Chapter 12

85.4K 2.2K 267
                                    


Chapter 12
Stay

Tulala akong nakatingin ng diretso't alam kong namumula't namamaga na ang aking mga mata nang dahil sa kakaiyak.

Tumunog muli ang aking cellphone at nakita kong hindi na si Isaac ang tumatawag kundi si mommy sa akin.

"You won't answer your phone? It's not Isaac anymore." tanong sa akin ni Martin.

Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. "Malalaman lang niyang umiyak ako kapag sinagot ko 'yan." sabi ko dahil alam ko sa sarili kong hindi pa stable ang boses at emosyon ko.

Panigurado ding tinawagan ni Isaac sila mommy kaya ito tumatawag ng ganitong oras kahit na alam kong busy sa trabaho si mommy at this point of time.

"Are you sure?" paninigurado ni Martin.

"Yes." sabi ko't kinuha ang phone ko upang i-silent saka ibinulsa na.

Muli kaming binalot ng katahimikan ni Martin. I know that he's helping me trying to cool my bursting heart kaya sya tumatahimik kahit na alam kong marami syang gustong itanong patungkol sa mga nangyari kanina bago sya dumating.

"I want to go home now.." pagpapasya ko matapos ang ilang minutong pananahimik.

"Okay.. I'll take you home." sabi nya't mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Hindi kagaya ng pag-alis namin sa bahay na halos paliparin nya ang sasakyan, ngayon ay mabagal ang kanyang pagtakbo.

"Salamat, Martin." walang ganang sabi ko't lalabas na sana ng pigilan nya ako sa paglabas.

"Are you sure that you're going to be okay?" concerned nyang tanong sa akin. "Pwede naman kitang samahan buong araw ngayon. Or let's call your friends too para masaya ka." he suggested.

"Wag na." umiling ako. "May pasok sila't ayoko ng nakaabala sayo. Plus.. I need time for myself, Martin. Gusto ko munang makapag-isip-isip."

"Okay.." napabuntong hininga sya. "But please call or text me if you need anything okay?"

Bahagya naman akong ngumiti't tumango sa kanya.

"Salamat ulit. Mag-iingat ka." sabi ko't tuluyan ng lumabas ng kanyang sasakyan.

I just need some time to be alone and I'm thankful that he's giving me that. He's making it easy for me.

Pagkapasok ko ng bahay ay halos bumuwal ako ng biglang may yumakap sa akin ng mahigpit.

"God! Kala ko kung ano ng nangyari sayo.." nag-aalala nyang sabi.

Muli nanamang nagtubig ang aking mga mata. Wala na bang katapusan 'tong pag-iyak na 'to? Hanggang kailan ba ako masasaktan?

"B-Bitawan mo ako, Isaac.." nahihirapan kong sabi.

Umiling lang sya't mas hinigpitan nya ang kanyang yakap sa akin.

"No, I won't, El.. I won't let go of you.. I won't.." paulit-ulit nyang sabi. "Hindi ako papayag na mawala ka sakin.. I can't.. Hindi ko kakayanin."

Bumuhos na ang aking luha't hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya.

"Hindi nga pwede, Isaac.." umiiling kong sabi't buong pwersa ko syang tinutulak papalayo sa akin ngunit hindi sya natitinag. "Isaac, may girlfriend ka. Hindi ako martyr. Ayoko ng masaktan. Hindi ko na kayang makita kang masaya sa piling ng iba. Please, Isaac, let me go."

Unti-unti syang bumitaw sa akin at parang mas lalong gumuho ang mundo ko dahil alam kong talagang mas pinipili na nya si Rona.

"Kung ikaw ang kapalit ng pakikipagrelasyon ko kay Rona.. then you leave me no choice." mahinahon nyang sabi't inangat nya ang aking baba upang magpantay kami ng tingin at seryoso nya akong tinignan. "I'll break up with her. I'll break up with her and come back to you." sabi ni Isaac at mabilis na lumabas ng bahay.

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon