Shan's P.O.V."hey good morning Shan" Emelyn greeted and showed her cute eyes
"magandang morning din sayo Emz" I replied and smiled at kahit hindi ko nakikita ang mukha ko ay alam kong lumalabas ang dimples ko.
Isang linggo na ang nakalipas since nagsimula yung klase. Close na kami ni Emz at di lang close kundi bestfriends kami. And take note, marunong na akong mag english! Tinuruan lang naman ako ni Mr. Aeroll de Leon at ni Emz. Panay nga ang tanong nila kung bakit ako nagpapaturo eh third year na kami kaya ang dinahilan ko na lamang ay mahina ako sa english. Buti na lamang at naniwala sila. Mabilis din ako natuto. Alam nyo ba kung bakit? Sa ngayon sikreto muna, baka magalit si kuya Author. Hehe
..--..--..--..
Narito kami sa may quadrangle, sa harap ng buliding at papasok na.
"uy girl, mukhang may nakakalimutan ka!" ala sad face na sabi ni Emz sakin.
"??...a..ano?" nagmamaang maangang tanong ko sabay tingin sakanyang mukha.
" ay naku, nakalimutan nga!, hoy bruha, do you remember your promise yesterday?" ani nya , maghapon kasi kaming nagkausap ni Emelyn sa telepono kaya ayon kung ano ano na ang napag-usapan namin kahapon. Siya nga pala kung nagtataka kayo kung bakit nawawala ang kahinhinan sa katawan ni Emz ay dahil lang naman sa kausap nya ako. Nawawala ang kahinhinan nya pag kami lang. Pilya rin deep inside itong bestfriend ko!
"Ah?... Yun ba, ...wag na nun" pag -iwas na sagot ko sabay iwas ng tingin sa lola nyo.
"uy best naman eh".. Dugtong ko, eh nagwalk-out na kasi sya kaya ayun hahabulin ko.
" hangga't hindi mo sakin sinasabi kung sino kina De Leon at Guamos ang crush mo ay hindi kita kikibuin at hindi na rin kita sasabayan sa lunch" banta ni Emz sakin, haay naku...eh wala pa naman akong kakilala dito ng lubusan, sila lang ni Aeroll and ayoko ng mag-isang kumain sa canteen paglunch, kung si Aeroll kasi ang kasabay ko, tulad nung nanyari nung first day of school, naku ang awkward at siguradong mayayari ako nito sa mga estudyanteng babae na dead na dead sa gwapong si de Leon at kung tototohanin ni Emz ang banta nya, wala ng magtatanggol sakin laban sakanila.
Naku sariwa pa sa memory ko nung ipinagtanggol ako ni Emz sa mga maharot na estudyanteng crush si Aeroll. Nawala nun yung pagkamahinhin niya as in.
Sabagay bestfriends kami, at saka sinabi nya na rin yung crush nya sakin kahapon, eh napaka-unfair ko naman sakanya if hindi ko sakanya sasabihin."Emz sige na I will tell you na if sino!" pasigaw kong hayag sakanya, eh ang layo nya na kasi at hingal na ko sa pagtakbo nasa hagdan na kami papuntang third floor.
"Talaga?" lumingon agad siya at nakita ko na naman ang napakaamong mata nya na parang bituing nagniningning. Ginantihan ko naman siya ng smile sabay labas ng dimples ko.
"yeah" sagot ko
"sino?" agad na tanong niya at saka nagpuppy eyes.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinabi sakanya " si Aeroll po madam" Ngumiti siya nang sinabi ko na sakanya, as in ginuine smile.
"oh, satisfy ka na?" muling tanong ko sakanya." ah my god, eh pano si Alex sayang naman bagay sana kayo?" ginantihan niya ulit ako nang tanong
"eh hindi ko masukat ang ugali nun, at oo mas gwapo siya kay Aeroll pero si Aeroll ang masaya kasama at kausap Eh si Alex masungit talaga. kung baga mas open ang personality ni Aeroll kaysa kay Alex at saka pwedi ba wag mo na akong asarin dun sa supladong yun naaalala ko tuloy nung una kaming magkita at hindi kami bagay gets?" sagot ko sakanya sabay pout ng lips ko. Naikwento ko na kasi dito sa magaling kong bestfriend yung nagkabanggaan kami ng Alex na yun at pati nung isinauli nya sakin ang name plate ko.