Chapter Twelve

294 13 1
                                    


"Pa!! Ano madami ka na bang nabenta??" bungad ni Rain sa ama sabay halik sa pisngi.

Tumango lang ang ama nito habang abala sa pagdidisplay ng walis sa labas. Kakaiba ang mga walis mahahaba ang hawakan.

"Pa si Blue nga pala kaklase ko."

"Kamusta iho." Binalingan siya nito at tinanguan. "Baka gusto mong bumili ng walis?? May bagong dating na model??"

Gusto pang matawa ni Blue. Model talaga?? May model pa?? I mean di ba pare pareho ang lahat ng walis tingting.

Sumenyas naman sa kanya si Rain.

"Pa!! Kaibigan ko yang si Blue. Baka naman tubuan mo pa siya."

"O sige na. Mura na. Marami pa naman istock."

Hinawakan siya ni Rain at binulungan. "Pili ka na diyan kung ano gusto mo."

Napilitan namang pumili si Blue. Yung medyo mahaba ang tangkay. Kulay blue. Kakaiba walis tingting kinukulayan. Tsk.

"Pa, pupunta kami ng MOA ni Blue. Saka manonood ng laban sa Arena mamaya."

"Naku anak. Baka delikado dun ha.Bisperas ng Bagong taon baka mapaano kayo??" lumingon ito kay Rain at kay Blue. Si Blue naman di makatingin at kunwari sinisipat ang walis.

"500 lang yan iho."

Nampucha!! Yung ginto isang daan yung walis 500???

Alanganing nilabas ni Blue ang libro niya. Dun nakaipit si Benigno. Nanlaki ang mga mata ng tatay ni Rain ng makita ang libro.

"Me papel ka??"

"Eh wala na ho ito na lang libro??"

"Sige pwede na yan. Mga 30 piraso." Ang weird. Gusto nila papel. Hinila siya ni Rain.

"Bakit ka may dalang libro dito sa loob??" bulong na tanong nito. "Diba sabi ko sayo wag kang magdadala ng bagay galing sa labas dito??!"

"Eh kasama sa bag ko. Bakit ba??"

"Mahal ang papel dito. Dahil walang gumagamit ng papel dito."

"Talaga??! Madami akong lumang libro hehehhe."

"Hay naku!! Pahamak talaga." Pumilas ito ng isang pahina sa libro at tinupi, tinutok sa leeg niya. At maya maya pinadaanan. Something trickled at his neck. Blood. "Paper cut. Delikado ang papel, ginagawang sandata ng iba dito."


"Please naman Rain wag ka nang magalit!! Hindi ko alam."

"Tse bahala ka." Naglakad ito palayo. Si Blue naman mukhang tangang sumunod dito bitbitbitbit ang binili nilang walis tingting kanina. Hay. Asar tong Rain na to. Nagtantrums pa ata.

"Teka Rain." Dumukot siya sa bulsa niya. Nilabas niya yung bracelet. Lumapit siya sa buang na babae.

"Heto binili ko para sayo kanina." Binigay niya.

Alanganin namang tumingin si Rain. A smile tugged at her lips. "Wow gold. Pwedeng masanla." Inabot niya pero si Blue ang nagsuot. Masanla daw??

"May sanglaan dito??!!"

"Shempre meron. Pero mababa ang gold. Ang pinakamataas na pwedeng masanla ay pearl."

Hmm. Sinipat ni Rain ang bracelet sa kamay. Ngumiti. "Ang ganda. Thank you."

Nandun na naman sila sa creek na pinagpapractice an ng mga kaibigan ni Rain kanina. Nandun muli ang mga ito.

"Oi Rain san kayo pupunta??" si Frost.

"Ah sa MOA. Kita kita na lang tayo sa Arena mamaya ha." Si Rain.

Tumingin si Ice sa dala dalang walis tingting ni Blue. Parang bigla namang gustong bitawan ni Blue. Nakakahiya. Ano siya metro aide??

"Rain di ba kayo lilipad?? Mag TING Transport kayo??"

"Eh may pilay kasi si Blue bawal gamitin ang pakpak niya. Kaya oo di kami lilipad."

Di naman naintindihan ni Blue ang pinag-uusapan nila pero parang gusto na naman niyang maasar dahil si Ice nagpapacute na naman ata. Anlamig ha!!

"Kita na lang sa Arena mamaya isasave naming kayo ng upuan" kaway ni Windy. Nagulat pa si Blue ng magsilabasan ang mga ito ng kanilang pakpak sabay lipad ng sabay sabay. Whoa!! Sayang di niya nakunan ng picture. Tsk.


The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon