cont. Alex P.O.V.
Ngayon, I can't believe that I am holding her soft hand, Ayaw kong bitiwan ito kasi hindi ko maipaliwanag kung anong satisfaction ang nararamdaman ko, at ang bilis ng kabog ng puso ko, ang sarap sa pakiramdam, ewan ko ba pero kahit masarap nga sa pakiramdam, para akong nahihirapang huminga, hanep! This is the first time I feel this feeling something unusual, something....
.
.
.
I do like??, god....! Hindi ito ang naramdaman ko the first time I saw her. It seems like, the feeling becomes worst,
.
. is it worst? or the best? Uggh....shit! I don't know.The only thing I know is we need to practice for this damn contemporary dance.
"where here now, sa lungga ko" I said to her at tumingala siya sa third floor ng bahay ko, hindi ako tumitingin sa kanya ng direkta, baka himatayin naman ako neto. Ba't kasi may something sa kanya na nakakapagpakaba sakin, ano to mamamatay tao? Eh sa ganda at hinhin neto mukhang hindi gagawa ng masama, maliban na lamang sa minsang pagsusungit niya which is sometimes makes me attracted to her.
"lungga pa pala to sakanya ?"pabulong na sabi nya, parang kinakausap nya ang sarili nya, haay, ang weird. Kala nya hindi ko naririnig ang pinagsasasabi nya.
"may sinabi ka?", tanong ko sakanya pero hindi pa rin ako tumitingin sakanya. Pinagpapawisan na tuloy ako.
"ah wala, sabi ko malaki bahay nyo" then she smiled like a dog. Pakunwari o papilit ika nga.
Pagkasabi nya nun ay hindi ko na sya kinibo pero, mukhang hindi na nya pinapansin ang kanang kamay nya, hawak ko pa kasi to' hindi ko pa binibitawan. Mukhang komportable na siya na hawak ko lang ang kamay nya.. So kung titingnan nakaholdimg hands kami. Ngumiti ako ng palihim.
"Halika na sa loob, ayaw mo pa bang pumasok sa luuunggaaa... mo?" Tanong nya sakin at pinagdiinan nya talaga ang salitang lungga, sabay hila sa kamay ko, this time sya na may hawak ng kaliwa kong kamay at ang kaliwa nyang kamay ay sum-sway kung saan saang direksyon, mukhang inaasar nya ako. Mukhang opposite sa ugali ko ang pinapakita nya, nakikabagay siya upang mang-asar.
Naglakad kami papasok ng bahay ko, bale nakaharap pa rin sya sa akin at nakatalikod sa dinaraan nya, mukhang sinasadya nyang ipakita sa'kin ang dimples nya kasi nakafull smile sya. Eh ako naman pinaigting ko na lang ang panga ko with emotionless face. Nagsusuplado mode pa din ako.
Nang makarating kami sa sala,
(plaaaak!!!)
nagulat kaming dalawa. Mukhang may nabasag!!. Tiningnan ko kung ano yun ngunit naunahan na ko ni Shan na pulutin yun. Nabasag nya kasi yung isa sa limang base na binili ng daddy mula Mongolia.
"Alex, pasensya na, hindi ko sinasadya" pagpaumanhin nya , nakatingala siya sakin, ako naman hindi ko alam kong ano sasabihin ko nanlaki ang mata ko nang makita ko sa kaliwa nyang kamay ang tila bumubulwak na dugo,shit talaga marami.
"God!.... Shanoelle what happened to your hand?" tarantang tanong ko at agad akong lumuhod at kinuha ang kamay nya na puno na ng dugo. Siya naman nagulat sa nakita ko, parang hindi nya namalayan o nararamdaman yung sugat.
"Manang!, ...manang,! First aid kit!!" pasigaw na tawag ko sa mga maids ko, habang nakahawak sa kaliwang kamay ni Shan para mapigilan ang paglabas ng dugo natataranta na ako lalo na pag nakakakita ako ng dugo. Pero siya tulala at parang walang pakiramdam sa nangyayari ang nakikita ko sa mukha nya. Nakatingin lang sya sakin. parang tingin ng isang batang inosente. Lalo syang gumaganda hanep nasugatan na nga ang cute nya pa!.
Dumating naman agad ang dalawa kong maids at ibinigay sakin ang first aid kit. Pagkatapos nun ay pinabalik ko na sila sa mga trabaho nila nais na sana nilang tumulong ngunit mas minabuti ko na ako na lamang ang umayos sa sugat nya.