MAUUBOS na ata lahat ng buhok ni Aurora kasama na pati ang kilay niya sa lalaking kasama. Parang wala lang dito ang biglaan nitong pagtangay sa kanya. He even set a dinner date with his parents nang hindi man lang siya nasasabihang kasama pala siya! May karapatan naman siyang tumanggi hindi ba?
Naging malapit din naman sa kanya ang mga magulang nito ngunit hindi maganda ang pakiramdam niya sa ipinapahiwatig ng dinner date na iyon. Nasabunutan niya ang sarili sa tinatakbo ng sitwasyon. The thing she must do was to avoid him for her sister! Dawn likes him, damn. Para siyang naiipit sa dalawang bato. Sa kapatid niyang hindi niya matanggihan at sa lalaking hindi naman niya maiwasan.
"Am I really meeting your parents, tonight?"
Mula sa pagsasalin ng tubig sa kanyang baso ay tiningnan siya nito. "No." Maikling sagot nito.
Napakunot-noo siya rito. "Ano? Pinagtitripan mo ba ako?"
"No." Ibinaba nito ang hawak na baso sa mesa. "We'll have dinner with my parents, pero hindi sa ngayon."
"Fuck that, Leon. You're making fun of me." She gritted her teeth. He was really pushing her to her edge. "Bigla mo akong kinaladkad dito, telling me we'll have dinner with your parents which I didn't even gave my consent to be part of and now sasabihin mo sa akin na hindi pa ngayon? You are making me look like a fool! Bakit mo ba ako dinala rito?" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa pag-alpas ng galit.
Huminga ito ng malalim na para bang pagod na ito. "Aurora, can we just don't fight?"
Hindi siya nakinig rito. He got mad when he saw her talking to another man. Ngayon namang tila napasukan na ng malamig na hangin ang utak nito bigla nalang siyang pinatitigil nito sa paghahamon ng away. This man is a freakin moody!
She pursed her lips and stared at him. He didn't back down. Sinalubong pa nito ang mga tingin niya. He was staring at her as if memorizing her every features. Bahagyang lumambot ang expression ng mukha nito, as if just by looking at her face made him at ease.
"Why am I here, exactly? Be honest, Simba." Seryosong wika niya. Nanatili itong tahimik. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagtitig sa kanya. Hindi pa ba ito tapos pagsawaan ang mukha niya?
"Leon—"
Naputol ng marahas na pagbuntong-hininga ang sasabihin niya. "I missed you." Walang kagatol-gatol na sagot nito. For a moment there, she was caught off guard. Para bang bigla siyang tinanong sa recitation at wala siyang maisagot.. Itinikom nalang niya ang bibig at nagpasiyang manahimik.
"You weren't answering my calls since you... found out." . Napalunok siya sa biglaang paglukso ng kanyang dugo. Para siyang hindi mapakali. She felt confusingly alert all of a sudden.
She cleared her throat. "About what?" Pagmamaang-maangan niya. Ngayon lang niya mas napagtanto, she wasn't ready to face his feelings, yet. It was still shocking, surreal and unexplainable.
BINABASA MO ANG
Pursued (BS#2)
General FictionNaranasan mo na bang mabakuran ng hari ng kagubatan? Hindi ni Tarzan, kundi ni Lion King! HR: General Fiction #52 BS#2