Cure #1: Blog Entry No. 8

627 10 11
                                    

Blog Entry No. 8

ELEMENTS:
Fail na suicide attempt & Fail na hold-up-an.

~

Holdup o Holdap?

Good to be back! Ang lakas ng ulan.

Paano ko ba sisimulan sa pamamaraang hindi mo na ito titigilang basahin? Medyo matagal din akong nawala nang walang pasabi. Mukhang wala rin naman sa inyo'ng na-curious kung ano na ang nangyari sa akin pero gusto ko lang magkwento ngayon. Sana basahin mo.

Pustahan, pambungad pa lang badshot na 'ko at iniisip mong wala akong kaarte-arte sa paraan ko ng pagsusulat. Pero malakas talaga ang ulan. Para bang naubusan ng salawal ang mga anghel at kailangan nilang mag-marathon ng labada.

Ito lang. Kanina habang bumibili ng yosi at kape sa Seven Eleven, muntik nang paglamayan ang ilong ko. Ngayon ko lang ipinagpapasalamat ang pagiging pango. O ipagpapasalamat ko na rin siguro ang katangahan nung tanginang may hawak ng baril. Babae e.

"Holdup!"

Talagang "holdup" at hindi "holdap". Napaisip tuloy ako kung sila ba ang mga klaseng kagalang-galang bilang alam nila kung paano banggitin ang tamang kataga.

Napangiwi na lang ako. Hindi na 'ko nag-angat ang ulo mula sa mala-ritwal na pagsinghot sa usok ng French Vanilla, pa-slowmo para may class. Sa liit nitong styro cup, malay ko ba kung pati ang usok e kasama sa binayaran ko. Ang tagal na rin simula noong huli kong tikim ng masarap na kape. Ang huli kasi e sa condo kung saan walang nagdadala ng foods. Puro lang tubol na hayok sa seks. Sa tagal kasi sa loob e deprived at madalas tuloy tirador ng pretty boys, lalo na ang mg fresh from the outside world. 'Ika ng e amoy bagong hango. High-class ang condo, may 24/7 sekyuriti at isputing sa mala-Boy Scout na uniporme. 'Yun nga lang mga nakakagagong power trippers naman ang mga kupal.

Hindi ako mahilig mag-trashtalk pero kapag sila ang napag-uusapan pinuputukan talaga ako ng ugat sa sentido e. Sino ba naman ang hindi maba-badtrip kung ang welcome party mo ay pa-kape at natuwa ka naman sa generous offer kasi sa 'yo inialay ang mainit-init pang tasa.

Ta's ang kape sa ihi pala tinimpla. Iyon ang alamat ng aking trust issues.

Sa sobrang lungkot, paglabas galing sa Isla Pito ay inuna ko talagang bumili ng kape. Tas ito pa ngayon ang mapapala ko.

Biglang putok nung baril at halos halikan na ang dulo ng ilong ko. Shet lang, kapag naaalala ko nasa-stun pa rin ang kaluluwa ko sa troma. 'Yon bang takot na napapamura ka na lang, nakabulagta ang puso mo sa sahig at 'yung kaluluwa mo naman e parang butiking nakadikit sa kisame.

"Ang chill mo kasi. Pasalamat ka asintado ako," sabi ng babae sa nakakarinding boses.

"Salamat a," nagawa ko pang sabi para itago ang nakakabwisit na kabang hindi pa rin humupa. Saka nanginginig talaga ang mga tuhod ko. Humigop muna ako ng kape at hinintay ang magiging reaksiyon niya pero -

"HOLDAP 'TO!" sigaw ng mas malaking boses ng lalaki. Noon nagsigawan ang mga tao sa loob na kanina ay napakatahimik na inakala kong nagsilabasan na.

"Tanga lang? Kitang may nauna e!" reklamo ng babaeng nilubayan na ako para kumprontahin ang kakumpitensiya sa maliit nilang business venture. Nilingon ko ang dalawa nang medyo humupa ang tensiyon dahil sa pag-epal ng nauna.

Napikon si Gago, tipong hindi alam kung ipuputok ang baril o ipupukpok sa mukha ng babae. Nervous laugh na lang ang nagawa ko at ipinagpatuloy ang paghigop ng kapeng ilang taon ko ring pinagpantasyahan.

HYSTERICAL OUTBREAK: Round FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon