Sunday came and pumunta ulit ako sa bahay nila Brix to check on him. Sabi nung katulong nila,hindi pa daw niya siya nakikita, siguro, tulog pa daw sa kwarto niya.
Pumunta naman kaagad ako sa kwarto niya at kinatok ito.
Ilang minuto nadin ako pero hindi parin niya ito binubuksan, dahil doon, nag-alala na ako sa kanya ng sobra...
"Manang? Manang, nasaan po iyong susi ng kwarto ni Brix?"
"Nasa may drawer po sa table ng vase ma'am."
"Thank you po."
Kinuha ko kaagad ang susi at binuksan ang kwarto ni Brix at nagulat ako nang tumambad sa akin ang isang katawan na nasa sahig at walang malay...
"Oh my gosh, Brix!"
Agad akong lumapit sa kanya at ibinangon siya.
"Please, huwag mo muna akong iwanan, hindi ko pa kakayanin kung mawala ka. Diba, tutuparin ko pa ang wishes mo? Nasa una palang tayo oh, ano pang saysay kapag hindi na matutupad iyon?"
Umiiyak na ako that time, hindi parin kasi siya nagigising kahit tinatapik-tapik ko na ang pisngi niya. Mahina ako pagdating sa bestfriend ko eh, sa taong mahal ko.
"Uy, gumising ka na, please? Brix, nagmamakaawa ako sa iyo, gumising ka na. Hindi ko kayang mawala ka, kasi hindi ko pa nasasabi sa iyo ang nararamdaman ko. Brix, mahal kita. Please gumising ka na oh. Hindi ka pa pwedeng mawala, huwag ngayon hindi ko pa natutupad yung gusto mo please, gumising ka..."
Oo, mahal ko siya, matagal na. Siguro, dalawang taon ko na din itong tinatago sa sarili ko. Hindi ko nga lang masabi sa kanya kasi baka iwasan niya ako. Simula nung nagkasakit siya, naging sobra na ang pag-aalala ko sa kanya at mas lumaki ang pagmamahal ko sa kanya at sa pamilya niya. Tinatanong niyo siguro kung bakit ko siya mahal. Mahal ko siya dahil palagi niya akong pinapasaya. Sa bawat araw na magkasama kami, hindi nawawala ang mga ngiti sa mukha ko. Siya kasi yung taong maalaga at sweet sa iyo. Yung taong ipinagtatanggol ka sa mga umaaway sa iyo. Medyo bullied kasi ako noon, pero simula nung dumating siya sa buhay ko, siya na ang naging knight in shining armor ko. And I'm happy because I met someone like him.
Nasa mga bisig ko parin siya habang patuloy akong umiiyak, hindi parin siya nagigising. Please, hindi pa naman niya oras hindi ba? Huwag niyo na muna siyang kunin mula sa amin, madami pa siyang gustong gawin. Madami pa siyang gustong maranasan habang nandito siya...
"Brix, mahal na mahal kita, gumising ka naman na oh? Nagmamakaawa ako sa iyo..."
Pagmamakaawa ko sa kanya. Nakayakap na ako sa kanya at patuloy parin akong umiiyak...
"Totoo ba?"
Muli akong nabuhayan ng loob nang marinig ko ang boses niya. Nang dahil doon, muli na naman akong napayakap sa kanya.
"Brix, mabuti naman at nagising ka na. Nag-alala ako sa'yo ng sobra..."sabi ko sa kanya.
"Totoo ba iyon?"
"Huh? Ang alin?"
Huwag mong sabihing narinig niya iyon, kasi nakakahiya...
"Yung sinabi mo kanina, na mahal mo ako?"
Sasabihin ko ba? Na mahal ko siya?
"Oo, totoo ang lahat ng iyon Brix, mahal na mahal kita... mabuti naman at nagising ka na, hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa iyo..."
"Steffi...pwede bang dito kalang sa tabi ko? Please? Ayokong iwan mo ako. Huwag kang mawawala sa paningin ko,please?"
"Oo,Brix. Hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo,kahit kalian. Mahal na mahal kita..." pagkasabi ko noon, hinalikan ko siya sa pisngi niya.
BINABASA MO ANG
The Last Wish
RomantikThis is my first ever story in Wattpad but I had been writing stories before. I just didn't have the time to write/post it here because I don't know how,haha. Anyway, please do read if it interests you. Thank you!! v(^-^)v