I - Kathy

114 6 2
                                    

Gusto ko 'tong idedicate kay pandabeaar. :) lagi kasi siyang andyan eh. Kahit kelan lang kami nagkakilala. XD =)) so as thank you. :* at sorry kasi alam mo na! HAHAH. ♡

Okay, gora na ako. Please tell me what you think of this ha? :)

~xx~

I am a pianist.

Kung gusto mo ng perpektong musika, dapat matsaga ka. Kailangan mo magpractice ng magpractice. Nung una hirap na hirap ako, buong araw nandun lang ako sa harap ng piano. May times noon na sumusuko na ako, pero biglang papasok sa isip ko 'nasimulan ko na, dapat kong tapusin'. Kahit tinatamad na ako at pagod na, pilit kong tapusin siya dahil ayaw kong may hindi tatapusin. Pero NOON nga lang 'yon. After mamatay ng mga magulang namin ay hindi na ako muling tumugtog pa.

Lagi akong pumupunta sa mga piano bars, minsan sinasama ko kapatid ko. Kahit mejo masakit pa sakin ang marinig ang musika ng piano, hindi ko mapigilan ang sarili ko na pumunta palagi. Madalas kaming pumunta sa  Panda Cafe. Lagi kong pinapanuod ung pianist na tumutugtog, tinitignan ko ung emotions nila kapag tumutugtog. Minsan, may nakikita akong mga pianist na umiiyak na. Siguro dahil masyadong nadala sa kanta. Ganoon kasi kaming mga pianist, dinadama namin ung kanta para maging maganda ang ikalabas.

Habang hinahanap ko ung video na kailangan ko para sa project namin, biglang nagpop-out ung weebly ko. Dalawa lang naman post ko dito dahil sa katamaran ko noon. Ung nagblog ako dito ay 15 pa ako noon, nung na-comatose ang mga magulang namin. Ewan ko, pero kahit alam kong malulungkot lang ako kapag babasahin ko 'to, bigla nalang akong nagsimulang magbasa.

Sept20. Friday. Speechless.

Kakauwi lang namin ni Cindy galing ospital. Binisita namin sila mommy't daddy, na-comatose kasi sila. Pauwi sila kaninang hapon galing Canada, inaayos kasi nila ung kompanyang kakapatayo palang nila, nang biglang nabangga ung taxi nilang sinasakyan ng isang truck. Hindi ko masabi kung sinadya ba 'yon o ano. Dahil nang matagpuan nila sina mommy, wala na ung driver ng truck. Nakakaawa rin ung taxi driver, pati siya nadamay pa.

Wala akong ganang kumain ng dinner. Wala sina mommy. Ewan ko ba, pero pagkapasok ng kotse sa gate parang nawala ung aura ng bahay na masigla. Tahimik lang kami pumasok ni Cindy sa mansion. Nakakapanibago, noon masigla kaming binabati ng maids, ngayon parang lahat kami binagsakan ng langit at lupa.

Kanina pa ako nakakulong sa kwarto kong 'to. At kanina pa ako nakatengga. Hay, bye na nga.

Blog 'til then.

Pinunasan ko na ung mga luha ko at nagbasa pa uli.

Oct25. Saturday. Pianist.

Nandito ako ngayon sa Panda Cafe. Ewan ko ba kung bakit ako nagboblog dito ngayon. First time kong pumunta sa isang piano bar, nakuha kasi ng pangalan ng cafe ung atensyon ko eh. Panda, pft- namention ko bang mahilig ako sa pandas? Hehe. Dito sa Panda Cafe may pastries, at mga alak. At hindi 'to tulad ng bang na madidilim at may mga wild na taong sumasayaw-sayaw na parang ewan.

Nagorder ako ng cheesecake kanina pero hindi ko parin nagagalaw. Kapag magoorder pala dito, kailangan magrequest ng kanta na tutugtugin ng pianist at ikaw ang kakanta, pang-last daw ung akin. Wala pa ung pianist na pang-gabi, ontogol nomon non. Pa-importante masyado. Kapag talaga hindi maayos ung pagkatugtog niya sa kanta, eh ipapasintante ko. HAHAH joke lang.

*Flashback*

"Good evening to all of you, I'm sorry I am late. So, who requested the first song?" Sabi ng emcee at biglang sulpot ng pianist, lalaki ung pianist. May nagtaas ng kamay at tumayo. Babae siya at mukhang tipsy na. Nagpalakpakan ung audience at nagsimulang tumugtog ung lalaki. When I Was Your Man. Wow, ate? Hindi naman po masyado obvious na sawi ka. Pero infairness magaling ung guy, nakikita ko na feel niya ung kanta, nararamadaman ko rin...

Vows / KathNiel /Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon