Chapter Eleven

304 13 1
                                    


They started walking. Si Rain pala ang nagsimulang maglakad, sumusunod lang si Blue sa kanya. Sa ilalim ng Asul na roba niya ramdam niya yung backpack na dala niya. He smiled. Me dala siyang camera. Pipicturan niya mamaya.. tapos hmmmm.... Ipopost niya sa fb??!


"Eh Rain where are we going??"

"Sa bahay namin. Diyan lang sa bayan." Sagot nito.

Makikita na niya kung saan ito nakatira. Makikilala na niya ang mga magulang nito!! Kinabahan si Blue.

"Eh ano pala trabaho ng mga magulang mo?? Ibig kong sabihin, ano ikinabubuhay niyo??"

Tumigil sa paglalakad si Rain at lumingon sa kanya. HInintay na magpangabot sila.

"Nagtitinda kami ng fishball." Sagot ni Rain.

Fishball??!! Weh di nga??!! Pano kaya mabubuhay sa pagtitinda ng fishball.

"Hindi nga??" puno ng pagtataka ang mukha ni Blue.

"Joke lang!!" Ahahahahahah. Tawa na naman ng tawa si Rain. Asar tong Rain na to. Wala na atang mapagtawanan na iba kungdi ako. Tsk.

"Nakakaasar ka. Tinatanong ka ng maayos palaging biro ang sagot mo." Bagot na sabi ni Blue.

"Eh napakaseryoso mo naman kasi." J

"Blue. Mahal kita." Madamdaming pahayag ni Rain.

Nanlaki ang mga mata ni Blue. Madami naman nagpapahayag ng pag-ibig sa kanya sa school nila. He had lost count pero hindi niya inaasahan na maririnig kay Rain. He blushed.

"Talaga??!"

"Biro. Blue. Gusto kita." Sabi ulit ni Rain. This time hindi na nagsalita si Blue. "Eto totoo na. Wahahahaha."

Humagalpak na naman ito ng tawa. "Hindi mo ba talaga alam kung kelan ako nagbibiro sa hindi. Una kong sinabi biro. Pangalawa totoo."

He sighed. Pero ang pangalawang sinabi ni Rain ay Gusto siya nito..... May gusto si Rain sa kanya.....

"Gusto kitang yakapin!!!" sigaw ni Rain. Hala baliw talaga tong babae na to habang lumapit kay Blue at yumakap. Makayakap parang wala ng bukas?? Gusto mo naman sabi ni mind. Hay. Pwede na din sabi ni Blue.

"Sarap mong asarin." Sabi ni Rain tatawa tawa. "Pikon.":)

Eh sino kayang di matutuyo ang dugo sa buang na ito??!

Ikaw sarap mong halikan......... si Blue. :)

"Nagbebenta ng walis ang tatay ko. Yun ang kinabubuhay namen." Seryosong sagot ni Rain.

Pumasok na sila sa bayan. Medyo matao na sa lugar na ito. Maingay at parang masaya naman ang ambiance. Oo nga pala sabi ni Rain. Bagong taon. Madaming mga nagbebenta,luminga linga si Blue. Nakakita siya ng nagbebenta ng ginto. Lumapit siya. Nakabilao mga ginto mukhang mga tunay, mabuti at walang magnanakaw???

"Eh nay magkano ho dito??" turo ni Blue sa isang nametag bracelet.

"Ano 100 iho."

Ho!! Isandaan lang. MAglalabas sana siya ng pera pero naalala niya pera sa labas ang dala niya. Pwede din ba ang mukha ni Benigno Aquino na pambayad dito?? Lumingon siya kay Rain. May kausap. Napakamot siya ng ulo. Dumukot siya sa bag niya. Kinuha niya ang notebook niya. Dun niya iniipit ang pera niya.

Nanlaki ang mata ng nagbebenta ng makita ang notebook niya.

"Nako iho madami ka bang dalang papel??"

Nagtaka naman si Blue sa tanong. Papel daw?? Isang notebook at isang libro lang ang dala niya.

"Eh ito lang ho eh. Bakit??"

"Pwedeng iyan ang pambayad mo. Limang papel para dito sa bracelet."

Huh??! Papel lang ang gusto nitong ibayad niya?? Kahit sa kanya pa itong notebook na to. Kapalit ginto.

"Eh nay tunay ho ba yan??" tanong ni Blue. Haha 100 tunay??

Parang napahiya naman ang nagbebenta. "Aba iho tunay iyan kahit isanla mo pa."

"Ah sorry ho nay. Sige sa inyo na lang po itong notebook ko."

"Naku sobra naman ang ibabayad mo. Pili ka na lang ng iba pa."

Namili si Blue. Yung bracelet pina-engrave an niya ng pangalan ni Rain. Yung isang binili niya binulsa niya.

Kumaway pa siya ng umalis siya. Pakiramdam niya dinugu dugu gang niya si nanay. Gold palit papel??

"Uy! Bat antagal mo. Ano ba binili mo."sabi ni Rain. Tumingin ito sa Relos sa bayan. Mag aalas onse na.

"Halika ka na ayun ang pwesto nila Papa." Turo ni Rain. Nilingon ni Blue ang tinuro niya.

Mga walis nga ang tinda. Yung mahahabang hawakan na walis tingting. Broomsticks.



The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon