Cure #1: Pinatuyong Kaliskis

543 13 7
                                    

Pinatuyong Kaliskis

ELEMENTS:
Bumibili ng gamot sa hardware & Nagsusuot ng condom sa sampung talong.

~

Palagi na lang akong lutang sa kakaisip ko kay Ligaya, ang aking mahal. Sadyang napakasaklap sa tuwina'y sumasagi ang panghahalik ko sa kaniya. Lumalapat lang pala ang malapad kong nguso sa matigas na pader ng aking makalat na kuwarto. Pakiwari ko'y naamoy at nalalasahan ko pa rin ang panis kong laway na dumidikit sa kaniyang poster. Ipinasadya ko pa talaga iyong i-printa noong nakarang araw lamang. Galing siya sa Maynila kaya ay kamakailan ko lamang siya nakilala.

Hay, Ligaya. Balang araw ay maaakit ka rin sa taglay kung kakisigan. Itaga ko pa iyan sa poster mong nangangamoy panis pa rin.

"Ale, pabili nga po." Nagdadalawang-isip akong sabihin sa tindera kung ano nga ba ang inuutos ng aking ina. Nakakahiyang sabihin na napkin at panty liner ang bibilhin ko. "A-ano po. P-pabili po ako ng gamot."

Nagsisinungaling na nga ako ay nauutal pa. Diyahe talaga.

"Oy, hijo. Saang lupalop ka ba galing? Nauntog ba ang ulo mo?" seryoso nitong tanong sa akin.

"Bakit ho, ale?"

"Sige, ano'ng gusto mo? Gamot na yari sa bakal o yari sa semento?"

Sinimangutan niya ako nang husto, bago niya ako tuluyang iniwanan sa counter. Sisigawan ko pa sana siya nang mapansin ko kung nasaan nga ba ako ngayon. Wala akong makita kundi bakal, yero, kahoy, at kung anu-ano pa na makikita lamang sa hardware.

Napatutop ako sa noo nang wala sa oras. Wala akong magawa kundi ang maglakad na naman sa maputik na kalsada. Nakakahiya ang lantarang katangahan.

At habang iniisip ko na naman ang alindog ni Ligaya ay hindi ko napaghandaan ang biglaang paghablot ng pera sa kamay ko.

Putek na malabnaw, parang mamasa-masang tae na natutunaw at sumasabay pa sa nangingilaw na tubig sa baha, ay hindi pa rin kumukurap ang aking mga matang lumalaki na rin ang eyebags sa kakapuyat.

"Takte! Pambili iyan ng napkin ng nanay ko!"

Wala akong magawa kundi sundan ang snatcher na hindi naman nalalayo sa aking edad. "Bumalik ka rito! Gago!"

Kung hindi ko lang mahal ang kaniyang nakababatang kapatid ay kanina ko pa ito binukulan sa ulo. Taena! Ngayon pa talaga kung kailan ay kailangan ko nang makauwi kaagad.

Mala-pato pa ang puwet kung kumendeng-kendeng, sinusundan ko siya habang mabilis na lumiliko sa kabilang kanto. Hapit na hapit pa sa kaniyang katawan ang pekpek shorts na sinasadya talagang ilantad ang mahahaba niyang biyas, na mas mabalbon pang 'di hamak sa unggoy na alaga ng tiyuhin ko.

"Taena mong bakla ka! Ibalik mo ang pera ko kung ayaw mong ipasagasa kita sa malaking bus sa oras na maabutan kita!" bulyaw ko na naman.

Naririnig ko pa ang sunod-sunod na hiyawan at tuksuhan ng mga tambay sa kanto na dinaanan ko.

"Tang'na! Hindi bilog ang mundo, p're! Huwag kang magpabilog diyan," sigaw no'ng may hawak ng baso. Kakaumpisa pa lang nila sa kanilang pang-araw-araw na bisyo. Napapangisi na lang ako nang pagak. Kunwari ay tatango-tango para maiwasan ang shot ng alak.

"I-kama mo na kasi, boy!" bulyaw pa no'ng isang kitang-kita ang bukod-tanging dalawang ngipin sa harapan. "Mas masarap na ganti 'yon. Mangisay-ngisay pa 'yan sa sarap." At sabay-sabay silang nagkatawanan sa birong hindi ako natutuwa.

Mahirap mang aminin ay birhen pa ako. Mahilig akong magpantasya pero hanggang do'n na lang 'yon.

At habang iniisip ko 'yon, ay mas lalo lamang akong nanggigigil sa baklang sinusundan ko ngayon.

HYSTERICAL OUTBREAK: Round FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon