Cure #3: El Ow El

581 13 13
                                    

El Ow El

ELEMENTS:
Acting like a jew & Healing a blind mouse

~

"Poleng..." tawag sa akin ng kung sino, pero hindi ko iyon pinansin. Huminga ako nang malalim, bago nanghalumbaba. Minasdan ko ang mga taong nagdaraan sa pasilyo ng aming silid-aralan.

"Uy, Poleng!" Nilingon ko ang nangalabit sa akin, ngunit hindi ako umimik. Tinaasan ko lamang siya ng dalawang kilay, at naghintay sa sasabihin niya.

"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako pinapansin. Ano ba ang ginagawa mo?" pang-uusisa niya. Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.

"Nakaupo, nakahalumbaba, at nakikipag-usap sa 'yo," walang buhay na sagot ko. Tinapik niya ang kaniyang noo, at saka tumingin sa akin na blangko ang mukha.

"Bakit ba ako nakikipag-usap sa 'yo?" aniya na para bang isang malaking kasalanan ang makipag-usap sa akin. Mahinhin akong nagkibit-balikat.

"Hindi ko alam," sagot ko habang malumanay na umiiling, "bakit mo nga ba ako kinakausap?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. Huminga siya nang malalim, at saka pinalobo ang kaniyang mga pisngi.

"Hay, naku! Nakakainis kang kausap! Diyan ka na nga!" inis niyang sabi, sabay padabog na lumayas. Sinundan ko siya ng tingin; bumalik na siya sa kaniyang upuan. Nagkibit-balikat na lamang ako, at muling bumalik sa paghahalumbaba at pagtitig sa mga taong nagdaraan. Mabuti na lamang at wala pa kaming guro, may oras pa akong magnilay-nilay.

"Bulaga!" sigaw ni Tina, kaibigan ko, sabay sulpot sa harapan ko. Lumingon ako sa p'westo niya kanina, tapos ay pabalik sa kaniya.

"Ang bilis mo namang makarating diyan sa labas," komento ko. Ngumuso siya, at nagkamot ng ulo.

"Grabe, a? Hindi ka man lang nagulat sa ginawa ko? Wala man lang reaksyon, ganern?" sarkastiko niyang sabi. Bumuntong-hininga ako.

"Dapat ba, magulat ako?" alanganin kong tanong. Tumaas ang sulok ng labi niya, at ako'y kaniyang inirapan, dahil sa sinabi ko.

"Sabihin mo? Sino ka? Bakit sumapi ka sa kaibigan ko? Ano'ng kailangan mo?" sunud-sunod na tanong ni Tina; para siyang timang. Napailing na lamang ako.

"Kailangan ko ng lugar kung saan walang maingay na katulad mo, maibibigay mo?" malumanay kong sabi. Ngumiti naman siya nang nakakaloko.

"Asus, 'yon lang pala! Tara, dadalhin kita sa sementeryo! Tahimik doon," saad niya habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay. Tinitigan ko siya ng ilang segundo, tapos ay hindi ko na siya pinansin. Umayos ako nang upo upang talikuran siya.

"Hoy! Bero lang! Grabe 'to, o. Masiyadong seryus sa bohay," wika na niya na parang bisaya. Ginagaya na naman niya ang kaeskwela naming si Bibyen.

"Polengs!" tawag niya sa akin nang hindi ko siya pansinin. "May joke ako," dagdag pa niya, pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakatitig lamang ako sa berdeng pisara.

"Ano'ng tagalog sa female owl?" Napabuntong-hininga ako, dahil alam kong walang k'wenta ang sagot. "Uy, sirit na 'yan. Hindi niya alam ang sagot," pang-aasar pa niya. Nagkunwari na lamang ako na hindi ko siya naririnig.

"Ang tagalog sa female na owl ay...edi, k'waga!" bulalas niya sabay tawa. Hindi na ako nakatiis, nilingon ko na siya.

"Alam mo, Tina? Dama ko naman na gusto mo akong patawanin, e. Kaso, tama na. Nagmumukha ka nang tanga, e," dire-diretso kong sabi. Ngumuso siya, at umalis na sa kinatatayuan niya. Ang akala ko ay nagalit siya, hindi pala. Umalis siya sa labas, upang tabihan ako rito sa loob.

HYSTERICAL OUTBREAK: Round FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon