A/N: sorry po ngayon lang nagkatime para i.upload ang chapter na to' hehe
Shan's P.O.V.
"uy mahal na prinsesang wala sa kanyang kaharian! Sigurado ka ba sa binabalak mo?" tanog ni Sinag...
Ah... Ehhh....este ni Sunshine. Nakapameywang sya nang sinabi nya iyon sa akin. Tila naiinis na parang ewan.Naglalakad kami ngayon papuntang Wolfburg Academy.
"oo nga sabi eh... Kulit mo." reklamo ko sa kanya sabay pagtaas ng kilay ko. Kahapon lang sya dumating sa bahay ko pero simula nang sabihin ko rin sa kanya kahapon na mag-aaral din sya ay walang humpay na ang pagtanong nya sa akin kung sigurado ako sa balak ko.
"ayieeeh! Sana makahanap ako dito nang.... jjo...jow..! a..aano nga yung sinabi mo kahapon?" pautal utal na tanong nya sa akin sabay blink blink ng eyes nya. Hindi pa kasi sanay itong si Sunshine sa language dito.
"Jowa!" pagkaklaro ko sakanya. Pinandilatan ko sya ng mata.
"ah oo nga jowa!, gusto ko ng makisig at gwapo ding jowa katulad ni... Sino nga yung kinukwento mo sa akin kahapon? Yung ang bahay nga ay sa tapat ng bahay mo." pag-uusisa niya akin. Ay naku itong bruhildang ito, may pagkachismosa to' ah. Pag hindi ako nakapagpigil sabunutan ko na to hehe
"tigilan mo nga ako, di ba napunta ka dito para bantayan ako?" pataray na tanong ko sakanya sabay pagcross arm ko.
"Hello! I can do multi tasking girl, I can search bf while serving you my dear princess" Haha payabang na pagkakasabi nya sabay kindat sa akin.
Pero....... Ahhmm. teka lang...., nakakagulat naman mga sinasabi nya!! as in nganga ako. Eh pa'no ba naman kasi, nag-english sya! Hanep saan kaya natutunan ng kikay kong alalay ang mga salitang iyon? It took a week para matutunan ko ang english samantalang sya , wala pang 24 hours, may alam na!"uy bakekang! Saan ka nakatuto ng english?" pang-uusisa ko sakanya sabay pagtaas ng bahagya ng ulo ko na parang siga sa mga kalyeng nadadaanan ko.
"your highness, kung ano ginamit mo sa madaliang pag-aaral nung english ay siya ring ginamit ko, kaya nga lang, mas maaga kong ginamit yun, harhar." pagpapaliwanag nya sa akin at kumindat na naman ang loka!.
"ah kaya pala.... oh sya sige na, basta umayos ka, at...! wag mo akong matawag tawag diyan na prinsesa o your highness! Babalatan kita ng buhay sakaling may makarinig sayo." pagbabanta ko sakanya in taray mode sabay pagduro ko sa mukha niyang super kapal ng make up. Kung ano sya sa amin ay ganun rin siya dito. Walang pagbabago ang lola nyo.
''OA naman!? Prinsesa, huwag kang bitter jan, baka mamaya meron ka nang ka-fling fling dito sa paaralan mo ah! Kung sakali may ulat agad ako ki inang reyna mo haha(devil laugh)." pang-uuyam nya sa akin sabay tapat ng kanyang palad sa humahalakhak nyang bibig.
"aray!!" daing nya ng napakalakas, ayon! binatukan ko na kasi ang devilitang to' sabay pagtalikod ko sakanya at nauna na akong nagpatuloy sa paglakad papuntang school.
---__---__---__
Pagdating namin sa school, agad kaming pumunta sa registrar at cashier para sa mga requirements at bayad ng tuition nya. Mabuti na lang at pwedi pa mag-enroll yung mga late enrollees.
Pagkatapos nun ay umakyat na kami na kami sa third floor.
-_-_-_-_
Pagdating namin sa third floor,...
"madalas bang ganito dito Shan?" tanong sa akin ni Sunshine sabay pagtaas ng kilay nya.
"ang alin?" tanong ko naman sakanya at napakunot ang noo ko..
Ngumuso naman sya sa mga nagkukumpulang mga estudyante.."ayun oh"
"ay naku, oo, sobrang palagi, marami kasing gwapo at magaganda dito kaya pinagkakaguluhan." pagpapaliwanag ko sa devilita kong alalay, imagine! mas madalas syang magtaray kaysa sa akin! gusto ko mang sabihan sya pero wala akong panahong makipagtalo, alam nyo naman..., lagi syang may rason sa anumang bagay.