Chapter 33
Married"I can't believe that you're already going home..." malungkot na sabi ni mommy habang pinapanood ako sa pag-eempake ng mga gamit ko.
It has only been two years na nandito ako sa Canada and now, I'm already going back to Davao. I'm already coming home.
"Mom, I've stayed here for two years. I think you won't miss me that much anymore." sabi ko. "Plus, I want to personally handle everything that's why I need to go home and also the wedding..."
"Well, the wedding's fine and you can go back to Canada after that pero bakit ba naman kasi doon ka pa nagpatayo sa Davao? Pwede namang dito nalang din sa Canada." nagtatampong sabi niya.
"Alam niyo naman pong gusto ko na rin pong umuwi eh..." sabi ko. "And besides, matagal ko na po 'tong pangarap. Bata palang po ako, gusto ko na po 'to. Remember, mom?"
Napabuntong hininga naman si mommy at tumango-tango. "I remember." ngumiti siya. "I used to dream of having my own school too."
Last year, I started planning about building a school for elementary and high school students. Nagpatulong ako kila Kate at Mel na sila ang maghandle muna ng construction doon sa Davao dahil hindi ako makakuwi and they did a good job. Last week ay natapos na ang construction at ngayon ay inaayos na ang mga kagamitan sa loob ng school kaya uuwi na ako para makatulong. They've done a lot.
"And now our dream is finally coming true." nakangiti kong sabi at saka lumapit kay mommy. "We're finally going to have our own school."
"No, Lorraine." umiling si mommy. "Sa'yo lang 'yan. It's your hardwork and money."
"Pero mommy, sa'yo din galing halos lahat ng pera ko. Sa inyo ni daddy. Kaya share-share na tayo." natatawa kong sabi.
Napangiti naman si mommy at saka ako niyakap. "I will miss you so much." aniya. "Mag-iingat ka palagi doon ah?"
Tumango naman ako saka humilay sa yakap ni mommy upang itaas ang aking kanang kamay. "I promise that I will take care of myself." sabi ko. "Ang laki at tanda ko na kaya, 'mmy."
"Sabi ko nga... nasanay lang talaga ako na bine-baby ka." sabi niya. "Anyways, will Angelo go with you to the Philippines?"
"Yes, mom. Wala ng problema. Naka-ready na rin siya sa pag-alis namin bukas." nakangiting sagot ko.
"That's good then. Wala pala akong dapat ikabahala since kasama mo naman si Angelo." sabi ni mommy.
"Baka nga mas dapat kang mangamba dahil si Angelo ang kasama ng anak mo." biglang pagsingit ni daddy na kakapasok lang sa aking kwarto.
Napatawa naman ako sa sinabi ni daddy at saka humalik sa kaniyang pisngi bilang pagbati sa pagdating niya.
"Angelo will take care of your daughter. I'm pretty sure about that." kampanteng sabi ni mommy.
"Well, I don't. Nagdadalawang-isip ako." sabi ni daddy.
"Hay nako po..." inakbayan ko namang parehas ang aking magulang. "Matulog na po tayo lalo na po kung ihahatid niyo po ako sa airport bukas dahil maaga po ang flight ko." sabi ko nalang upang matigil sila sa nalalapit na bangayan.
"Okay, El. Goodnight, my princess." daddy kissed me on my forehead samantalang si mommy naman ay sa aking pisngi.
After I finished packing up things that I needed, I already went to sleep.
"Where's Angelo?" tanong ni mommy sa akin nang paalis na kami papuntang airport. "Hindi ba siya sasabay sa atin papunta sa airport?"
Umiling naman ako. "Hindi daw po, mommy." sagot ko. "He'll take a cab nalang daw po."
BINABASA MO ANG
Among The Stars
RomanceIsaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend his life with. Finding someone who can live out his standards. And then there's his bestfriend, Lorr...