Chapter Seven

371 17 2
                                    


"Wahahahahaha."

Bumagsak si Blue sa semento."Aaargh." What the heck?? Bakit madilim.

Lumingon siya. Nakita niya si Rain sa Aery gate tumatawa. Violet robes.

"Uy!! Anong ginagawa mo sa tulay?? Hindi ko alam suicidal ka pala."

Napakamot sa ulo si Blue. Ngayon na ba siya magsosorry??

"Bakit andito ka na naman. Ang kulit mo talaga!! Tsk." Sita ni Rain.

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito sa gate. Naghihintay." Asik ni Blue.

"Ilang araw na kong nagbabantay dito eh. Court order. May nakapasok daw na taga labas." Makahulugang tumingin ito sa kanya. "Eh ikaw ano nga ginagawa mo sa tulay?? Namimiss mo ko no??" natatawang kantiyaw ni Rain.

"Asa!!" maya maya nagtanong si Blue. "Pwede ba kahit taga labas makapasok dito??"

"Shempre hindi!! Pero pag meron silang Aery Blood pwede...."

"Aery blood???"

"Taga Aery Kingdom na nakapag-asawa ng tao sa labas."

Tss"Pwede pala yun??!!"

"Shempre pwede.. Minsan may nagsuicide dyan. Hindi niya alam may aery blood pala. Ayun dito napunta"

Kwento ni Rain. Naupo sila sa gate. Mataman siyang tiningnan ni Rain. Sinipat siya mula ulo hanggang paa. Nailang bigla si Blue.

"Ang weird. Kapag nagpupunta ka dito nakauniform ka pa din." Sabi ni Rain.

"Shempre. Papasok dapat ako sa school no!!" ungos ni Blue.

"Hindi ibig kong sabihin, usually mga taga labas hindi nila nadadala ang suot nilang damit dito."

The hell!! ANong ibig sabihin.

"Usually," dugtong ni Rain, "nakahubad sila pag nakarating sa Aery land. If ever they get past the portal."

What!! Mabuti na lang pala, Blue thought. He shuddered.

"Not that gusto kitang makitang nakahubad." Hehehehe natatawang sabi ni Rain.

Asar tong Rain na to. Walang preno!!

"O sayo na to!!" ihinagis sa kanya ni Rain ang mabigat na keychain na may mga susi.

"Ano to??"

"Ikaw ang magbantay ngayon. Inaantok na ko. Ilang araw na kong di natutulog." Humilig sa poste. At pumikit.

Tse. Luminga linga siya. Tumingin sa relos. 10am sa labas. Nagkaklase na malamang. Magagalit si Cross. Umabsent siya. Nilabas niya ang cellphone niya. Lintik!! Ang cute niya pag tulog!! Bwisit.

Off ang shutter. Picture ayun. Me picture na siya ni Rain. Screensaver hehehehe. J

__

"Hi Cross. Hi Blue."

"Nice game Blue."

"Meron kaming extra cake from Baking Club."

"Birthday ni Alexa, baka pwede kayo pumunta."

"Congrats sa Quiz bee Cross."

"Pupunta kami ng Karaoke mamayang gabi, baka gusto niyo sumama."

"Nice screensaver Blue. Angel ba yan??"

Blue stopped what he was doing. Ayun ay ang pagkagat sa chicken sandwich na pinabaon ng lola niya.

The hell?? Angel daw. HE looked at his phone. Yikes. Sa likod ng natutulog na si Rain ay ang mala angel na pakpak nito. Crap. She got wings too?? May pakpak siya?? Tinagalog lang.

__

"Psst. Anghel ka ba??" si Blue.

"Psst ka din. Ano yan pick up line?? Geez baduy."

Asar. Hinipan ni Blue ang buhok sa ulo niya. Ayaw mo angel ha.

"Engkanto ka no??!"

"Enggot ka talaga. Anu ba problema mo??" sita ni Rain.

Nakiki sit in sila ni Blue sa third section. Nakaupo sa likuran. Si Rain nagmamasid masid kung may mangyayaring kakaiba.

"Problema ko??! Eto tingnan mo." Nilabas ni Blue ang cellphone niya at pinakita kay Rain ang larawan niya.

Namilog ang mga mata nito.

"Wow!! Ang cute ko pala kahit tulog."^_^ Nasambit ni Rain, todo ngiti.

Tss."Hindi yon ang ibig ko sabihin. Sa likuran mo may pakpak ka!" bulong ni Blue.

Napapansin na sila ng teacher sa harapan at panay ang tingin ng masama sa kanilang dalawa.

"Bakit mo ako kinuhaan ng picture. Bawal yun."seryosong sabi ni Rain.

Napalunok si Blue. Tama stolen shot nga yon. Hindi siya nagpaalam kay Rain ng kuhaan niya ito.

"Crush mo ko no??" biglang sabi ni Rain. Bwisit talaga. Akala niya totoong bawal.

"Asa!! Madami kasing daga sa amin pantatakot ko sana." Tsk. Ayaw sumagot nito sa tanong niya. Sakalin kaya niya?

"Hmm pantakot sa daga. E di picturan mo sarili mo!!" Bleh.

"Seryoso nga Rain. Gusto kong makita ang mga pakpak mo."

"Ayoko nga. Para mo na rin akong nakitang nakahubad!" si Rain. 0__0

Namula naman si Blue. Natahimik. Tsk. "Kakakilabot pala. Makakita ng hubad na poste!!" sabi ni Blue with matching shudder effect.

"Hindi ka na pwedeng bumalik dun," seryosong sabi ni Rain.

"Tsk. At bakit?? Tinutulungan nga kitang maghanap sa prince charming mo." Bagot na sabi nito. Asar, rinig niyang tatawa tawa lang ito.

The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon