""BABALIK AGAD AKO." Paalam ni Leon pagkauwi nila.
Tinulungan pa siya nitong ipasok ang mga pinamili niya sa silid na ginagamit niya. Nang bigla nalang may tumawag rito, bigla rin itong nagpaalam sa kanya. Nagkaroon daw ng problemang kailangan nitong ayusin sa negosyo nito ngunit sinabi naman nitong hindi naman ganoon iyon kalala. Hindi na niya inusisa pa sapagkat wala naman siyang karapatang magtanong at umusisa pa. Ni hindi nga niya alam rito kung bakit ginagawa pa nitong big deal ang pagpapaalam sa kanya. Hindi naman siya nito girlfriend.
"Don't worry about me. Pwede ko namang aliwin ang sarili ko muna dito." Ngumiti siya rito. Kahit pa gusto niya itong pigilang umalis. Ayaw niyang maiwang mag-isa roon. Anong gagawin niya roon? Hindi naman niya dala ang mga gamit niya para sa trabaho. Marahil ay babasahin na lang niya ang mga e-mails niya ng paulit-ulit hanggang sa mamuti ang mga mata niya.
Tinitigan pa siya nito ng matanggal para bang iniisip pa nito kung tama nga bang iwanan siya roong mag-isa. Pinilit niyang ngumiti rito. "Leon, okay lang ako. Sigurado."
Napabuga ito ng hangin at tumango. "Aalis na ko."
"Ingat."
Tumalikod na ito at humakbang palayo ngunit sa isang iglap ay muli itong bumalik sa harap niya. Nagtatakang pinagmasdan niya ito.
"Bakit?"
"Sorry." Naguluhan siya. Bakit ito humihingi ng tawad sa kanya?
"For what?"
"I blew out this day." Kinagat nito ang labi dahilan upang matuon doon ang atensyon niya. "I was... pissed and jealous all day." Frustrated na sagot nito. Naisuklay pa nito ang mga daliri sa buhok na sinundan pa ng kanyang paningin. Oh boy, he looked magnificent in this state.
"Bakit?"
"Dahil..." Sumimangot ito at nagsalubong ang mga kilay. "Ayokong may tumitingin sayong iba."
Hindi siya sumagot ngunit mayroong kumudlit sa parte ng kanyang puso dahil sa sinabi nito. He's being territorial again. Hindi na niya alam kung paano pa niya matatanggal iyon rito. But she must admit, gusto niya ang pakiramdam na ayaw siya nitong makuha ng iba. Na para bang takot itong mawala siya. Because once in her life, ipinaramdam nitong mahalaga siya. Nararamdaman din naman niyang mahalaga siya sa kanyang pamilya. But with Leon, she was the most important and the most priced of all. Although still, he can't be possessive of her.And as for her? She can't feel that way.
"Pero hindi mo ako pwedeng ipagdamot dahil... hindi naman tayo, Leon."
Matagal na nanatili ang mga mata nito sa kanyang mukha. Para bang ina-analyze nito ang mga sinabi niya. Para bang mayroon sa mga mata niya ang dapat nitong lutasing misteryo. Umiwas siya ng tingin sapagkat hindi na niya matagalan ang ayos nila. Kakaibang pagkailang ang sumulakay sa kanya. His mere stare was enough to bring her into total confusion.
BINABASA MO ANG
Pursued (BS#2)
General FictionNaranasan mo na bang mabakuran ng hari ng kagubatan? Hindi ni Tarzan, kundi ni Lion King! HR: General Fiction #52 BS#2