Chapter Four

408 19 1
                                    


Sabay silang bumagsak sa bukana ng gate ng Aery Kingdom. Aery Kingdom ang tawag kase nakatayo ang mismong kaharian sa taas ng mga bodies of water. Floating on air. Whenever there's a sea, a beach, a river or ocean, asahan mo merong nakatayo sa ibabaw nito.

Tumayo sila pareho ni Rain. Si Rain nagpapagpag ng suot nitong roba. Kulay violet. Teka... He looked at his clothes. Suot niya pa rin ang uniform nila sa school. Kailan nakapagpalit ng damit si Rain?? And what the heck asan sila?? Alam niya alas nuwebe na ng gabi. Dito tirik ang sikat ng araw!!

Tumingin siya kay Rain.

"Ano favorite color mo bukod sa black??" tanong nito.

"Hello. I think this is not the right time para pag-usapan natin ang paborito kong kulay. Asan tayo??!" nagpapanic na tanong ni Blue.

Mariing pumikit si Rain. Maya maya pa naramdaman niyang parang may pumatong na damit sa katawan niya. He looked at himself at sure enough naka roba na din siya. Kulay Blue. Rain grabbed his arms and started walking.

"Ipapaliwanag ko sayo basta maglakad ka lang ng diretso." Utos nito.

Blue was about to find out about Rain's secret.



"Ano!!" sigaw ni Blue. Kanina pa nagsimulang magpaliwanag si Rain sa isang di gaanong mataong lugar. Sa ilalim ng isang hagdan. Nakaupo sila sa damuhan. Bawat bagong impormasyon na sasabihin ni Rain ay napapasigaw si Blue.

Nasa Aery Land sila. iSang kaharian kung saan ang lahat ng tao ay marunong gumamit ng element. Maaring isa lang ang kaya mong icommand na element. Pwedeng dalawa. Mas madami mas malakas ka. At dahil nasa Aery land sila karamihan ay marunong gumamit ng element ng hangin. Mas gamay ni Rain ang paggamit sa tubig. At nasagot din ang hinala ni Blue.

"Kaya hindi natapon ang tubig ng tabigin ni Kitty ang baso mo!!"

Tumango siya.

"Kaya nailigtas mo si Errol ng nakainom ng madaming tubig."

"Tama ulit."

"At mabilis natuyo ang uniform mo??"

"Bakit mo nga ba sinadyang tabigin. Naiinis ako sayo nun." Sabi nito.

Naikuwento ni Rain ang pakay niya. Hinahanap niya ang nawawalang prinsepe. Ang nagmamay-ari at ang siya dapat na nagpapalakad ng kaharian at kaayusan sa Laguna River. The Prince of the Pacific Ocean

"Paano mo nalaman na nasa school siya."

"Me nakapagsabi. Hinahanap ko siya. Me hinala akong si Cross nung una."

He snorted. Si Cross, ang lost prince?? Anyway....

"Paano mo malalaman na siya yun?" tanong ni Blue. Pinagmasdan niya si Rain. Kulay Blue nga talaga pala ang buhok nito.

"Ah basta. Malalaman ko yun. Kung kaya niyang magcommand kahit isang element man lang..."

Hmmm. Napaisip si Blue. "Paano kung ako yun??"

Natatawa naman si Rain. "Ikaw???" tanong nito na parang nang-aasar. "Nako Malabo. ASA!!"

Parang gusto namang maasar ni Blue. "I can ran fast. I can swim, do martial arts and do a lot of sports." Sabi ni Blue.

"Eh kaya mo bang mag command ng element??" tanong ni Rain. Tss.

Maya maya ay pumitik ang kamay nito. "Oo nga. Bakit di natin subukan." Inginuso ni Rain ang creek sa harapan nila. "Make a wave." Utos niya kay Blue.

Anong make a wave?? Pabebe wave?? Gumawa ng Alon?? Paano???

Parang nabasa naman ni Rain ang tanong niya. "Just wave your hand." Nagsample pa si Rain. With a flick of her hand. Unti unting umangat ang tubig at gumawa ng maliliit na alon. Gustong pumalakpak ni Blue. Parang magic show ah.

Ginaya niya ang ginawa ni Rain. Ikinumpas niya ang kamay niya. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Ni hindi gumalaw ang tubig sa creek. Parang nalungkot naman si Rain sa nangyari. Si Blue naman ay gustong madismaya. Had she really expected na siya ang Lost Prince. Na kaya din niyang utusan ang element na gumalaw. Maya maya pa malalaking patak ng ulan ang nagsimulang pumatak sa ulo nila. Nagkatinginan pa sila ni Rain at magkahawak kamay na naghanap ng masisilungan.

"Phew.Somebody summoned a Rain," parang naaasar na turan ni Rain looking at the clouds.

Nakapagtataka nga naman sabi ni Blue. Kanina ang tindi ng sikat ng araw.

"Rain!! Nag cutting classes ka na naman!!"

Blue looked up. A blonde girl was walking at them. May kasama itong babae na ang buhok naman ay dilaw.

Nakatingin ang mga ito sa mga kamay nila na magkahawak. Bigla namang bumitaw si Rain.





The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon