CHAPTER 1:

231 12 1
                                    

CHAPTER 1:

GEORGE'S POV

"Ate wag nyo pong papaupahan yung kwarto ko, babalik din po ako dyan" sabi ko dun sa may ari nitong apartment Pero parang di naman to apartment ang ganda eh

"Kailan ba ang balik mo?"

"Hindi ko ho alam, dorm na po kasi yung titiran ko dun sa school" magalang naman ako kahit ganito ako.

"Osige sige, mag-aral ng mabuti at wag muna mag-aasawa" i just nod.

Kundi lang matanda to baka napagkamalan kong ....nevermind

**************

"Manong pwede nyo bang ipasok sa loob" tanong ko sa driver nitong taxi. Nandito na ako sa hmmmm TERREN UNIVERSITY. Malaki sya compare sa mga past school ko

"Nako ineng, hindi pwede, mahigpit ang security dyan" huh?

"Pano nyo naman nalaman?" Dyan din kaya sya nag-aral?

"Yan ang pinaka sikat na paaralan, ineng mga mayayaman lang na tao ang nakakpasok dyan" tas tiningnan nya ako or sinipat-sipat.

Para namang magnanakaw ako sa tingin nya sakin

Teka..pinakasikat? Ba't di ko alam?

Bumaba na ako ng taxi, di man lang ako tinulungan...tss -_- Kaya hindi naunlad eh

Pinagmasdan ko yung gate nitong T.U. hindi na siguro to mapapasukan ng mga magnanakaw sa taas.

Bumukas na yung gate kaya pumasok na ako

Hinitak ko na yung maleta papasok. Isang bag lang na malaki, maleta saka bagpack yung dala ko. Pwede naman siguro umuwi kapag walang pasok.

Pagpasok ko palang tumungin sila saakin na.....parang hindi makapaniwala, problema ng mga to?

I check my whole body. And there's nothing wrong.

Ahhhhmmm naka loose t-shirt lang ako saka pants tas naka ponytail plus balanggot. Yung tipong yung shirt eh hanggang tuhod. Mukha tuloy akong tomboy o manang? Pwede din namang both

Actually, hindi naman talaga ako ganito manamit. Eh sa pagmamadali ko eto na lang napili ko. Para na rin siguro hindi nila ako lapitan kasi nga di'ba? Puro mayayaman ang nandito.

Binaba ko yung balanggot ko hanggang mukha para hindi nila makita.

"Aww shit" bulong ko nang may maapakan akong, pendant ba to?

Yari sya sa bato na may nakapalibot na diamond sa gilid, it looks like infinity but there is a two wings. Kaya di mo mahahalata na infinity ang pendant.

Ang sakit tuloy ng paa ko dahil may tulis pa. Sirain ko kaya to? Sinaktan ako eh. Pero wag na mukhang ang mahal pa naman. Itatabi ko muna, baka may nagmamay-ari.

"San ba dito yun?" Bulong ko habang tumitingin sa paligid. Di ko alam kung san yung office ng dean nitong school.

"Sya! Her! Her! I think sya yun!" napatingin ako sa kanan ko dahil sa nagsalita.

May mga grupo ng mga lalaki at saka isang babae. Habang naka turo saakin?

Medyo cold yung aura nung babae habang nakatingin saakin. Inaaninag niya yung mukha ko pero di nya makita.

"Sira ulo ka ba?! Hindi nga natin kilala yan!" Sabi nung blonde, well lahat naman ata silang lalaki blonde pero yung nag salita may highlights na brown

"Exactly! Since hindi nya (pertaining to someone) kilala or kahit tayo, hindi natin alam ang personality nya kaya it's--" naputol yung pagsasalita nung maliit na maputi

MARRYING THE BADBOY GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon