"Class, we have a new transferee for this school year. I want you to meet Rain Cullen. Please take good care of her."
From the back of the classroom, Blue sniggered. What the heck?? Cullen daw?? I mean kamag-anak ba nito ang mga Cullen's ng twilight?? Tinapik niya ang katabi sa upuan na matalik niyang kaibigan, si Cross. Inginuso niya.
"Anong sintensya??" tanong ni Blue.
"Plain. She's yours if you want." Sabi ni Cross. Walang pakialam. Sinuklay ang kamay sa buhok.
Both Cross and Blue, were popular in the Campus. While si Cross ay magaling sa studies and such, si Blue ay magaling sa sports. Magkaiba sila ng hilig pero matalik silang magkaibigan. They were also partners in Crime.
Blue looked at Rain again. He find her looking at him with a serious look. Nang mahuli niyang nakatingin ito, umiwas ito ng tingin at tumingin naman kay Cross. Hmm mukhang mas type niya ang kaibigan ko?? Blue thought.
Umupo ang bagong transferee sa likuran sa hilera nila ni Cross. Usually walang umuupo sa mga kaklase niya sa likod dahil naka reserve iyon para lang sa kanilang dalawa pero dahil wala ng bakanteng upuan, dun ito napaupo.
Lumingon ito sa kanila at ngumiti.
Tss. Really, magpapacute na agad kakatransfer pa lang?? Umismid si Blue.
Parang naasar naman si Rain. Naiiling. Really the people here. Konting popularity lang akala mo kanila na ang mundo.
"Hi classmates." Bati ni Rain sa kanilang dalawa. Tumango si Cross. Si Blue naman ay nagpanggap na walang narinig which is napakaimposible dahil mas katabi niya si Rain kaysa kay Cross.
"Sana maging magkaibigan tayo." Nilahad ni Rain ang kamay.
Tss. Ginagap naman ni Cross. They shook hands sa gitna ni Blue. Asar itong si Cross sabi niya Plain pero ineentertain. Pasimpleng sinipat ni Blue si Rain.
"I'm Cross, siya si Blue." Pakilala ni Cross sa kanilang dalawa.
Mahaba ang pilikmata ni Rain. Naisip ni Blue. At kulay dark blue?? I mean, hello nasa Pilipinas sila, kulay blue ang pilik mata?? Ang mga babae nga naman oo kung ano anong kaartehan ang nilalagay sa katawan!!
"AKo si Rain. Favorite ko ang color violet." Sabi ng babae sabay labas ng mga libro para sa klase.
Hinipan ni Blue ang taas ng buhok niya. Tinatanong?? Gusto niyang barahin. Feeling close.
"Ako gusto ko green. Si Blue malamang blue ang favorite color." Natatawang sagot ni Cross.
Nakakaasar itong Cross na ito sagot ng sagot sabi ni Blue.
"Black. Black ang paborito ko." Matigas na sagot ni Blue.
Nang matapos ang kaklase tumayo na si Cross at Blue para maglunch. Alanganing tumingin sa kanila si Rain.
"Eh pwede bang makisabay?? Wala pa kasi akong kilala eh." Sabi nito.
Grabe. Ang suwabe ah. Kakatransfer pa lang sasabay na samin, sabi ni Blue sa isip niya. Dinudumog ang table kung saan sila umuupo ni Cross. Halos magpatayan ang mga estudyante, mapasama lang sa table nila. At si Rain sasabay?? You don't know what youre asking for.
"OO naman." Sagot ni Cross.
Ano bang drama ng Cross na ito?? Type niya ba si Rain?? Humabol si Rain kay Cross at nagsimula silang maglakad papunta ng school canteen. Naiwan sa hulihan si Blue na nag-iisip.
Sa school canteen akala mo may riot. Pagpasok pa lang kase nila ni Cross sa canteen halos bumuka ang canteen hallway para paunahin silang mag-order. Parang naalangan naman si Rain at nanlaki ang mata.
Sabi na sayo eh. Ma-aout of place ka samen pag samen ka sumabay. Sabi ni Blue. Nakangisi.
"Uy. Rain halika ka na dito. Wag ka na pumila sa hulihan."yakag ni Cross sabay hila sa kamay nito.
Naasar na naman si Blue. Sabi mo PLAIN eh bat special ang trato mo?? Paki alam ba niya?? As if naman na gusto niya si Rain.
Nang makaupo na sila sa table. Si Cross at Rain sa kabila. SA tapat naman si Blue. NAgsimula na silang dumugin.
"Hi Blue. Nice game nga pala ang galing mo." Unang babae.
"Hello Cross. You've aced the exam again. Congrats."
"Uhm pwede bang makitable sa inyo?? May bakante pa naman ata."
"Meron akong binake na cookies sa baking class, sa inyo na lang."
Tapos dumating ang barkada nila Kitty. Yung barkadahan ng mga cheerers. Napaangat ang kilay ni Kitty ng makitang may katabi sa upuan si Cross. Wala namang preference si Kitty. Pero pareho siyang possessive kay Cross man o kay Blue na akala niya pagmamay-ari niya.
Oh oh!! Sabi ng isip ni Blue. Kitty had a mean streak. May pagkaselosa na wala sa lugar. At baka masampolan si Rain.
Tumabi si Kitty kay Cross na bakante.
"Hi Blue. Hi Cross. May kasama ata kayo ngayon??"
"Ah oo bago naming siyang classmate, Si Rain nga pala. Rain siya si Kitty." sagot ni Cross.
Nilahad ni Kitty ang kamay at sinadyang tabigin ang tubig na nasa baso sa lamesa pupunta kay Rain.
Hell!! Usal ni Blue. I told you wag ka na lang sumabay! Kitang kita niya ng matumba ang baso na puno ng tubig papunta sa damit ni Rain. Pero.... Pero..... What the fuck???
Bago pa lumapat ang tubig sa damit ni Rain. Nasanggi nito ang baso at literal na bumalik ang tubig sa baso!! I mean. Ni isang patak walang nabawas sa punong puno na baso ng tubig!! At tumabingi talaga.
"Ooops sorry. Buti hindi natapon." Sabi ni Kitty na ang mga mata ay nagtataka.
Napatunganga si Blue. LUmingon kay Cross kung napansin niya. Parang wala naman nakita dahil dire diretso lang sa pagkain.
What the hell?? Ako lang ba ang nakakita?? Tanong ni Blue.
"Cross what's the verdict??"
"Anong verdict??"
"Akala ko ba sabi mo Rain was PLAIN, bakit ganyan ka kumilos. Itinour mo pa sa buong CAMPUS. Aakalain nila na girlfriend mo siya." Sabi ni Blue.
"To pass of our time. Saka kawawa naman wala pang kakilala bago pa lang."
"I think mas magandang dumistansya tayo sa kanya." Seryosong pahayag ni Blue.
"Bakit naman??" si Cross nakatingin sa school lawn. Nasa taas sila ng school building. Sa rooftop.
"I think she's creepy. Hindi mo ba napansin yung baso ng tubig kanina??"
Napamulagat sa kanya si Cross. "What the hell are you talking about??"
"Yung kanina. Sinadyang tinabig ni Kitty yung baso ng tubig ni Rain...."
"And???"
"The water didn't spilled. Not even a drop!! At tumabingi ang baso. I mean nakaslant na for godsake! At punong puno!!"
"Maybe mabilis lang ang reflexes ni Rain??" paliwanag na tanong ni Cross.
I doubt it. Blue wanted to voice out.
BINABASA MO ANG
The Lost Prince
FantasyWelcome to Aery Kingdom. Ang lugar ng mga suicidal. >___< Warning: Strictly for younger generation Oldies not allowed. (RATED O) 18 years old below only