Cure #3: Magdalena

372 12 4
                                    

Magdalena

ELEMENTS:
Kumakain ng ice cream sa loob ng cabinet & Umiinom ng red wine gamit ang kutsarita.

~

Ramdam ko ang lamig sa aking katawan habang naghihintay ako sa senyas ni Beth para sa paglabas ko sa maliit at k'wadradong entablado. Ilang ulit ko na itong ginagawa ngunit ganoon pa rin ang nadarama ko sa t'wing aapak ako ro'n. Kaba, pagkapahiya at kawalan ng dignidad.

"Carl! Ikaw na raw!" pagtawag sa akin ni Beth. Tumayo ako sa kinauupuan at nagbigay ng huling sulyap sa salamin. Boxer at necktie, iyon lamang ang tanging saplot na suot ko para sa palabas ngayong gabi.

Nang magpunta ako sa entablado'y kusang naghiyawan ang mga taong naroroon. Mga impit na tili mula sa mga lalaking tinalikuran ang kanilang kasarian. Nagsimula ang isang tugtog na may malumanay na tono, isinabay ko ang aking katawan sa saliw ng musika. Bawat indayog ay nakaririnig ako ng nakadidiring hiyawan.

"Shit, bakla, bakat na bakat ang kargada, o!" Dinig kong pagsigaw ng isa.

"Yummy ang abs!" anang isa pa.

Lalong gumapang ang lamig sa aking batok at nagsitayuan ang ilan kong balahibo. Ang magsayaw lang ang trabaho ko rito, ngunit para na nila akong pinagsasamantalahan sa kanilang mga tingin. Naiilang ako sa mga malalagkit nilang pagtitig pero dapat kong ipagpatuloy ang trabaho kong ito. Heto na lamang ang maaari kong pasukin dahil sa kakulangan ng kaalaman dulot ng hindi pagtatapos ng pag-aaral.

"Magkano kaya ang gabi niyan? Ang laki ng ano, kyaaaah!" Dinuro pa niya ang ibabang bahagi ng katawan ko. Sa sandaling iyon ay ninais ko na lamang takpan ang pagkalalaki ko at itigil ang pagsasayaw. At alam kong hindi iyon maaari.

"Threesome tayo, bakla!"

Nang sa wakas ay tumigil ang limang minutong kanta, mabilis akong umalis mula roon. Mula sa kahihiyan, mula sa sumisira sa aking puri. Dumiretso ako sa likod ng entablado, kung saa'y lumulugar ang iba pang tulad ko. Mga lalaking mananayaw, at mga babaeng tigasilbi. Nagtatawanan sila habang nakatingin sa akin.

"Bro! Bentang-benta ka, a!" ani Jack. Tinapik pa niya ang balikat ko.

"Siguradong marami na namang susubok bayaran ka," naiiling na asik ni Mike.

"Carl!" tawag-pansin sa akin ni Gwen. "Matatapos nang magsayaw si Tom pero ang lahat ng bakla ro'n, 'yang bakat na ano mo pa rin ang topic!" Nagtawan silang lahat sa sinabi niyang iyon. Ikinapula niyon ang aking tainga. Lumapit naman siya sa akin habang hawak-hawak ang baso at kutsarang hindi ko alam ang laman. "Okay lang 'yan. Masanay ka na dapat, 'no," sabi niya habang hinihigop ang laman ng baso gamit ang kutsara. "Gusto mo?" tanong niya pa at inilapit sa bibig ko ang kutsara. Sa kulay at sa amoy nito, alam ko na kung ano 'yun.

"Red wine? Anong klaseng trip 'yan, Gwen?"

"Bakit ba? Trip-trip lang 'yan, 'no." Ngumuso siya. "Teka, nasaan na ba 'yong si Gail? Tapos na ang break niya, a!"

Bigla'y bumukas nang pabalya ang cabinet. At doon, prenteng nakap'westo si Gail habang may hawak na isang cup. Hindi ko alam kung para saan ang cup na 'yon, at kung anong ginagawa niya sa loob mismo ng cabinet.

"Nandito lang ako, loka! I'm just...just eating ice cream!" Itinaas pa niya ang hawak na lagayan ng ice cream at doo'y muling nagtawanan ang lahat.

"Kayong kambal talagang kayo, hay! Mga lumuwag na ata ang turnilyo ng mga 'to," natatawang sabi ng kadarating lang na si Tom. Tumingin siya sa 'kin. "Pinatapatawag ka ni bossing. May kasama siyang dalawang punyeta. Mga bakla. Goodluck." May kakaiba sa ngiti niya at natahimik kaming lahat nang marinig iyon. Nagkiskisan ang aking mga ngipin habang inihahanda ang sarili ko. Nagsuot na rin muna ako ng isang puting t-shirt upang matakpan ang aking balat.

Lumabas ako at sinalubong ako ng tingin nila. Napatingin ako sa dalawang kasama ni bossing at nakita ko ang dalawang kasama niya. Ito ang dalawang pinapag-usapan ako nang malakas habang nagsasayaw!

"Carl, these two men here, paid a hundred thousand for your night." Nanlaki ang mata ko nang sabihin ni bossing ang presyo handang ibigay ng mga ito. Palibhasa ay sanay sila sa paglustay. Palibhasa ay lumaki silang angat sa buhay. "Naibigay na nila sa akin ang bayad. Mag-uusap tayo sa hatian. Sa ngayo'y gusto kong ipangako mong hindi mo ako bibiguin."

"P-pero bossing, hindi po ako--!"

"Carl...sinusuway mo ba ako?" Hinawi niya ang jacket at tumambad sa akin ang isang baril na nasa kaniyang tagiliran. "May magbabantay sa inyo ro'n. Huwag na huwag kang magkakamali, bata." Napalunok ako at kinabahan. "Tatlong oras ang napagkasunduan. Ang unang isang oras ay uubusin sa pagsasayaw lamang. Ang huling dalawa ay sila nang bahala."

"S-sige po." Yumuko ako at wala sa loob na sumunod sa kanila. Nagdaan kami sa madilim na pasilyo ng club. Alam ko kung saan kami papunta, sa isang pribadong k'warto.

"Unang isang oras, ayon sa napagkasunduan, purong sayaw lang. Kapag humigit pa roo'y madaragdagan ang inyong bayad," asik ni bossing sa dalawa. Ngiting-ngiti namang tumango ang mga ito.

Nang mapasok ang k'warto'y agad kong inilibot dito ang paningin ko at saka alinlangang napatingin sa dalawa. Mukhang wala talaga akong takas. Mayroon mang CCTV ay hindi pa rin iyon kasiguraduhan.

Naupo sila sa isang mahabang sofa at ako nama'y tumayo sa bilog na entablado sa k'warto. Nagsimulang tumugtog ang isang musika at isinabay kong muli ang aking katawan. Hinubad ko ang suot na t-shirt at ibinalandra sa harap nila ang matipuno kong katawan. Wala akong magagawa, ito ang trabaho ko. Wala akong dapat na ireklamo, dahil ito ang trabahong pinasok ko. Naririto ako upang maging isang taong bubuhay ng pagkahayok sa laman ng mga baklang tulad nila.

Nagsimula silang maghiyawan. Nanggigigil habang kinukurot ang masel-masel na braso ng isa't isa. Itinuloy ko lamang ang ginagawang pagsayaw. Madalas di'y tinitignan ko sila sabay sulyap sa CCTV dahil alam kong binabantayan ni bossing ang kilos ko. Hinaplos ko ang sariling katawan at sinabayan ko ito ng mapang-akit na tingin.

Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang mga umbok sa suot nilang mga pantalon. Ngayon ay sigurado akong matapos ang oras na ito'y mabilis nila akong dadambain na parang mga leong gutom sa kanilang biktima. Kung sana lang ay hindi na dumating pa ang oras na iyon.

Nabigla ako nang makarinig ng malakas na hiyawan mula sa labas. Mabilis akong naglakad sa pinto at binukas ko ang pinto. Pinulot ko rin ang damit kong binato ko lamang sa kung saan.

"RAID! RAID!"

Nanlaki ang mata ko at mabilis akong tumakbo. Nadinig ko pa ang pagtawag sa akin no'ng daawa ngunit hindi ko na sila nilingon pa.

Nagpunta ako sa isa pang labasan dito sa club at nagtagumpay ako roon. Nang makalabas ay malas na may nakasalubong akong isang pulis. Mabilis niyang inilabas ang kaniyang baril at itinapat ito sa ulo ko.

"Itaas mo ang mga kamay mo!" utos niya. Itinaas ko ang aking mga kamay at naghanda ako nang lumapit siya sa akin. Hinablot niya ang kamay ko't inilagay ito sa likod. Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang pumalag at masiko ang kaniyang dibdib. Humarap ako at sinuntok ang kaniyang mukha. Naharang niya ito gamit ang kaniyang kamay at iniikot niya iyon patalikod dahil upang marinig ko ang pagtunugan ng mga buto ko sa braso.

"Aaaaah!" paghuhumiyaw ko sa sakit. Ginamit ko ang aking paa at isinipa iyong patalikod sa kaniyang tuhod. Muli akong humarap at sinuntok ko ang tiyan niya at sa paraang 'yon ay napatamaan ko siya.

Hindi ko inaksaya ang pagkakataon. Tinuhod ko siya sa dibdib at napaubo siya ng dugo. Inihampas ko naman ang batok niya at doo'y nawalan siya ng malay.

Muli akong bum'welo upang tumakbo ngunit muli kong narinig ang ilan pang pagkasa ng mga baril. Napatingin ako ro'n sa pulis at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakangisi.

"Dancer ka, 'di ba? Tamang-tama. Kung ayaw mong makulong, huwag kang papalag!" Ngumisi siya at humakbang sa akin.

"A-anong gagawin mo?" Pagmamatapang ko.

"Re-rape-in lang naman kita!" At narinig ko ang nakadidiri niyang tawa.

HYSTERICAL OUTBREAK: Round FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon