Patty, Ang Tindera ng Turon
ELEMENTS:
Nasa loob ng LRT habang sumisigaw ng "Kuya, turon?!" & Nakikipagkarerahan sa threadmill.~
ONCE UPON A TIME, mayroong mabait, mapagmahal at dyosang nagtitinda ng turon, huwag na kayong maghanap ng iba pa dahil ako lang naman iyon. Oo, turon. Kapag narinig mo ang maganda kong pangalang "Patty" asahan mong kasunod na riyan ang "tindera ng turon." Please lang huwag mo 'kong tawanan sa propesyon na pinili ko dahil wala namang nakakatawa talaga ron at tsaka nakakabusog pa nga 'yon 'di ba?
DITO MALAPIT sa eskwelahan matatagpuan ang lokasyon ko. Solid, kasi ako lang ang nagtitinda ng turon dito, buti nga walang gumaya, subukan lang nila; daganan ko pa sila eh. Hindi rin ganoon kalaki ang kita sa turon, sapat lang para mabuhay ako at mabusog. Pero, masaya na rin dito, halos apat na taon na 'kong nagtitinda kaya tumatak na sa isipan nila na pag may turon, naroon si Patty.
Pero, isang araw nagulat na lamang ako nang may kumakain ng turon na naka-tissue. Nanlaki mga mata ko at napailing. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinawag ang batang kumakain nito.
"Hoy, bata."
Napalingon sa akin ang bata. "Po?"
"San mo nabili 'yang turon na 'yan?"
Ang weird dahil biglang napangiti 'yung bata na parang kinilig. Napakunot ang noo ko at napamewang. Pinandilatan ko siya at muling tinanongg, "Saan?"
May tinuro siya at sinundan ko ang direksyon ng kanyang hintuturo at nanlaki na naman ang mga mata ko, umusok ang ilong ko.
Sa hindi kalayuan, mga ilang hakbang mula sa tapat ko ay may bagong tayong tindahan. Ang laki ko namang tanga para hindi mapansin 'yon. Masyado ba kong kampante para di mapansin na may balak umagaw ng titulo ko?
"Turon ko? Mas Yummy."
Nakakapagtaka dahil kay bago-bago pa lang nito ay marami na agad siyang customer. Huh, hindi ako makakapayag.
Nabaling ang tingin ko nang may estudyanteng bumili sa akin. "Patty, turon nga, isa."
Kinuha ko ang turon at iniligay sa plastic. Inabot ko na sa kanya ang turon at kinuha ang bayad. "Nako, Patty, mukang may kakompetensya ka na, ah."
Muli kong tiningnan nang masama ang kalaban. "May tissue lang 'yung turon niya, akala niya, huh," bulong ko.
Humanda kang Turon Ko? Mas Yummy. Ipapatikim ko sa 'yo ang kamao ko nang malaman mo kung ano ang mas yummy. This means war.
KINABUKASAN, habang naglalakad ako papuntang stall ng tindahan ko ay may narinig akong chismisan.
"Gago, ang ganda nung tindera. Sexy, putek. Mapapabili ka talaga para lang makita 'yung katawan niya eh."
"Mukang maganda talaga 'yan, ah? Makabili nga mamaya."
"Kawawa naman si Patty, tataob na turon niya."
"Mahirap patubin 'yon, malaki eh."
Nagtawanan ang mga lokong chismoso. Pero, ako, hindi ako natatawa. Kay aga-aga sinisira nila umaga ko. Sino ba 'tong lecheng palaka na lumalaban sa akin?
Maya-maya pa'y may humintong trycicle sa may harapan ko at may bumabang babae. Alam mo 'yung slow-mo effect sa mga movie kapag may bumababa sa trycicle, 'yung mga scene na pang-love at first sight. Ganyan, ganyan ang datingan ng eksenang nagaganap sa harapan ko ngayon. Baba na lang ng trycicle, ang bagal-bagal pa. Unang kita mo palang sa kanya kala mo kung sinong artista. Sobrang kinis ng katawan, araw pa ang mahihiya na maitiman siya. Tapos, napakaganda ng buhok, pang hair commercial. Makikita mong mahirap siya dahil konting tela lang ang kinaya ng damit niya. Nakasuot siya ng spaghetti strap tapos ang short niya, short-short na nga, may butas pa. Nagdamit pa siya. Eh ang laki-laki ng mga bundok niya na kulang na lang lumuwa na yun sa damit niya. Kaya naman 'tong mga breezy boy to the rescue, oh to the boso kay ate. Tulong agad sa mga dala-dala ni ate, kulang na lang pati si ate buhatin. At sa unang kita ko palang sa kanya, kilala ko na kung sino siya. Siya ang kalaban ko, siya ang karibal ko sa pagtitinda ng turon. Hindi siya palaka pero para sa akin isa siyang palaka!
BINABASA MO ANG
HYSTERICAL OUTBREAK: Round Four
HumorLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Hysterical Outbreak: Round Four