Chapter 10

97.5K 2.7K 293
                                    


Chapter 10
In Front

"Kuya Marts, I'm going to go home now. Are you coming with me or..."

Nilingon ko silang dalawang magpinsan na nag-uusap at nakita kong tumingin sa akin si Rona't bahagya akong nginuso bago muling bumaling kay Martin.

"I'll stay here for a while." sagot ni Martin. "Your driver's with you right?" tanong nito.

"Yes, Kuya." simpleng sagot ni Rona.

"Okay. Now go home and please take care." sabi ni Martin at hinalikan sa noo si Rona na nagpangiti sa akin.

Siguro'y kung kapatid ko itong si Martin ay sobrang maalaga't sweet sya dahil kahit pinsan nya lang si Rona ay kitang-kita ko kung paano nya ito alagaan.

Lumapit naman si Rona kay Isaac at ngumiti bago ito hinalikan sa pisngi habang natutulog.

Napalunok nalang ako upang hindi maramdaman ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nakita ko.

"Goodnight. Gumaling ka agad okay?" nakangiting sabi nya kay Isaac kahit na alam nyang hindi naman sya nito naririnig dahil napakahimbing na ng tulog ni Isaac. "I love you so much.."

Kinagat ko ang aking ibabang labi't ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Rona para kay Isaac nang dahil sa kung paano nya bigkasin ang mga salitang iyon.

Lumingon naman ito sa akin kaya napaayos ako ng upo.

She smiled. "I'll go now. I still have classes tomorrow. I'll try to go back ng hapon." paalam nya.

"Sasabihin ko nalang kay Isaac." ngiti ko sa kanya. "Take care."

Muli syang ngumiti sa akin at tinanguan nya si Martin bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ni Isaac.

"Ang sweet mo namang pinsan." nakangiting sabi ko kay Martin na may bahagyang tono ng pang-iinis.

"She's the only girl in our family." aniya. "Lahat kami'y lalaki except from our mothers. Nung pinanganak sya'y halos magdiwang ang buong angkan namin dahil sa wakas ay may naisilang ng babae sa pamilya namin. She's the only girl of our clan and the only child of my Tito and Tita kaya protektadong-protektado sya." he explained.

"Kaya pala may mga body guards rin sya minsan.." sabi ko't bahagyang tumango-tango.

Nung nakita ko sya'y hindi ko naman pinapansin ang mga lalaking madalas na nakapalibot sa kanya pero ngayon ay napagtanto ko ng mga body guards nya iyon.

"Of course. It's for her safety being the only daughter of our city's mayor." ngisi ni Martin. "We wont let anyone hurt our little girl. Every suspicious move na gawin ng taong nakapaligid sa kanya ay kailangang ilayo."

Napatingin naman sya kay Isaac.

"I'm scared for Cole." he stated.

Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi't bahagyang nakaramdam ng kaba.

"B-Bakit naman?" nangangambang tanong ko.

"Well, if he broke our little girl's heart.. baka maipatapon pa sya sa labas ng Davao." natatawang sabi ni Martin.

"At natatawa ka pa?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Nagawan ko nanaman na kasi ng paraan 'yan kaya hindi ka dapat matakot para kay Cole." sabi nya sa akin at ngumisi. "I already adviced Rona na wag magpapakilala ng lalaki sa pamilya hangga't hindi pa sila tumatagal ng one year dahil alam nya ang magiging resulta kung saktan man sya ng lalaking mamahalin nya. Natakot din sya sa ideyang 'yon kaya pumayag sya sa kagustuhan ko."

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon