Cure #2: Trap

429 11 6
                                    

Trap

ELEMENTS:
Naglaslas gamit ang bread knife & Nagluluksa dahil namatay ang limang kuko sa paa.

~

Nakangising pumasok ako sa presinto at 'di maiiwasang mapatingin sa akin ang aking mga kapwa pulis. Nakanganga ang iba at ang iba naman ay napapa-iling na lang sa aking pagdating.

"Paki-kuha naman nito o, medyo nakakaabala na siya sa schedule ko." Itinaas ko ang aking kamay bilang senyas sa isang officer. Nagmamadaling lumapit naman siya at agad kinuha sa akin ang bitbit kong lalaking nakaposas. May nahuli na naman kasi ako habang papunta ako rito sa estasyon, nagnanakaw kasi kaya hinuli ko na.

Lumapit na rin naman ang isa pa sa aking kasamahang si Inspector Megure, nakangisi siya habang binabati ako. "Good Morning, Inspector Makalaglag! 'Di ka na talaga nagbabago, araw-araw kang may bitbit na tao sa tuwing dumadating ka sa presinto."

Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya, anong mali sa ginawa ko? Binalingan ko siya at inilagay sa aking beywang ang aking mga kamay bago magtanong. "Hindi ba't trabaho naman talaga nating manghuli ng kriminal? At saktong nasaksihan kong nagnanakaw 'yan na may kasamang tsansing pa sa bus, kaya 'di na ako nagpapigil, hinuli ko na."

Agad napatawa si Megure, nakuha naman namin ang atensyon ng iba pa. Nagsilapitan na rin sila sa aming gawi, kaya nagsalita na ang kabangayan ko. "Haha, nakakatuwa ka talaga Inspector. Akalain mong pabebe ka rin pala, kahit na asal maton ka."

Sinamaan ko agad siya ng tingin, dahil nagtawanan na ang mga nakarinig. 'Di ko tuloy napigilan at tinulak ko siya nang bahagya sa kanyang dibdib, bago nagtanong. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumigil agad siya sa pagtawa at napalitan ng kakaibang ngisi ang kanyang labi. Naalarma naman ako nang humakbang siya palapit sa akin, 'di ko naman maitatangging matangkad na lalaki siya. Kaya naninigurado lang ako, baka suntukin ako bigla. Kawawa naman ang maliit kong katawan kung sakali.

Napa-awang ang aking labi nang abutin niya ang aking buhok na nakatali sa aking likuran at sa isang iglap at tinaggal niya ang pagkakatali nito. Ngumiti siyang muli at nagsalita. "Ang ibig kong sabihin, lumalabas rin pala ang pagiging babae mo. Mas astig pa kasi pabebe ka, walang makakapigil sa'yo! Hahaha."

Napuno agad ng tawanan ang buong paligid, kaya mas lalo akong nainis. Wala akong naintindihan sa pinagsasabi niya, kaya agad ko siyang binatukan.

"Pwede ba, kausapin mo nga ako ng may sense sa susunod. Nawawala ako sa schedule ko, dahil sa kalokohan mo."

Inirapan ko siya pagkatapos kong sabihin iyon at tumungo na lang sa aking desk. Wala akong panahon sa kalokohan niya, palibhasa wala siyang ibang alam kun'di lumandi. Naturingang inspektor, pero wala naman siyang kagalang-galang na ginagawa.

Nang maka-upo ako ay 'di ko namalayang sinundan pala ako ng gunggong. "Alam mo, Inspektor. Kaya walang nagtatakang manligaw sa iyo, kasi sinisindak mo agad. Ba't 'di mo subukang maging mahinhin naman?"

Napataas ang isang kilay ko, dahil sa tanong niya. Kahit kalian ay 'di ko maintindihan ang nasa kukote ng gunggong na'to.

"Huwag mo nga akong pangaralan, 'di tayo close." Pagkasabi ko no'n ay agad na namang ngumisi 'yong loko at biglang umupo sa tabi ko. At dahil pang isahan lang ang upuan ko ay naalibadbaran ako agad.

"Ganito ba? Hindi pa rin ba tayo close?" Nag-init agad ang mukha ko sa ginawa niya. Hindi dahil sa natuwa ako, kun'di nag-aapoy na ata ako sa galit. Agad akong tumayo at sa walang sabi-sabing sinipa ko ang tagiliran niya, kaya napabagsak siya sa sahig.

HYSTERICAL OUTBREAK: Round FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon