Author's P.OV.''diyos ko, hindi pa nagigising si Alex, ano ang gagawin natin.....?'' wika ng matandang katulong na mababakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala at hindi umaalis sa tabi ng binatilyong amo.
Dito sï Alex na-confine sa Xier Medical Group Hospital. Ang hospital na ito ay ang pinakamagaling at pinaka-high tech. na hospital sa pinas, kaya dito dinala ng mga katulong niya sï Alex. Pagmamay-ari ang hospital na ito ng mga Xier na pumapangalawa sa mga Wolfburg na pinakamayaman sa bansa.
Dalawang araw ng walang malay si Alex dito sa ospital at hindi pa ito alam ng papa nya.
'' nasabi mo na ba manang kay lord Juancho ang tungkol dito?'' tanong ng mas batang katulong ni Alex na nasa mid 30's na.''eh...ano ka ba, pa'no ko sasabihin kay lord Juancho ang tungkol dito na diba't kabilin bilinan niya na huwag dadalhin si Alex sa hospital pag ito'y inatake ng sakit nya.'' pabulong na pagpapaliwanag ng matanda. Iniutos kasi ng papa ni Alex na huwag dadalhin si Alex sa hospïtal, nakasanayan na kasi nila na doktor ang pumupunta sa mansyon para tignan si Alex pero dahil malala na ang kundïsyon ni Alex kaya naisipan ng matanda na isugod na ang amo sa pinakamagaling na ospital.
''ay oo nga pala! Eh ano gustong mangyari ni lord Juancho sa anak nya,? Mangisay at hayaang mamatay na lamang dahil hindi pa dumarating ang doktor??'' ani ng mas batang katulong na halos pandilatan na ang matanda ng kanyang bilugang mata.
''Aba, kaya nga narito na ang bata sa ospital dahil hindi maatim ng konsensya ko na panoorin na malagutan ng hininga ang batang ere. Alam mo parang walang paki ang papa nya sa kanya.'' saad ng matanda at binaling kay Alex ang paningin na di kakikitaan ng anumang sïnyales na magigising siya ngayong araw.
''Eh pa'no kung umuwi si lord Juancho, tiyak na malalaman nya agad ang ginawa natin.'' pag-aalalang hayag ng mas batang katulong.
''siguradong mawawalan tayo ng trabaho nito'' matamlay na pahayag ng matanda habang hinahaplos ang buhok ni Alex
''saan tayo kukuha manang ng panggastos dito sa ospital?'' tanong ulit ng mas batang katulong.
''Kukuha tayo sa binibigay ni lord para sa gamot ng bata'' ani ng matanda
''manang... Sa gamot lang yun, papaano yung bill?'' di mapakali ang mas batang katulong kasi hindi nya alam ang gagawin.
''heto hawak ko ang atm ni Alex, sige na humayo ka na at magwithdraw ka na, puro problema iniisip mo!'' wika ng matanda matapos ilagay ang atm card sa mas batang katulong na ayon nganga facial expression nya. Haha marahil ay nagulat ito sa inasal ng matanda.
Alex's P.O.V.
''bakit ganito..?...... ang init....'' sabi ko sa isip ko na hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Pakiramdam ko grabe ang patak ng pawis ko,nanlalapot ang bibig ko dahil sa laway ko na ramdam ang uhaw.
Hindi ko rin maimulat ang mga mata ko, parang labis na bigat ang nararamdaman ko sa mga talukap ng mga mata ko na animo'y maraming nakapatong na mabibigat na bagay sa ibabaw ng mga ito.
Wala tuloy akong makita.!
Napakadilim ng paligid ko. May kaunting takot sa dibdib ko dahil di ko alam kong nasaan ako.
Pinilit kong tumayo pero hindi ko nagawa. Ni-makagalaw man lang ang mga kamay ko ay bigo ako.
Nagsimula na akong kabahan sobra lalo na nang may narinig akong ingay na palagay ko'y nasa di kalayuan lamang.
(''wolves howl..'')
''what the hell is that?'' tanong ko muli sa sarili ko. Parang nakarinig ako ng mga alulong ng mga malalaking aso, it really scares me.