Chapter Five

412 22 2
                                    


"Eh Windy, Sunny kayo pala." Turan ni Rain.

Anong ibig sabihin ng mga ito kanina na nagcutting classes?? Diba sa Ibarra school si Rain nag-aaral.

"Sino yang kasama mo. Bakit ayaw mo ipakilala," nguso ng tinawag ni Rain na Sunny.

"Ah si Blue nga pala. Blue si Sunny at Windy."

"Boyfriend mo??" tanong ni Windy at sinisipat si Blue. "Kakaiba ang kulay ng buhok niya. Taga saan??"

Napaubo pa sila pareho ni Blue ng tanungin ni Windy kung boyfriend niya. "Ah taga diyan lang sa Puerto."

PIniling hindi sagutin ni Rain ang tanong.

Si Blue naman eto ang iniisip, hello kayo kaya ang weirdo ng kulay ng buhok. Tss.

"Nice meeting you Blue. Malelate na kasi kami eh wala naman atang balak pumasok niyang si Rain. See you around."



"Boyfriend?? Nagboboyfriend din dito sa mundo niyo???" manghang tanong ni Blue.

"Tss. Shempre naman!! Anong akala mo samin walang lovelife. Naku!!"

"Eh may boyfriend ka na nga na taga dito??" tanong ng makulit na si Blue.

Tse. Bat ba kailangan pa nitong malaman.

"Wala. Ang misyon ko ay hanapin ang nawawalang prinsepe. Wala akong time magboyfriend." Sagot niya.

"Sus. Pakunwari ka pa. Ang sabihin mo,hinahanap mo ang lost prince dahil baka siya ang makatuluyan mo." Sabi ni Blue. Nakangisi.

Namula si Rain. Oo aaminin niya. Hindi minsang inisip niya na baka mahulog siya sa prinsipe pag nakilala niya ito... Pero...

"Tingnan mo pulang pula ka na. Kaya pala naman tutok na tutok ka sa misyon mo eh. Ang misyon mo pala ay mahanap si Prince Charming!!Uy!!"

Naasar naman si Rain sa panunukso ni Blue."Kailangan talagang makita ko siya!!" giit naman niya. "Siya ang magliligtas sa kaharian namin sa pamamalakad ng masamang reyna. At sa masamang anak nito."

Kahit na pilitin ni Rain na ihatid si Blue ayaw paawat. Andaming tanong nito at walang nagawa si Rain kundi sagutin ang katanungan niya.

"Cullen ba talaga ang apelyido mo??"

"Hindi nakuha ko lang yun sa palabas na Twilight."

"Me sinehan din kayo dito??!! Ano talaga ang apelido mo??"

"Una. Opo may sinehan kami. Pangalawa sa mundo naming di uso ang apelido."

"Huh?? Pano kung may kapangalan??"

"Malabo mangyari. Nakalista ang lahat ng pangalan. Sasabihan ko kung may kapareho."

"May Mall kayo?? Talaga?? Gusto ko makita." Sabi ni Blue.

"Blue. Hindi na kita pwede ulit isama dito." Tanggi ni Rain. "Bawal kaming magsama ng taga labas. Napilitan lang ako sayo dahil magsasara na ang lagusan may oras lang ang bukas nito."

Parang nalungkot naman bigla si Blue. Gusto niya pang malaman ang tungkol sa Aery Land.



"Bawal mo sabihin kahit kanino ang nakita mo sa Aery Land." Sabi ni Rain.

Nagbubulungan sila sa klase. Si Blue ay hikab ng hikab at parang antok na antok. Halos wala naman talaga siyang tulog. Alas nuwebe ng gabi ng pumunta siya sa Aery Land. Alas nuwebe naman ng tanghali dito. Bumalik sila ng alas otso ng gabi sa Aery land. 8 am naman sa labas. 8:30 ang pasok nila sa klase. Sa fountain sila dumaan. Hinipan lang ni Rain ang damit niya natuyo bigla.

"Wala naman maniniwala saken kahit sabihin ko man sa iba" bagot na sabi ni Blue.

Iba na ang tingin niya kay Rain ngayon. Hindi na ordinaryong kaklase. The girl had some powers, she's not normal. He wants to explore the Aery land and discover more. Gusto niyang sabihin kay Cross kaya lang nangako siya kay Rain.

"Ah una na ako sa inyo. Sa iba ako sasabay ngayon kumain."


The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon