Ang Istoryang Walang Titulo
ELEMENTS:
Bringing cactus & Eating pizza~
HINDI na alam ni Diego kung saan siya maghahanap ng trabaho. Sa sampung in-apply-an niya, ni isa, walang tumanggap sa kanya.
"Nakakapagod," angal niya pero hindi siya titigil at baka magkatotoo talaga ang sinabi ng asawa niyang si Linda.
Kanina pa hindi mapakali si Diego, mula nang matanggap niya ang isang balitang nagpakaba na naman sa kanya.
"Problema mo?"
Nanlaki ang mata niya nang makitang pinagmamasdan pala siya nito. "Si Pareng Andoy... napatay raw kagabi. Tinapon daw 'yung bangkay sa ilog."
Napailing ito. "Kabahan ka na, inuubos na ang mga batugan sa mundo. Baka ikaw na ang susunod."
Napalunok na lang siya sa sobrang kaba nang maalala na noong nakaraang taon, 'yung kumpare niyang si Berto ang pinatay sa sabungan. Wala pang ilang buwan, sumunod pa 'yung mga kumpare niyang si Benok at Damian na tinapon ang bangkay sa palayan at ngayon si Andoy naman.
Hindi lang naman dahil doon kaya siya naghahanap ng trabaho, para na rin mapakonsulta at mabigyan ng agarang lunas ang sa tingin niya'y lumalala ng sakit ng panganay niyang anak na si Joey. Ngunit hindi yata nakikisama sa kanya ang panahon, dahil sa tuwing maghahanap siya ng trabaho, bumabagyo ng malakas. Palagay niya'y ang balat talaga sa singit niya ang may kasalanan, katulad kahapon.
"Linda." Hindi niya nga alam kung bakit sa tuwing kaharap niya ang asawa, para bang palagi siyang bibitayin.
"Kahit magpustahan pa tayo, wala ka pa ring trabaho! Inutil ka talaga!" Napa-aray na lang siya nang hambalusin siya nito sa ulo. "Kapag tumakbo talaga sa pagkapangulo ang manok kong si Duterte, ako mismo ang manghihikayat sa kanyang ipatumba lahat ng batugan sa mundo!"
Napayuko na lang siya habang pinapakinggan ang sermon nito na para bang tatalunin pa ang pari sa simbahan. "Ginagawa ko naman ang lahat, a?"
Mas lalo itong nagngitngit sa sobrang inis. "Punyeta ka! 'Wag mo akong idaan sa kadramahan mo at baka pugutan pa kita ng ulo!" banta nito.
Sumilay ang isang pilyong ngiti sa kanyang labi. "Saang ulo? Sa taas o sa baba?"
"Pareho! Tutal pareho naman 'yang walang silbi!"
Napatingin siya sa kalangitan. "Minsan lang naman ako humiling sa Iyo. Sana naman magkatrabaho na ako. Iyon lang, okay na----" Hindi na naituloy ni Diego ang sasabihin nang may nakita siyang lumilipad na puting bagay sa kalangitan. Hindi na siya nakaiwas pa nang maglanding iyon sa mukha niya. "Ito na ba 'yung biyaya Mo? Wow. Ang bilis naman."
Unti-unti niyang kinuha ang puting bagay na iyon na nauuot pa ang maangot na amoy sa kanyang ilong at tiningnan itong mabuti. Kulang na lang mahulog ang eyeballs niya nang mapagtanto na isa 'yong napkin na halatang katatanggal lang salawal ng may-ari dahil may sariwang dugo pa!
"Tangina! Kababuyan ng mga hayop na 'to!" gigil na bulalas niya sabay balibag ng hawak na napkin kung saan.
Napahinto na lang siya nang matanaw sa 'di kalayuan ang anak niyang si Joey.
"Kay Elsa 'to! Paborito niya 'tong kainin!" Inagaw nito 'yung pizza na kinakain ng isang paslit.
"Ako ang bumili niyan, e!" Biglang ngumalngal ang bata at naglupasay pa sa sahig.

BINABASA MO ANG
HYSTERICAL OUTBREAK: Round Four
HumorLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Hysterical Outbreak: Round Four