Kohlfer's P.O.V."Tol' naman, ba't ginawa mo yun? All these years that had passed, ngayon ko lang nalaman na hiniwalayan mo ang napakagandang si Emelyn?" -si Aeroll na animo'y pinapagalitan ako. Nandito kami sa kabilang room. Dito kami pumunta ng bestfriend ko dahil magulo sa room namin.
" ..., hindi ko kinaya men. Masakit man sa loob ko pero I have to." pagpapaliwanag ko sakanya habang nakayuko. Ayaw ko mang makipagbreak sa first ever girlfriend ko but, hindi ko kaya na malayo kami sa isa't isa while in a relationship. Kailangan kong sundin si mama.
" alam mo, kahit hindi nasabi sa akin ni Emz na nasaktan sya, alam ko na ganon ang naramdaman nya, tol', nakasakit ka ng damdamin." saad uli ni Aeroll na inilapat ang kanang palad sa whiteboard pero nakaharap sya sa akin.
Sasagot pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil nakita ko si Emelyn kasama ng dalawang babae na nasa pinto, nakatayo sila dun. Sa tingin ko, kanina pa sila nandun, at sa tingin ko pa napakinggan na nila ang napag-usapan namin ni Aer. Tila napatulala ako sa nakita ko. Shit! Naloko na!
" Emelyn....." hindi ko namalayan na isinambit na pala ng mga labi ko ang pangalan nya, di ko ma-explain pero bigla akong kinabahan. Napatulala na ako! Hindi ko alam kung ano sasabihin ko,
Hanep...ang ganda nya pa rin!.. Mas gumanda pa nga sya.
Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla syang lumapit,
lumapit ng
lumapit hanggang sa....
" halika ka dito !" sambit nya at hinila nya ang kanang kamay ko at naglakad kami palabas ng room, nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko na nga nilingon si Aer. Nalagpasan na nga namin ang dalawa niyang kasama na hindi kumikibo. Bumaling na ako dito sa gf ko na ng mood ay parang papagalitan ako. Wait... gf ko pa ba sya? sana.....
Hindi ko namang maikakaila that I really like her face if she's angry.
Ang ganda nya... ngayon ko lang sya nakitang ganito kaganda... Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad kami, ni tumingin sa dadaanan namin ay di ko magawa, si Emz lang ang may alam kong saan ako nya dadalhin. Pero damang dama ko pa rin ang lambot ng kamay nya na ganun pa rin tulad nung grade 5 pa kami.
"Sandali" reklamo ko habang hila nya ako at naglalakad kami papuntang rooftop. Ngumingiti ako sakanya na parang nakikipagbiruan lang saka nagkamot ng ulo. Haha
" oh bakit? Magrereklamo kang sira ulo ka?" pagtataray nya sabay pagduro nya sa akin gamit ang hintuturo nya na halos dumikit na sa ilong ko at sabay kurot sa tiyan ko. "aray" daing ko.
Umirap sya saka humarap uli sa dadaanan namin
" ah wala.... Wala.." sambit ko naman habang umiiling at ngumingiting aso. Hindi ko kasi maipaliwanag ang inasal nya, tila naging amazona sya. Haha
_-_-_-_-__
Pagdating namin sa rooftop, nauna syang naglakad kaya nabitiwan nya na ang kamay ko, pumunta sya sa may dakong gilid kung saan makikita ang quadrangle at gate ng academy. Ako, naiwan malapit sa pinto. Dahan dahan akong naglakad papalapit sakanya pero mas minabuti kong huwag na lang ng masyado sa kanya.
Nakatalikod sya sa akin at medyo malayo kaya hindi ko na nakikita ang facial expression nya at di ko masukat kung ano tumatakbo sa isip nya.
Ilang sandali na nabalot ng katahimikan ang rooftop.
''Do you remember this place?" pagbasag nya sa katahimikan sa boses na malumanay, bigla naman akong nanghina sa pagtanong nya. Alam kong may malaking papel itong rooftop sa amin. Dito nya ako sinagot, dito ang tambayan namin nun. Ang rooftop na to' ang saksi sa relationship namin.