yari pa sa pinakamamagandang kalidad ng kahoy mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Malaki na ang negosyo nilang iyon na nasimulan lang ng kanyang ama noong dose anyos palang siya. Ilang taon na rin nito iyong inaalagaan at sa awa naman ng Diyos ay lumago.


Malaki ang tulong ng negosyo nilang iyon sa pagpapaaral sa kanya at sa kapatid niya, lalo na nang tumuntong siya sa kolehiyo. Nang dahil din doon ay nakabili sila ng mga sasakyan. May naghahatid-sundo sa kapatid niyang si Dawn sa Unibersidad na pinapasukan nito. Hindi naman din kasi ito marunong magdrive. Isa pa, masyadong nag-aalala ang kanilang mga magulang kung ito pa ang magmamaneho.


Pagpasok niya sa kusina ay napakunot-noo siya nang hindi ang kasambahay nila ang naabutan niya doon. Nakatalikod sa kanya si Dawn habang may kung anong binabasa ito sa cellphone nito.


"Dawn?"


Halos mabitawan nito ang cellphone na hawak sa gulat sa kanya. "Ate!"


Nagtataka siyang lumapit rito. "What are you doing here, this early morning? Mamaya pa ang klase mo, hindi ba?"


Sa pagkakaalam niya ay alas nuwebe pa ng umaga ang pasok nito. Ayaw na ayaw kasi nitong gumising ng pagkaaga-aga. Ngunit ngayon ay nakakapagtakang alas kwatro palang ng umaga ay naroon na ito. Anong oras ito nagising? Natulog ba man lang ito?


"Were you up all night?" tanong niya. Umiling-iling ito. Inusisa niya ang mga gamit sa kusina na sigurado siyang ito ang naglabas. "What is this for?"


Hindi ito nagsalita. Nahuli niya ang pagkagat nito sa ibabang labi at pasimpleng pagtago sa cellphone nito sa bulsa. Napataas ang kilay niya.


"Dawn?"


Napangiwi ito sa ginamit niyang tono. Alam na alam nitong ayaw na ayaw niyang nagtatago ito ng sekreto sa kanya. Siya ang ate nito. Gusto niyang siya ang masasandalan nito. Gusto niyang maging present sa ups and down ng buhay nito. Dahil sila lang naman ang magkapatid. Sino pa ba ang magtutulungan at magdadamayan kung hindi sila?


"Eh kasi ate, I was planning to make cookies."


"Cookies?" Ulit niya.


"Yes. Alam mo namang hindi ako marunong ng kahit ano sa kusina di ba? Would you help me please?"


"Why do you want to make cookies? If you want them so much, I could buy you some."


Sunud-sunod na umiling ito. "This is not for me." She confessed.


Napataas ang kilay niya. "Kung ganoon, para kanino?" Nahihiya pa itong ngumiti sa kanya. Doon palang ay tila may ideya na siya. Iniikot niya ang mga mata at nailing. "So cheesy, Dawn."

Pursued (BS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon