Prologue
"El, c'mon! Let's play."
Hinagis nya sakin ang bola ng basketball at muntikan ko pang hindi masalo dahil masyadong malaki ang bola para sa kamay ko.
"Can't I just stand here and watch you play?" reklamo ko't hinagis pabalik sa kanya yung bola na walang hirap nya namang nasalo.
Umiling sya at ngumiti sa akin. "Of course, not." sagot nya saka lumapit sa akin. "You promised na sasamahan mo kong maglaro." dagdag nya pa.
"Sasamahan." ulit ko. "I'll just go with you and not play with you. Magkaiba yun." sabi ko saka umupo sa mga benches.
Huminga naman sya ng malalim at tumabi sa akin. "El, it's just a matter of common sense." seryoso nyang sabi. "Ganon na rin 'yon." pilit nya.
Nilingon ko naman sya at suminghap. "Shouldn't you be studying, right now?" tanong ko sa kanya upang maiba ang topic. "Sa Monday na ang second quaterly exams. I thought babawi ka kay Tita."
Ngumuso naman sya't pinaikot sa kamay nya ang bola. "Saturday palang naman eh." dahilan nya saka nilapag sa gilid nya ang bola. "And besides, I need to energize first bago ko magpakabore sa pagrereview kaya maglalaro muna tayo. Okay?"
Pumikit naman ako at wala na akong nagawa kundi ang tumango.
"Yes!" masaya nyang sabi't hinatak na nya ako patayo sa benches.
Tinuruan nya akong magdribble ng bola, magpasa at kung pano magshoot.
Mula nung simula ang magkamuwang ay lagi ng sya ang kasama ko. Magkaibigan kasi ang parents namin at magkapitbahay lang kami kaya close na close kaming dalawa. Magkaparehas pa kami ng birthday kaya lahat ng birthday celebrations namin ay magkasama kami with our family. Last two months nga ay seventh birthday namin na ang theme pa ay fairytale. Dapat daw kasi ay nagcecelebrate ng seventh birthday. Sya ang prince at ako naman ang princess.
"Naiintindihan mo na ba?" tanong ko sa kanya habang nakanguso sya't nakatitig lang sa ginagawa ko.
Simple lang naman 'to. Simpleng two-digit multiplication lang 'to. Buti nga't hindi na isinama sa coverage ang division dahil sa next quarter nalang daw 'yon.
"I can now fully understand." he stated saka inagaw sa akin ang papel na may mga sample problems. "Let me answer it."
Magaling naman sya sa mga memorization kaya alam kong kaya na nya yung mga ibang pag-aaralan. Sa Math lang naman sya sumasablay kaya hindi sya na-hohonor or talagang tamad lang syang mag-aral.
"Tapos na." simpleng sabi nya at kinuha ko naman sa kanya ang papel.
Tinignan ko ito at sinolve ko sa sarili ko upang makita ko kung tama ang mga sagot nya.
Napangiti ako nang makitang tama ang lahat ng mga sagot nya.
"Wow! For once, nakinig ka rin sakin--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong namumungay ang kanyang mga mata na para na syang maiiyak na kasabay naman ng pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.
Pumasok si Tita ng nakangiti't may dala-dala pang chocolate cake at juice upang pagkain namin habang nag-aaral.
"Tita, I think Isaac's sick." inosenteng pambungad ko pagpasok ni Tita.
Agad namang napawi ang ngiti ni Tita't agad nilapag ang hawak na tray saka lumapit at tinignan ang temperatura ni Isaac.
"Mainit sya." puna ni Tita. "Lorraine, can you me some meds? Nasa kusina. Paakyat ka na rin ng soup. Painit mo yung crab and corn soup. Pakisabi nalang kay Manang Perla bilisan kamo." nag-aalalang sabi ni Tita sa akin saka humarap kay Isaac. "Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?"
BINABASA MO ANG
Among The Stars
RomanceIsaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend his life with. Finding someone who can live out his standards. And then there's his bestfriend, Lorr...