Chapter 3

7 0 0
                                    


Steffi's POV

"Gusto kong makita ang kuya ko."

Ayan ang huli niyang sinabi bago niya ako iwan sa kwarto niya. Sa katunayan, malakas parin naman siya kahit papaano pero I know deep inside him, he's hurting and falling apart due to his sickness. Oo, may malubha siyang sakit at tatlong taon na siyang nakikipaglaban dito.

Matagal na kaming magkakilala. We've been friends since we moved in this place. He was my first friend kasi walang lumalapit sa akin. Pero hindi mahalaga kay Brix kung ano man ako. I am now 19 at five years na kaming magkakilala. Three years ago, nung nasa school kami, bigla nalang siyang nahimatay sa PE class namin. Lahat kami ay sobrang nag-aalala sa kanya. Idinala kaagad namin siya sa ospital at doon ko napag-alaman ang sakit niya. Simula noon, tutok na tutok na ang mga magulang niya sa kanya. Yung kuya niya, pinatigil muna sa pag-aaral ng kolehiyo para sa pagpapagamot niya. Pero sa hindi inaasahan, naglayas ang kuya niya at hindi namin alam kung nasaan. Hindi na inabot ni Brix nag 3rd year college dahil madalas na siyang dinadala sa ospital. Tumutulong din ang pamilya ko sa pagpapagamot sa kanya dahil mahalaga siya sa akin. At dahil hindi lang bilang isang bestfriend ang turing ko sa kanya, dahil sa totoo lang, mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya.

Hindi ko na hinintay pa ang pagbabalik ni Brix sa kwarto niya. Umalis na ako sa bahay nila at pumunta sa simbahan para ipagdasal siya at ang pamilya niya. Nagsulat nalang ako ng note na umalis na ako.

"Brian, halika na. Kailangan na nating bumalik baka pagalitan tayo ni boss."

Paglingon ko sa tabi ko, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si kuya Brian, ang kuya ni Brix.

Mabait talaga ang Diyos dahil nasagot niya kaagad ang panalangin ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinundan sila.

Sinundan ko sila sa pupuntahan nila. Nag-aantay sila ng bus sa bus stop kaya naman pumunta din ako doon. Hindi ko pwedeng iwala ang tingin ko sa kanila dahil baka first and last chance ko na ito. Dumating na ang bus at bumiyahe ng dalawang oras. Pagkatapos, naglakad sila at nakarating kami sa isang restaurant. Nakita kong pinagalitan siya ng isang babai pati yung kasama niya at pagkatapos ay umalis na sila.

"Good morning po ma'am,may I take your order?"

"Ah, hehe. Pwede po bang magtanong kuya waiter?"

"I'm sorry po pero working time ko po ngayon eh."

"Emergency lang po, please?"

"Ahm, ano po ba iyon ma'am? Naktingin po yung boss ko eh."

"Kuya, kuha ka nalang ng props mo, ayan oh, yang paper kunwari."

"Yes ma'am, may I take your order?"

"Meron po bang nagtatrabaho na Brian James Jimenez dito?"

"Yes ma'am."

"Talaga po?"

"Opo, kapapasok nga po niya eh at pinagalitan ng boss namin."

"Anong oras po ang shift niya?"

"Part-time lang po siya dito dahil nag-aaral pa siya. Ngayon po, 10am-2pm ang work niya."

"Thank you po. Pwede po bang papuntahin niyo sa dito?"

"I don't think so ma'am. Kung gusto niyo po siyang makausap, antayin niyo nalang po hanggang sa matapos ang shift niya."

I looked at my watch and it was already 10:19 am.

"Okay, salamat po."

"Would you like something then?"

"Hmm, gusto ko po ng stuffed chicken with gravy and iced tea, and for dessert, vanilla mint ice cream with chocolate syrup."

"Okay ma'am, thank you."

Mabuti naman at kahit papaano, matutupad ko ang nag unang wish ni Brix, ang makita ang kuya niya. Nag-antay ako hanggang 2 pm at sa wakas nakita ko din siya.

Agad-agad na akong umalis at sinundan siya.

"Kuya Brian!"

"Steffi?"

"Buti naman at nakita na kita kuya Brian."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nandito ako para kausapin ka kuya."

"Tungkol na naman ba sa kapatid ko? Alam mo bang nang dahil sa kanya nasira ang mga pangarap ko? Nang dahil sa kanya, hindi na ako nakapag-aral?"

"Kuya, wala ka na ba talagang balak na magpakita sa kanya? Sa pamilya mo?"

"Wala na, kaya umalis ka na. mas maganda nang nag-iisa ako para matupad ko ang mga pangarap ko."

"Kuya, ang tagal mo ring nawala. Tingin mo ba, hindi ka hinanap ng pamilya mo, ni Brix?"

"Wala akong pakialam, sira na ang buhay ko Steffi. Dapat nga graduate na ako pero kailangan ko pang pag-aralin ang sarili ko para lang makatapos! Yung mga batchmates ko, ayun, mga propesyonal na at ako, napag-iwanan na nila. Nakakahiya nga dahil kapag may mga get together kami, nawawala ako sa eksena dahil hindi ko na kayang makipagsabayan sa kanila!"

"Kuya, hindi ka naman pinabayaan ng pamilya mo. Pinahinto ka nila dahil kailangan nila ng pangpagamot sa kapatid mo, pero muli ka rin naman nilang pag-aaralin eh. Hindi mo ba kayang magsakripisyo ng kahit na kaunti para sa pamilya mo? Mahal ka nila kuya, nagtatrabaho silang dalawa para sa inyo!"

"Pwede ba Steffi, tama na? Umalis ka na. May klase pa ako mamayang alas-kwarto."

"Sige kuya, aalis na ako. Pero may gusto lang akong malaman mo."

"Ano?"

"In behalf of Brix, kung sakaling nasira man ang buhay mo nang dahil sa kanya, sana mapatawad mo siya. Brix, my bestfriend, your brother, he's dying kuya. May taning na ang buhay niya. Isang buwan nalang mawawala na siya sa atin, sa iyo. And he wishes to see you to make his life complete before he leaves. Sige kuya..."

And with that, umalis na ako with tears in my eyes. Nalulungkot parin ako at nasasaktan para sa taong mahal ko dahil ganito ka-cold ang kuya niya na ayaw nang magpakita pa..... Magmamatigas lang naman si kuya Brian eh.

Haaaaayyy, ano na ang gagawin ko?

Umuwi na ako at nag-isip kung ano ang dapat kong gawin para sa unang wish ni Brix. Kahit ako mismo, nahihirapan na din. Una palang, nahihirapan na ako, yung pangalawa pa kaya?

:}7�K<�


The Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon