Chapter Thirteen

311 14 1
                                    


Inagaw ni Rain ang walis tingting sa kanya.

"Blue alam mo ba yung Quidditch sa Harry Potter??" tanong ni Rain.

"Oo napanood ko bakit?"

"Mabuti naman dahil dito tayo sasakay." Turo ni Rain sa walis tingting. Me pinindot ito sa hawakan at maya maya lumulutang na ang walis na nakaslant.

Blue looked at it doubtfully. "Sakay na. Bagong model lang kaya to dapat nga 2000 pa to eh. Tinawaran ko lang kay papa ng 500. Hehehehehe."

Alanganing sumampa si Blue. Me pinindot lang si Rain at unti unting umangat ang ting ting.

Welcome to TING Transport. Humawak pa sa bewang niya si Rain na parang nag-aasar. Ang isang kamay nito ay tumakip sa mga mata niya.

"Baka malula ka eh." Hehehehehe tawa ito ng tawa dahil alam ni Rain na hindi siya kumportable.

Nalampasan pa nila sila Windy at Sunny na lumilipad. Kumaway si Rain.

Maya maya pa ay nakakita si Blue ng malascooter na lumampas sa kanila.

"Anak ng teteng!! May scooter naman pala. Sana iyon na lang kesa walis!!" asar na turan ni Blue. Humalukipkip.

"Bakit may lisensya ka ba?? Sabi ni Rain nakangiti.

Heck?? Kailangan ng lisensya.

"Lisensya pa talaga!! San kukuha sa LTO. Harhar."

"Hindi." Seryosong sabi ni Rain,"Sa ATO Aery Transport Office."

Maya maya pa natatanaw na ni Blue ang MOA. May Malaki ring globo gaya sa labas. Limang palapag ang taas. Napansin niya sa taas ang tungo nila.

"Sa taas ang parking. Ayun ang pinakaground floor nila."

Baliktad talaga.

Pinark nila ang tingting sa taas at pumasok sa mall.

Yikes!! Lahat ng tao sa mall may pakpak. Napaurong si Blue.

Parang alam naman ni Rain ang problema niya at maya maya pa ay naramdaman niya na parang may mabigat sa likod niya. Nang mahagip niya ang repleksiyon niya sa salamin muntik pa siyang matakot. Cripes. Nilagyan siya ng fake na pakpak ni Rain. Naninibago siya.

Napatunganga siya ng makita muli ang pakpak ni Rain. Puting puti at parang malambot.

"O ano san tayo kakain??" tanong ni Rain.

Patay wala siyang pera nakakahiyang magpalibre.

"Eh may Jollibee ba dito??"


Nung matapos silang kumain ay naglibot libot sila. Nakita ni Blue na parang mahaba ang pila sa isang bilihan.

"Nako feather dyer. Dinadye nila ang pakpak nila. Tsk." Sabi ni Rain.

"Best seller ang Gold ngayon. Pag pakpak ang pag-uusapan iba kasi pag gold. Gold nakareserve lang sa Royal family or mga mayayaman." Paliwanag ni Rain sa kanya.

"Pag white ang pakpak ano??" curious na tanong ni Blue.

"Pag white magaganda." A smile.

"BIRO. Kilala na kita. Yung totoo nga." Si Blue.

"Pag white , middle class. Pag beige usually yung mga nasa army or guards or defense protectors ng Royal family. Pag black.. hmmm usually masama. Iba ang powers nila.Hindi elements. Pwedeng mind reader sila, pwedeng electric user basta iba.."

As if naman maabsorb ni Blue lahat ng pinagsasabi ng babaeng to.

Tumingin sila sa oras.Mag aalas tres na. Malapit ng magsimula ng competition. 


The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon