Chapter 20
Gift"Smile.."
Ngumiti ako para sa picture naming dalawa ni Isaac ngunit ang ngiti ko'y napalitan nang pagkagulat ng halikan nya ako sa pisngi kasabay nang pagtunog ng shutter ng camera.
"Perfect." nakangiting komento nya habang hinihintay na ma-develop ang film ng picture namin.
"Nakanakaw ka nanaman ah." sabi ko sa kanya. "Sabi ko no relationship, no kiss."
"At sabi ko rin may relationship tayo. We're friends. Ibig sabihin non may relasyon tayo." pagpilit nya sa kanyang ideya ng salitang relationship.
"Ibang relasyon naman 'yang iniisip mo Isaac." sabi ko. "Ang ibig kong sabihin ay hindi pa tayo kaya hindi pa pwede. Hindi pa kita sinasagot."
"At bakit nga ba ang tagal mo akong sagutin? G-Graduate na tayo next week pero hindi mo pa rin ako sinasagot." nagtatampo nyang sabi. "Hindi mo na ba ako mahal?"
Kumunot ang noo ko sa kanyang pagd-drama saka tinampal ng bahagya ang kanyang nguso.
"Para kang tanga, Isaac. Bahala ka na nga dyan." sabi ko't tinalikuran sya upang makapunta na sa dagat. Gusto ko ng magswimming.
Magmula ng dumating kami dito ay puro picture ang pinag-aatupag naming dalawa. Kala mo naman ay ngayon lang napunta dito sa resort nila. Nagsasawa na nga ako dito eh.
Hindi pa ako nakakalayo ay napagsalikop na ni Isaac ang aming kamay at hinatak na nya ako papunta sa dagat.
"Isaac!" sigaw ko sa kanya dahil halos masubsob na ako sa sobrang bilis nyang tumakbo at hatak-hatak nya pa ako.
Tumawa lang sya sa akin at binitawan ang kamay ko saka humarap sa akin at muli akong pinicture-an.
"Ang ganda mo talaga." komento nya pagkatapos nya akong kuhanan ng litrato.
"May balak ka bang maging photographer? Mukhang mali ata ang nakuha mong course." ngisi ko sa kanya saka umupo sa buhangin.
"Well.. this is my new hobby." sabi nya't umupo sa tabi ko.
"Taking pictures?" lingon ko sa kanya.
"Taking pictures of you... of us." seryosong sabi niya sa akin.
Nilingon nya ang dagat at sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"I want to take pictures of everything that we will do." aniya. "Yung para bang lahat ng adventures at memories natin i-cocompile ko tapos sa future, kapag kasal na tayo't may mga anak, ipapakita natin sa mga magiging anak natin kung gaano tayo kasaya. Gusto kong makita nila kung paano magmahalan ang mommy't daddy nila."
Hindi ko alam kung bakit ako nagiging emotional sa kanyang sinasabi.
I can feel his sincerity. I admire how he plans for his future.. for our future.
"Naayos nyo na ba ang lahat? Sana hindi epic fail. God!" natataranta kong sabi habang pinapaypayan ang aking sarili.
Ngayon ang graduation namin at two hours pa bago magsimula ang ceremony kaya inaayos namin ang gagawin kong surprise mamaya kay Isaac after the graduation.
"Alam mo, Lorraine, nasisira ang beauty ko sa'yo." iritang sabi ni Mel. "Graduation day natin, dapat fresh pero nang dahil dito nai-stress ako."
"Ako rin." Kate second the motion. "Nasaan na ba si Papa Martin para ma-reenergize naman ako kahit papaano?" paghahanap nya kay Martin.
Kasama namin ngayon si Martin sa pag-aayos. Nangako syang tutulungan nya ako sa araw na 'to at totoo si Martin sa mga salitang binibitawan nya.
"Pinakuha ko sa kanya yung sound system para mamaya." sagot ko kay Kate.
![](https://img.wattpad.com/cover/37544427-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Among The Stars
Storie d'amoreIsaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend his life with. Finding someone who can live out his standards. And then there's his bestfriend, Lorr...