Shan's P.O.V.
Kaya ko to'..!
Kayang kaya ko to!
Kaya ko ba talaga?
"haaay naku, kaylangan ko ba talagang mamuhay kagaya ng normal na tao?" nakasimangot na pabulong na tanong sa sarili sabay pagbuntong hininga ko, nakasanayan ko na kasi na kausapin ang sarili ko eh..wala akong makausap simula ng napadpad ako dito sa lugar na ito, wala akong kaibigan o kakilala man lang. Ako lang kasi mag-isa lalo na sa bahay.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang paaralan.
.
.
.
.
opo! mag-aaral lang naman ako katulad ng mga normal na kabataan.... Sandali, kung hindi pala ako mag-aaral, ibig sabihin hindi ako normal? Ahmfff. Ay ewan."wow ang ganda naman ng paaralang ito," sambit ko habang palinga linga ako sa paligid at nakatanaw sa malaking puting gusali na bumungad sa harap ko. Narito na kasi ako sa tapat ng malaking trangkahan ng papasukan ko. Kitang kita ang malaking pangalan ng paaralan " Wolfburg Academy" mahinang pagbasa ko dito. Awtomatikong bumukas ang gate matapos tumutok sa akin ang pulang ilaw, ngunit di ko na pinansin iyon at pumasok na lang.
patuloy akong naglakad at hindi inaalis ang pagkakatitig sa pangalan ng paaralan, nakakamangha kasi eh.
("Blaaag!")
"Aray!!" daing ko. Napapikit ako at hinawakan ko ang ulo ko na ramdam ang sakit na natamo. mukhang nakatama ang ulo ko sa matigas na bagay.
Iginalaw ko ang mga kamay ko dahilan upang makapa ko kung saan nakaumpog ang ulo ko na nakdikit pa dito.
naramdaman ko na nakahawak ako sa makapal, mabango at madulas na buhok. Nakakaenganyo naman ang buhok na to' hehe
.
.
Teka lang..? Buhok???! .
.
.
Agad kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ang pagmumukha ng isang lalake!. Hala!.nagtama ang mga paningin namin at nakita kong mukhang naiinis na siya.. Doon ko lang napansin na nadaganan ko pala siya!. Kaya para akong naestatwa sa sobrang gulat ko
Gumalaw siya at binigyan niya ko ng masamang tingin.
Ako naman, nakanganga lamang at hindi ko alam ang gagawin, napakaamo kasi ng mukha niya kahit nagsusungit sya. May matangos na ilong, maputi, makisig, at itim na itim ang buhok. Ahmm. ? Maamo nga sa mukha ewan ko lang s ugali.
"Up....", bumuka ang mapulang labi nya. walang emosyon ang mukha at boses niya nang sambitin ang salitang iyon.
Ano raw???..........?
"I said, up!, as in stand up" muling utos niya. Malumanay lang ang boses nya ngunit pinandilatan nya pa ako ng mata.
Ngunit di ko siya maintindihan, ni emosyon niya di ko masukat! Naku kung hindi ako makapapigil sisipain ko na to. Grrr!.
"ano ba miss? Hindi ka ba nakakaintindi?," magaspang na tanong niya.
"ah?" yun lang nasambit ko at napanganga na lang. Mukhang nawala ako sa sarili, ano bang salita yung pinagdadada niya kanina? Kung pwedi ko lang sabihin na hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya kaya lang mukhang mapanghusga ang isang to' kaya wag na lang!.
Nakita kong umigting ang panga niya. " miss..." naningkit ang mata niya at huminga ng malalim. Mukhang nagpapakita siya ng kawalan ng pasensya.
"tatayo ka ba? o hahalikan kita? Tumaas ang isang kilay niya nang itinanong niya iyon sakin
Teka...?
.
.
Nagtatanong ba siya? O nagbabanta?Nanlaki naman ang mga mata ko, napanganga ako habang nakatitig sa mga mata niyang walang emosyon. Di ko parin maalis ang tingin ko sa mukha niya.Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mga pisngi ko na sa tingin ko namumula na ang mga ito , dahilan upang matauhan ako sa pagbabanta nya kaya mabilis pa sa takbo ng kabayo akong tumayo.