Chapter 17
Going Home
"Look who's already here."
Napalingon ako sa biglang nagsalita't napatigil kami sa paglalakad ni Martin palabas ng school dahil kakatapos ko lang makapag-enroll.
"At hindi man lang nya tayo ni-inform na nakauwi na sya."
Bahagya naman akong napatawa sa pagd-drama ni Mel at Kate kaya naman mabilis akong lumapit upang yakapin silang dalawa.
"So, kung hindi ka namin nakita dito sa school, hindi namin malalaman na nakauwi ka na?" nagtatampong sabi ni Mel.
"And you're with this guy.. again." pabulong na dagdag ni Kate. "Talaga bang wala na kayong pag-asa ni Cole?"
"Huwag nga kayong maingay.." sabi ko't bahagyang nilingon si Martin na ngayo'y nakatingin sa phone nya. "He's just my friend."
"Cole is your friend too, Lorraine. Just reminding you." at kinindatan ako ni Kate.
"Hay.. Ewan ko sa inyong dalawa. Lagi nyo nalang ginugulo ang isipan ko." sabi ko.
"Because we are an effective adviser kaya ganon." sabay kindat ni Mel.
Napailing nalang ako. "I'll text you two tomorrow. Mag-enroll muna kayo. Saka tayo mag-usap-usap. Let's have sleepover sa bahay, may pasalubong ako sa inyo't may pinapabigay din si mommy."
Mabilis namang ngumiti ang dalawa't halatang nawala na ang pagd-drama nilang dalawa.
"We'll be waiting then." sabi ni Kate. "Maiwan muna namin kayo ni Martin. Bye."
Bumeso sa akin ang dalawa at ngitian nila si Martin bago sila tumungo sa registrar upang asikasuhin ang enrollment nila.
"Gusto mo bang gumala muna tayo?" tanong sa akin ni Martin nang makalabas na kami ng school.
Nagreply ako kanina kay Isaac na sinamahan lang ako ni Martin na mag-enroll at uuwi rin ako pero mag sinasabi ang utak ko na kailangan kong gawin bago tuluyang umuwi sa bahay.
"Hmm.. may gusto akong puntahan pero hindi sa galaan." sabi ko.
Kumunot naman ang noo ni Martin. "Saan tayo kung ganon?" nagtataka nyang tanong.
"Gusto kong makausap si Rona.." nag-aalangan kong sabi. "Pwede ba akong pumunta kung nasaan man sya?"
"Do you really want to talk to her badly?" paninigurado ni Martin sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot.
Ang daming tumatakbo sa isipan ko na dapat nang masagot bago ko tuluyang pakawalan ang sarili ko sa mga katanungan kung saan ako nakakulong.
"Okay.." hinga ni Martin. "I'll call her.. Itatanong ko kung nasaan sya ngayon. Wait a minute."
Lumayo muna sa akin si Martin at pinanood ko syang ilapat sa kanyang tenga ang cellphone nya nang maramdaman kong nagvibrate naman ang sa akin.
Nakita kong nagreply na si Isaac. Ngayon palang sya nagreply, magmula ng magreply ako sa kanya kanina noong papunta palang kami sa school ni Martin.
From: Isaac
I'll wait for you then. Go home early.
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang binabasa ang mensahe sa akin ni Isaac.
Magtitipa na sana ako ng reply sa kanya nang tawagin ako ni Martin at nilagay ko sa aking bag ang cellphone ko upang harapin sya.
"Lorraine, let's go." pagtawag sa akin ni Martin. "Pupunta daw si Rona sa bahay namin. Inaayos daw ang bahay nila para sa event bukas ng gabi kaya magulo daw doon. Doon nalang daw tayo sa amin magkita-kita."
BINABASA MO ANG
Among The Stars
RomanceIsaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend his life with. Finding someone who can live out his standards. And then there's his bestfriend, Lorr...
