Shan's P.O.V.''Ok class, I expect your presentations tommorrow, so ayokong may magpapa-excuse dyan na hindi makakaperform, I wilĺ see you inside the John Memorial hall'' mam Ferrer instructed us for tommorrow's activity na tila nagtataray. Ipipresent na kasi namin yung assignments na ibinigay sa amin three days ago. Nakakapressure naman si mam!...
Ang higpit naman kasi nya!, kinasal lang nung Sunday, nagbago na ugali,.... kasabay sa pagbabago ng surname nya!
Kaya nga lang ako, may problema....
3 days na ding absent ang partner ko, Huwebes ngayon, bukas na ang presentation.....
Opo! Si Mr. Bi. as in Bipolar... ahmff! Minsan nakakamiss din ang bipolar na yun!...ano kaya ginagawa ng unggoy na yun ngayon?
''Teka.....,
sinabi ko bang nakakamiss sya????
Ay... Takte! Erase! hindi ko sya namimis!,
oo tama hindi ko sya namimiss..
Di ko sya namimiss!
Hindï!,
hindi,
hindi!'' parang temang na kinakausap ko ang sarili ko habang nasa upuan ako, si Aeroll naman seryosong nakikinig kay mam,
Buti naman para di nya makita ang kapraningan ko dito, haha mukhang sina Aeroll ready na for their tommorrow's performance.
Pero pa'no nga yan wala ata akong kapartner! Sana pumasok na si Alex,
Kung hindi, mag~isa lang ako nitong magpipresent ng comtemporary dance.Ilang beses ko ng naisipang puntahan sya sa bahay nila pero nagdadalawang isip ako dahil baka ipagtabuyan ulit ako ng lokong yun, o kaya baka hindi nila ako papasukin.. Alam nyo na.... Bipolar nga.....
Pinipilit kong itext si Alex pero wala talagang reply..!. Opo marunong na akong magtxt! Nung tuesday pa!
" shit ano gagawin ko?" nakakunot akong nag-iisip sa upuan ko. I have to think something that can save my grade.
-_-_-_-_-_
Natapos ang lahat na pang-umaga naming subjects pero wala akong ginawa kung hindi ang pag-iisip kung ano gagawin ko bukas, di naman ako pweding mag absent na lang, very irresponsible naman ako nun if I'll do that plan.
'' girl wag mo na isipin yun chelaks ka lang" si Ems na nagsalita habang hindi mapuknat ang tingin sa cp nya. malamang katext si Kohlf...
Ano ba yan, magkaklase naman sila pero hindi nila pinagsasawaan ang isa't isa, minsan nga nahuli ko ang dalawa panay ang titigan sa isa't isa kahit tumatalak si mam. Haissst... Naikwento ko na kasi kay Ems ang kanina ko pang pinubroblema, tapos chelaks lang ang sagot?... Mabuting kaibigan! Ahmff.
Naglalakad kami ngayon sa corridor papuntang cafeteria for lunch and as expected kasama din namin si Sunshine na....
Wait!...
Himala!. . silent ang ngalangala ng bakekang! Haha. Pero binalewala ko muna ang pinsan ko , di ko muna pinansin sya at bumalik ako sa pinag-uusapan namin ni Ems.
"Eeeeei! Hindi ko kayang chumelaks lang jan." Tila padabog na reklamo ko kay Ems at ipinakita ko ang nakasimangot na mukha ko but when I notice na marami ng tao sa cafeteria, inayos ko muli ang mukha ko. Baka biglang dumating si Aeroll, makita nya pa ang kapangitan ko haha. Asan kaya yun ngayon?
Nang makapasok kami sa cafeteria..
"dito na tayo umupo" untag ni Emelyn na tinuro mismo ang table na nasa tapat lang namin saka inilagay ang bag nya sa ibabaw nito.