Chapter 28
Home"I'm coming home."
Halos mabitawan ko ang aking cellphone at napabangon ako sa kama nang marinig ang binitawang salita ni mommy.
"You're kidding me right, mom?" tanong ko't bahagya pa akong natawa't umaasang nagbibiro lang si mommy.
"Did I sound like I'm joking?" seryosong tanong ni mommy.
Napayuko ako. "Nope."
"I already talked to your dad." sabi ni mommy. "Nakakuha na ako ng plane ticket. Naka-book na ang flight ko. Sa makalawa na ang alis ko papunta sa diyan. I'm expecting you to fetch me at the airport. Ibibigay ko sa'yo ang flight details ko."
"Mom, please.. you don't have to go home." sabi ko.
"I do, Lorraine and you can't stop me anymore." mariing sabi ni mommy. "Once I got home, I'll help you fix your applications para kasama na kita pagbalik dito."
"Mom.. I already told you.." naf-frustrate ko ng sabi. "I don't want to leave Davao. Dito lang po ako."
"We'll just talk about that pag-uwi ko. For now, I have to go. May kailangan pa akong ayusin. Bye." paalam ni mommy't mabilis na niyang pinatay ang tawag bago pa ako makapagsalita ulit.
Napabuntong hininga nalang ako't ibinaba ang cellphone ko saka hinarap ang dalawang babaeng paniguradong dahilan kung bakit nagdesisyon si mommy'ng umuwi dito sa Pilipinas.
Mabilis na tinulak ni Mel paharap si Kate upang maharangan siya at si Kate ang mapagbuntungan ko.
"Anong ang sinabi niyo kay mommy?" mahinahong tanong ko sa kanilang dalawa.
"We just told her the truth." simpleng sagot ni Kate.
I raised my eyebrow. The truth, huh? At ang katotohanang sinabi nila na 'yon kay mommy ay dahilan kung bakit gustong mapauwi ni mommy dito sa Pilipinas at isama na ako pabalik doon kasama nila ni daddy.
"Tell me exactly what you two told my mom." mariin kong sabi.
Huminga naman ng malalim si Kate bago nagsimulang magsalita. "Sinabi namin sa kaniya ang tungkol sa sinabi sa'yo ng daddy ni Isaac saka yung pagiging wasted mo after that."
"At pati na rin yung scene niyo ni Isaac sa elevator that made you miserable again." dagdag pa ni Mel.
Napapikit ako't hinilot ang aking sentido nang dahil sa mga sinasabi nila.
"Bakit kailangan niyo pang sabihin 'yon kay mommy?" naiinis kong tanong.
"Your mom told us na bantayan ka and to take care of you, Lorraine." sabi ni Kate. "Natural lang na sabihin namin sa mommy mo ang tungkol dun specially when it concerns you."
"I can take care of myself, Kate." sabi ko.
"If you can really take care of yourself then why are looking so helpless again?" inis niyang tanong. "Lorraine, you need us. You need your mom."
"I'm okay now, Kate. Okay na ako." giit ko.
"Oo. Okay ka na. Pero ano? Kapag nakita mo ulit siya, iiyak ka nanaman. Iinom ka nanaman." aniya. "Hindi pwedeng ganoon, Lorraine. That kind of cycle can't continue anymore. You have to be free from hurting because of that guy at sa ayaw mo man o sa gusto mo, you need to leave Davao. It's the best thing to do."
BINABASA MO ANG
Among The Stars
RomanceIsaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend his life with. Finding someone who can live out his standards. And then there's his bestfriend, Lorr...