12 MORE DAYS.
12 MORE DAYS TO BE WITH HIM.
12 MORE DAYS BEFORE HE WILL LEAVE US.
12 MORE DAYS FOR HIM TO FIGHT HIS SICKNESS.
12 MORE DAYS FOR ME TO MAKE HIM AS HAPPY AS I COULD.
BUT IT DOES NOT MEAN THAT AFTER THE TWELFTH DAY, I WILL NOT LOVE HIM ANYMORE.
Steffi's POV
After he was discharged from the hospital, umuwi na sila ng bahay kasama ang kuya
niya. Hindi mainpinta kung gaano siya kasaya nang malaman niyang babalik na muli ang kuya niya sa kanila. Hindi naman ibig sabihin ni kuya na babalik lang siya sa kanila dahil alam niyang malapit nang umalis si Brix pero babalik na siya doon upang makipag-ayos at muling manirahan kasama nila. Nung araw ding iyon, nagresign si kuya mula sa pinagtatrabahuhan niyang restaurant. Siya na din ang nagbayad sa mga fees ng kapatid niya bago siya inilipat sa ospital kung saan naroon ang mga doctor niya. Sabi niya, huwag ko raw munang sabihin ito sa mga magulang nila dahil gusto niyang sorpresahin ang mga ito. Naging buo muli ang pamilya nila at naging masaya sa gitna ng kalagayan ni Brix.
*Flashback*
"Kuya, talaga bang babalik ka na sa atin?"
"Oo Brix, I'm sorry kung ngayon lang. Pero sana patawarin mo ako sa kung anuman ang nagawa ko sa iyo."
"Kuya, matagal naman na kitang napatawad pero mas matagal akong nag-antay muli sa iyo."
"Salamat."
"Walang anuman iyon kuya."
*Present*
Sa ngayon nandito kami sa isang resort upang icelebrate ang 19th birthday niya.
December 13 na at damang dama nadin ang pasko sa paligid pero sa amin, mukhang hindi, dahil sa mismong araw din na iyon, mangyayari ang araw na ayaw naming maranasan or worst mas maaga pa. Noong tinaningan kasi ang buhay ni Brix, binilang ko na ang kalendaryo at tumama iyon sa December 25, pero kahit na ganon, hindi parin kami nakakasigurado kaya dapat may laging katabi si Brix in case na may mangyari sa kanya. Bukas pa ang kaarawan niya pero nandito na kami ngayon para naman mas mahaba ang celebration. Nagkataon pang Friday the 13th ngayon, sana naman hindi ako mamalasin. hahaha
"Steffi, nakatayo ka parin diyan?"
Sigaw ni Brix na ngayon ay nakaupo na sa wheel chair.
"Ah, haha. Papunta na ako diyan. Ah, hindi na pala, diretso nalang ako sa may cottage."
Ano ba Steffi, nakatulala ka na naman! Gumising ka nga sa katinuan!
Nandun parin sila sa pinagparkingan ng van pero nakikita kong they're having a nice conversation. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawang ito?
Brix's POV
"Kuya Brian, favour naman po." Sabi ko kay kuya Brian na kasalukuyang isinasara ang pintuan ng van.
"Porke birthday mo bukas, may ganyan ka nang nalalaman ah." Sagot niya sa akin at bahagyang pinasok ang susi sa kanyang bulsa.
"Ngayon lang naman ako hihingi sa iyo ng pabor ah." Sabi ko.
"O sige, ano ba iyon?" napipilitan niyang tugon sa akin.
"Pwede bang pakibuhat mo iyong gamit ni Steffi at siya nalang nag magtulak sa akin?" malambing kong sagot sa kanya. YUCK! MALAMBING TALAGA?!
"Ano kamo? Bakit alalay na niya ako ngayon?" kunot-noo niyang sagot.
"Haha, sige na kuya."
"Oo na. Alam ko namang mahal mo iyong tao eh, kung bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanya eh mahal ka din naman niya. Halata kasi Brix, iba yung tingin mo sa kanya eh, at matagal ko na iyong nakikita, kahit pa noong bago ako umalis sa bahay natin."
BINABASA MO ANG
The Last Wish
Storie d'amoreThis is my first ever story in Wattpad but I had been writing stories before. I just didn't have the time to write/post it here because I don't know how,haha. Anyway, please do read if it interests you. Thank you!! v(^-^)v