MALAKAS na tinampal niya ang dibdib ni Leon. "What are you doing? Nag-uusap pa kami ni Klin!" Galit na wika niya.
"Sabi mo, kunin ko lahat ng kailangan ko. You are all I need." Kaswal na sagot nito ngunit ramdam niya sa bawat salita nito ang pagtitimpi. Padabog na inilapag siya nito sa loob ng sasakyan. Mabilis itong umikot sa driver's seat. Sinamantala naman niya ang pagkakataong iyon upang buksan ang pinto ng sasakyan at tumakas ngunit mabilis pa sa alas kwatrong nahila siya nito sa braso mula sa loob ng sasakyan at pinabalik sa pagkakaupo.
"Damn it, Leon!" He bent forward to grab the door beside her and close it. Malakas na itinulak niya ito. "You can't just drag me with you like a mad caveman. You can't just take me whenever you want!"
Napatiim-bagang ito. "You have no idea how much I want to take you, Aura!" Natigilan siya at natahimik.
Itinaas nito ang kamay at ipinakita sa kanyang ang dulo ng dalawang daliring halos magkadikit na. "I am this close... so close." Kinuyom nito ang palad. "Don't make me lose it. I might just run away and take you with me."
Umiwas ito ng tingin, kasabay ng paghigpit ng hawak nito sa manibela. Before she knew it, mabilis na itong nagpapatakbo sa kalsada. For a moment, akala niya ay galit lang ito ngunit biglang pumasok sa kanya ang ideyang baka totohanin nga nito ang sinabi kanina.
"Leon, pwede bang bagalan mo ang pagpapatakbo?" Mas kalmadong wika niya rito. Noong una, akala niya ay wala itong balak na pakinggan siya ngunit di rin naglaon ay unti-unting bumagal ang takbo ng kotse nito. Nakahinga siya ng maluwag.
"Salamat." Aniya. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatuon ang tingin sa kalsada. Siya man ay nagdesisyon na lang na manahimik na muna. Hindi niya alam kung saan sila pupunta o kung saan siya nito balak dalhin. Sana lang ay hindi na iyon magbigay pa sa kanya ng dagdag na problema. Marami na siyang dinadala upang madagdagan pa.
Sa buong byahe ay pareho silang tahimik. Tanging tunog ng makina ang nagsilbing musika sa loob ng sasakyan. Kahit naman gusto niyang magsalita, ano na namang sasabihin niya? Ngunit kataka-takang kahit hindi ito magsalita, she still feel at ease... and somehow happy that he was there sitting, beside her. It was amazing how his presence can make her happy---painfully happy.
Napapikit siya upang pigilan ang pag-iinit ng mga mata. Nasasaktan pa rin siya kahit naroon na ito sa tabi niya. Ngunit kapag wala naman ito sa tabi niya ay mas nasasaktan siya. Kung pareho lang siyang masasaktan sa dalawa, bakit hindi pa rin niya pwedeng piliin ang huli?
'Dahil hindi pwede.'
Parang piniga ang kanyang puso sa isiping iyon. And she realized, of all the reasons that she might come up with, that hurts the most. Wala siyang magawa kahit gusto niya. Walang lugar ang kahit na anong matinong dahilan para piliin niya iyon. It was final. It was deadend for her.
Iminulat lang niya ang kanyang mga mata nang maramdaman ang pagkamatay ng makina ng kotse. Kaagad na bumungad sa kanya ang lugar sa labas ng sasakyan. Napalinga siya. Nasa isang parke sila kung saan kita ang paglubog ng araw. Marami-rami pang tao roon.
"Bakit tayo nandito?"
Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakatingin sa harap, pinanonood ang mga nagtatakbuhang bata.
BINABASA MO ANG
Pursued (BS#2)
General FictionNaranasan mo na bang mabakuran ng hari ng kagubatan? Hindi ni Tarzan, kundi ni Lion King! HR: General Fiction #52 BS#2