Real Victim
ELEMENTS:
Fail na suicide attempt & Fail na hold-up-an~
Ilang araw na kaming tenga ng mga kaibigan ko sa tambayan namin. Dalawang Linggo na ang nakakalipas buhat nang magbakasyon at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nagagawang matino na magpapa-excite at bubuhay sa dugo naming berde.
Muli kong tinitigan ang pangit na mukha ng mga kaibigan ko. Talaga namang nahiya pa ang mga tigyawat sa mukha ni Jena dahil kulang na lang ay pati mata niya tubuan ng bulkan. Nabaling naman ang atensyon ko sa kulot na buhok ni Mira dahil apura na naman ang kamot niya. Minsan nga madala 'to sa zoo. Puta naman kasi, reyna ng kuto ang gaga. Buti na lang maganda ako.
"Alam ko na!" sigaw ng baklang katabi ko. Kasabay nang pagsigaw niya ay ang pagkahulog ng supot ng RC na iniinom niya. Napairap na lang ako sa kaburaraan ng bakla at ang bugak naiwan pa ang straw sa bibig niya. 'Di ko namang maiwasang hindi mapatingin sa nguso niyang forever maga.
"Hoy, Bakla! May isinubo ka na naman 'no?" Bigla namang nabaling ang atensyon niya sa akin at nanlalaking mata akong tinignan.
"Gaga! Nu'ng nakaraan pa 'no. Nakagat lang ng ipis ngayon ang kissable lips ko." sagot niya na may kasamang irap.
Napailing na lang ako sa kaharutan niya. Nako naman kasi, may makita lang gwapo sa kanto e nilalapitan na. Kaya amoy imburnal bunganga niyan e.
"Ano ba 'yon?" tanong ni Jena kay Bakla.
"Ay teka, lintik naman kasi 'tong si Ria e napaka-epal pinansin pa ang nguso ko. So, ayun nga. May mayaman daw na bagong lipat sa atin. You know, madatung pero hindi natin nanakawan, ano lang...kukunin lang natin cellphone numebr niya," sabay taas baba ng kilay niya sa amin.
"Anong gagawin natin? Hohold-up-en gano'n?" tanong naman ni Mira kaya tumango ang bakla bilang sagot.
Agad ko namang pinulot 'yung patpat sa harap ko at binali 'yon sa apat-- tatlong magkakasing-haba at isang maiksi.
"O, bunot na." tamad kong utos sa kanila. Sabay-sabay silang kumuha ng isa at pinagdikit-dikit ang mga napili nila. Napanga-nga naman ako nang makita kong magkakasing-haba ang nakuha nila. Pagtingin ko sa kanila ay pare-parehas nila akong tinignan ng nakakaloko. Ilang sandali pa ay biglang tumawa nang malakas si Bakla.
"Putek! Kamalas-malasan nga naman o! Ikaw pa talaga." Mangiyak-ngiyak niyang tawa habang nakahawak siya sa tyan na.
"Hayop ka," nakasimangot kong pasaring sa kanya habang patuloy pa rin ang pagtawa niya. Napatingin naman ako sa dalawa ko pang kaibigan at parehas silang naguguluhan. Bakit ba ako nagkaroon ng ma ganitong kaibigan?
"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Jena kay Mira na nagkibit balikat bilang sagot. Napatigil naman sa pagtawa si Bakla sabay tingin ng masama sa dalawa.
"Slow niyo! My goodness, nai-i-stress ang maganda kong face," reklamo niya sabay paypay gamit ang kamay niya.
"Ganito kasi 'yan, naalala niyo ba noong nagbalak magpakamatay si Ria?" tanong ng bakla sa kanila.
"Iyon bang magbibigti siya sa room?" hindi siguradong tanong ni Mira. Kaya naman napa-palakpak si Bakla sabay sabi ng "Natumbok mo!"
"Ah, oo!" Singit ni Jena sabay tawa. "Lakas ni Ria no'n e," natatawang simula niya. "Kaloka lang! Nu'ng pagbuwal niya ng upuan para mabigti na siya e biglang bumagsak 'yung kisame ng room," humahalak na kwento ni Jena habang pumapalakpak pa.
Nakitawa na rin si Mira at ang walang hiyang bakla nagpapagulong-gulong sa lupa sa sobrang tawa.
"'Namo kayo! Akala niyo wala rito pinag-uusapan niyo e," asar kong sabi sa kanila ngunit walang pumansin sa akin dahil patuloy pa rin sila sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
HYSTERICAL OUTBREAK: Round Four
HumorLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Hysterical Outbreak: Round Four