Chapter 23
DesperatePinindot ko ng magkasunod na dalawang beses ang doorbell nila Isaac at huminga ng malalim saka tumayo ng maayos habang hinihintay na may magbukas ng kanilang pintuan.
It's Sunday today at alam kong nandito ngayon si Isaac. Kapag Sunday ay mag-gagabi pa sya pumupunta sa Bluejaz para i-check lang ang sales ng resort for the day. Isa pa'y ginawa kong rest day sa sarili ko ang araw ngayon para mapahinga man lang ang utak at isipan ko. Masyado na akong nasisiraan ng bait kaka-review.
I will dedicate this day for him. Gusto ko syang makasama ngayon.
Napabalik naman ako sa realidad nang bumukas ang pintuan nila't bumungad sa akin ang kanilang katulong.
"Nandyan ba ang Sir Cole mo?" tanong ko sa katulong nila. Mas kilala sya bilang Cole ng mga katulong nila dahil kapag Isaac ay baka akalain nilang si Tito ang hinahanap ko and besides, ako nalang ang nakakatawag kay Isaac nang pangalan nyang 'yan.
"Ay nako, Ma'am Lorraine, wala ho si Sir Cole dito." sagot naman nito. "May condo na po kasi sya't hindi na po sya dito umuuwi. Ang huling punta nya po dito ay nung naglipat po sya ng gamit. Pagkatapos po nun ay hindi ko na po sya umuwi ulit."
Bigla kong naalala ang nakita ko nung isang gabi. Ang akala ko'y namalik mata lang ako. Maybe it's really Isaac.
So, he bought a condo unit.. Pero hindi nya man lang nasabi sa akin.
"Alam mo ba kung ano ang unit nya?" tanong ko.
"Pasensya po, Ma'am. Hindi ko na po alam 'yon eh." sagot nya naman.
"Okay.." nagbuntong hininga ako. "Ako na ang bahala. Salamat nalang."
"Sige po, Ma'am." tumango sya sa akin at tipid ko syang nginitian saka tumalikod upang makabalik na sa bahay namin.
Nang makauwi ako'y kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko't handa na akong pumunta sa Bluejaz ngayon upang makita sya't makausap. Napakarami kong gustong itanong sa kanya.
Mabilis lang ang biyahe ko papuntang Bluejaz dahil maaga pa naman at wala pang gaanong mga sasakyan sa kalsada.
"Ma'am Lorraine! Good morning po!" todo ngiting bati sa akin ni Kris nang makita ako sa entrance ng resort.
"Kris, nasaan ang Sir Cole mo?" agaran kong tanong sa kanya.
"Uhm.. hindi ko po alam eh. Check nyo nalang po sa office nya. Kung wala naman po sya doon, baka po nasa shore. Or kung wala pa rin po, tawagan nyo nalang po." sagot nya sa akin.
Bahagya naman akong napatawa. "Salamat, Kris." pagpapasalamat ko sa kanya.
Sinunod ko ang sinabi ni Kris at dumiretso ako sa office ni Isaac ngunit wala sya doon. Tatalikod na sana ako't isasara na ang office nya nang mapukaw ng atensyon ko ang bakanteng space kung saan nakalagay ang litrato naming dalawa na naka-frame.
Why did he remove it? Saan nya naman nilipat or nilagay?
Napabuntong hininga naman ako't sinarado na ang office nya tsaka tumungo sa seashore.
Napatigil ako nang makita ko syang may katabing babaeng nakatingin sa kanya habang nakatingin sya sa kawalan at nagsasalita.
I can't deny that girl's really pretty, or should I say.. beautiful.
Parang pira-pirasong pinupunit ang puso ko nang makita ko syang nilingon din ang babae saka binigyan ng ngiting madalas nyang ipinapakita sa akin. Kitang-kita ko sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mga mata ang saya habang kaharap at kausap ang babaeng 'yon.
BINABASA MO ANG
Among The Stars
Roman d'amourIsaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend his life with. Finding someone who can live out his standards. And then there's his bestfriend, Lorr...