CHAPTER 7:

98 11 1
                                    

CHAPTER 7:

GEORGE'S POV

Papunta na ako sa room ko kasabay yung dalawa.

"Whoaa, Mandy sino yang kasama nyo?" Tanong ni Jack. Buti nalang tanda ko pa pangalan nila.

"Hahaha, She's George, don't you remember?" tumatawang sagot nya kay jack.

"S-seryoso?" Hindi nya makapaniwalang saad pati sila coldie? Ah right... nagbigay sila ng Weh-totoo?-look.

Pshh.

"You're beautiful" Nakangiting saad ni Coldie saakin, I don't know pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Shit.

"Coldie y-you're smiling" Tinaasan lang naman sya ng kilay ni coldie.

"Shut up!" Mataray na sabi nya.

Umupo na ako sa dulo katabi ng lalaking nakaub-ob sa desk nya.

"Good Morning Class!" Masaiglang sabi nung lalaking prof. sa Math na walang ginawa kundi ang magpasagot kahit hindi pa nya naidi-discuss. Lakas ng Trip no?

Humarap ako sa bintana ng room. Ang ganda ng view halos nasa itaas ka na at kitang kita mo ang Ibang buildings ng Terren University.

"Miss Felize answer my question" Gusto ko lumabas ng school para Makalibot, masyadong boring kapag walang pinuluntahan.

"Miss Felize!" I have a plan para makatakas dito.

"MISS FELIZE!" Napatingin ako sa Prof na nakatingin saakin. Problema nito?

"Answer my question" Sabi na eh, magpapasagot nanaman.

tinaasan ko lang sya ng isang kilay as a sign of 'what'.

Nagbigay sya ng equation saakin note lang ah Salita lang hindi nya sinulat.

"Zero" Sagot ko habang nakaupo at binaling ulit ang tingin sa bintana. Panira! Nag sesenti ako dito eh.

"Brainy, Miss Felize" natatawa nyang sabi, kahit hindi ako nakatingin halatang halata sakanya, tsss.

"Tss, Idiot" Rinig kong salita ng katabi ko, hindi ko na sya pinag aksayahan ng energy para lang lingunin.

"Goodbye Class" Tumayo na ako para lumabas ng may pumigil saakin. Lakas ng loob!

"Sabay ka na samin" aya nila Lance saakin.

"Sige na miss gorgeous" Bigla akong may naalala sa sinabi ni Ivan.

gorgeous

"No thanks" Aalis na ako ng may humawak sa kamay ko. Mga Pakers!

"Bumitaw ka nga! Ano ba?!" Sigaw ko ng kaladkarin ako nitong si Manyakis, sya pala yung katabi ko kaya nakakabuwisit!

"Tss, Hardheaded" cold na sabi nya. mukhang lagi na syang seryoso hindi ngumingiti. Well mukha namang lagi na syang ganon.

Ginamit ko yung lakas ko para hitakin yung kamay ko pero nahawakan naman nya yung isa plus tumama pa yung kamay ko sa bakal na nadaanan namin sa lakas ng force nung mahitak ko.

Aww, Shet naman oh! Ang malas malas!

Nakarating kami sa Cafeteria, guess what? Attention nanaman, bakit ba ayaw akong layuan.

"From now on stay at my side" para akong nabingi sa narinig ko.

"Stay at my side? Baka naman gusto mong kumapal lalo yang mukha mo dahil ibabangag ko sa mukha mo tong tray 3 times a day" Sarkastikong sabi ko habang hawak yung tray na inabot nya saakin para makakuha ng pagkain.

"A-ah H-hindi ka man ba k-kikiligin?" Pinagloloko ba ako ng ga*ong to'

"Why would I? hindi nakakakilig, nakakabuwisit!" Iniwan ko sya para umalis pero nakasunod nanaman sya saakin.

"Pwede ba? Lumayas ka" Walang emosyon na sabi ko sakanya. Nag smirk naman sya saakin.

Ang dami tuloy nakatingin saakin, malamang dahil kasama ko yung manyakis na iniidolo nila.

"Aalis lang ako kapag ngumiti ka" napatigil ako sa paglalakd sa sinabi nya.

Ngiti?

Swerte nya

"Hell no" cold na sabi ko.

"Damn, How can I made you smile?" Inis na sabi nya. Yun lang ba habol nya? tss.

"How? Mag suicide ka" seryosong sabi ko. nagtaka naman sya sa sinabi ko dahil kumunot yung noo nya.

"You wish" Cold na sabi nya at nag lakad paalis. Pero lumingon nanaman sya ulit na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko

"If i die, Wala na ang future mo"

"Tss. Aroganteng manyak!" Bulong ko.

"Oh? San ka galing?" Bungad ni Mandy saakin sa dorm.

"N.O.Y.B" Walang ganang sagot ko, psh.

"Huh?!" kunot-noo na tanong nya

Ohh wait. Yung plano ko.

"T-teka, kakarating mo lang aalis ka nanaman?San ka pupunta?" Tanong ni Jane.

"Lalabas ng academy?" Napatayo naman silang dalawa mula sa pagkaka-upo.

"Sama kami" excited nilang sabi.

"Sure" Maikling sabi ko.

"Tara na" aya nila matapos mag-ayos.

"Eh pano tayo makakalabas?" nag-aalangang tanong ni Mandy.

"Tss. Sumunod na lang kayo" Nandito kami ngayon sa likod ng Parking lot. dito kasi palabas ng T.U

Nagdaan kami sa mga likod ng kotse para walang makakita saamin papunta sa Gilid ng Gate. Ang taas naman ng Gate. No choice kailangan namin mag-over.

"S-seryoso ba?" Kinakabahang tanong ni Jane. Hindi na kataka-taka. Nerd nga naman.

"Make it fast" May papuntang guard dito sa gawi namin at finally Naka-aalis na kami sa loob ng academy pero hindi lang yun. May mahabang path pa kaya nagsimula na kaming tumakbo ng may humarang saamin ng makarating kami sa Isang kanto.

MARRYING THE BADBOY GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon